CHAPTER 19

383 12 0
                                    

JARNEIA’S POV
 
Huminga siya ng malalim habang ako naman ay tinignan ang tea na nasa harapan ko. Mukhang kasasalin lang nito at mainit pa. Muli ay tumingin ako sa kaniya na no’n ay nakatingin sa buong paligid.
 
“Beautiful isn’t it?” ani niya at napatingin ako sa tinitignan niya.
 
“Oo,” tanging sagot ko.
 
“I have so many things that I want to show them, but I can’t. Because they always don’t pay attention to us. Adi and I made way for them to notice us, but everything still doesn’t matter to them,” k’wento nito at malungkot ang kaniyang tono. “I want to tell them that they’re selfish, but how can I say that stupid thing if they are also doing what they can for us?” ani pa niya.
 
Hindi ko alam ang kung anong pinupunto niya pero alam ko naman ang kung ano’ng pakiramdam niya. Pinakingan ko siya at tingin ko ay iyon ang kailangan niya sa ngayon. Hindi ko namalayan ang oras at nang maya-maya ay pinuntahan kami nila Adi. Tumayo kaming pareho ni Damian at saka ako nangunot ng noo kay Alisha. Tumingin siya sa isang lalaking no’n ko lang nakita at saka ako muling bumalik ng tingin sa kaniya.
 
“Sino siya?” takang tanong ko.
 
“Eh… kasi ano…” hindi niya maituloy ang sasabihin niya at para bang siraulong naturuliro. “Pinapabantayan ka ni Zach sa i,” bulong ni Alisha na s’yang ikinalaki ng mata ko.
 
Yumuko ang lalaki sa ‘kin at saka ako napaatras ng bahagya. “I’m Ronald,” pagpapakilala nito.
 
Nagulat ako sa pag-ring ng cellphone ko na agad ko namang sinagot at saka ako dumistansya sa kanila. “Hello?”
 
“Is he with you?” tanong nito.
 
Napahawak ako sa ulo ko at saka napapikit ng mariin. “Bakit mo kailangang gawin ‘to? Kaya ko ang mag-isa at kasama ko si Alisha!”
 
“I know. I’m just protecting you,” sagot naman nito.
 
“You don’t need to do that!”
 
“I need.”
 
Napipikon ako napaimpit ng sigaw dahil hindi ko naman siya masasampal sa selpon. “Trabaho mo ang isipin mo at hindi ako. Tantanan mo ‘ko at hindi ko kailangan ng body guard b’wisit!” sigaw ko at saka binaba ang selