And the dreams you left behind, you didn't need them
Like every single wish we ever made
I wish that I could wake up with amnesia
And forget about the stupid little things
Like the way it felt to fall asleep next to you
And the memories I never can escape
'Cause I'm not fine at allPakikinig ni Eli sa kanta, mag-a-alasdos na ng madaling araw at nakatambay pa rin si Eli sa Kusina ng bahay nila, kanina niya pa gustong matulog pero hindi siya dinadalaw ng antok kaya naman napagpasyahan niya na tumambay sa kusina para uminom ng gatas.
May narinig siyang sasakyan na huminto sa harap nila, siguro si greggy na iyon. Hindi nga siya nagkamali dahil narinig niyang bumukas ang main door nila, agad siyang naglakad patungo sa sala at nakita si Greggy na mukhang pagod.
"Hey Dad" bati nya kay Greggy sabay yakap dito.
"Why are you still up El?" Tanong ni Greggy sabay lapag ng Bag and laptop sa center table sa may Sala.
"I can't sleep so I decide to wait for you nalang"
"You shouldn't have waited for me El, I told you gagabihin ako ng uwi" wika ni Greggy habang nakasunod ito na naglalakad kay Eli na patungo sa kusina.
They both sat down sa high chair.
"Correction, Inumaga dad" sambit ni Eli and jokingly rolled her eyes.
"Malapit na kasi matapos yung isang building sa pampanga kaya kailangan bantayan" paliwanag niya.
"Yeah I know, hindi naman sana kita hihintayin eh di lang ako makatulog kaya While drinking milk edi hinintay na rin kita" tumango tango si Greggy.
"How was your day El?" Pagtatanong ni Greggy.
He wants to know kung ano ang pinagkaabalahan ni Eli ngayong araw, He wants to know kung okay lang ba ang anak niya dahil lately ramdam niyang may mali at may hindi ito kinikwento sakanya.
He's tired from all day all night work, nagbiyahe pa siya ng malayo pauwi kaya bagsak katawan niya pero gusto niyang makakwentuhan ang anak, gusto niyang alamin ang mga saloobin nito. He wants to make time for Eli, kahit saglit lang dahil alam niya rin na kailangan na kailangan ni Eli.
"Nothing much happened today, I just stay here the whole day. Tamad akong lumabas eh" sagot ni eli.
"You just stay here the whole day? Why didn't you invite Aya here in our house? Or you should visit dawn nor Small nalang" umiling iling si Eli.
Weird, dati rati tuwing nababanggit niya si Dawn at Small ay agad agad itong nagtatatalon sa tuwa dahil alam niyang papayagan niya itong pumunta at bumisita sakanila.
"Aya went to Cebu with her Mom since we have 4 days vacation. Tinatamad rin naman ako umalis ng bahay dad baka busy rin sila Tita Dawn" tumango nalang si Greggy.
"You want to go with me sa site bukas? Hapon ako pupunta kasi I need to attend a meeting pa sa office" pag-aya ni Greggy sa anak.
"I'll just stay here dad, I have my books to read naman" sagot nito, hindi naman kumbinsido si Greggy sa sagot ng anak. Alam niyang may iniisip ito at hindi masabi sakanya ni Eli
"Are you okay El?" Tumango si El.
"Ofcourse dad, maybe inaantok na kaya ganito. We should go upstairs na to sleep, lalo na ikaw you have work pa tomorrow you better have a rest na" wika ni Eli.
Sabay na silang naglakad paakyat ng bahay nila, greggy kissed Eli's forehead pagkahatid niya sa kwarto nito at dumiretso na rin siya sa kwarto niya.
Nang mahiga na si Greggy sa kama niya ay naisipan niyang icheck ang phone niya, maraming message ang nasa notifications niya pero isa lang ang pumukaw ng tingin niya.
Ang message ni Irene.
Sorry to disturb you Greg, just want to ask if Eli is busy? She's not replying to my messages eh, pati sa tawag ko di niya sinasagot. Is she okay?
Agad siyang nagtipa ng irereply
Sorry for the late reply Irene, I just got home from work. She's not busy, she's here in our house the whole day. Maybe she's just busy with her books and forgot to check her phone, hindi kasi siya macellphone na tao eh.
Ibinaba na ni Greggy ang phone niya sa side table at handa ng ipikit ang mata para matulog nang mag-ingay ang phone niya. Tinignan niya kung sino ang tumatawag at nagulat siya nang makita na si Irene iyon.
"Hello?"
"Greggy sorry to call you at this hour, I am waiting for your reply kasi kanina pa. Did I disturb you?"
"I was about to sleep when you called but it's okay, bakit ka pala tumawag?" Tanong ni Greggy
"Sorry Greg, I'm just worried about Kay Eli. Hindi parin kasi siya nagrereply eh"
"Irene Eli is not fond of using phones, she barely checks her phone. Why are you upset? Hindi ba kayo okay?"
"We're fine, I'm just worried that's all" napahinga ng maluwag si Greggy.
"May kakaiba nga sakanya ngayon, Sinasama ko siya sa work ko bukas pero ayaw gusto lang daw magstay sa bahay. I even convinced her to visit dawn and small pero ayaw din. Baka you have time, wala silang pasok you can ask her out"
"I'm still here in Ilocos Greg"
"Oh sorry, just enjoy your stay there ako na bahala kay Eli"
"Thanks Greg, update me about her please. Thank you so much"
"Okay, I'll end this call na at inaantok ako. You should rest too, bye"
_______
GREGGY.
"Sir Manang Rose called po, you're not answering her calls daw" sambit ni Jester pagpasok sa office ko.
Maga-alauna na ng hapon at katatapos lang nitong naglunch dahil late nang natapos yung meeting nila.
"I forgot to check my phone after my meeting, nakasilent mode eh. Thanks Jes" wika ni Greggy, tumango naman si Jester at lumabas na ng office nito.
Kinuha ni Greggy ang phone niya at may ilang missed call dun si Manang Rose kaya agad niya itong tinawagan
"Greggy mabuti naman at tumawag ka, kanina pa kita sinusubukan na tawagan"
"Sorry Manang, nakasilent kasi yung phone ko at katatapos ko lang kumain. Why did you call po?"
"Late ka bang uuwi mamaya?"
"Yes Manang, I still need to go to Pampanga to check the site eh. Why did you asked manang? How's Eli?" Tanong niya.
This is very unusual, Manang rose never asks him about his whereabouts except lang kung may importante itong sasabihin.
"Nilalagnat si Eli, pumasok ako sa kwarto niya kaninang 11 dahil di pa siya lumalabas ng kwarto at yun nakita ko inaapoy ng lagnat"
"What? How is she na manang? What happened ba?"
"Hindi ko rin alam Greggy, basta sumama daw pakiramdam niya. Pinapakain ko nga nung niluto ko pero unti lang kinain"
"Tumawag na ako dahil ang taas ng lagnat eh hindi bumababa simula pa kanina. Umuwi ka na muna kaya?"
"I will Manang, uuwi na po ako. Tatawagan ko na rin si Doc. Ramos para makapunta na siya dyan at macheck niya si Eli"
"Sige hihintayin nalang namin dito, babantayan ko nalang muna si Eli habang wala pa si Doc dito. Magiingat ka greggy"
"Thank you Manang" wika niya at binaba na ang tawag.
Agad na niligpit ni Greggy ang mga gamit niya at sinabi kay Jester na hindi muna sila tutuloy sa Pampanga para sa site visit.
Habang nasa biyahe siya pauwi ay tinawagan na rin niya ang Doctor nila para makapunta na sa bahay nila.
Should I call Irene too? Should I update her that Eli is sick?
Maybe not. Irene is in Ilocos, she went there to relax. Hindi na dapat sabihin dahil magaalala lang yun kay Eli.
-------
Happy 2024 <3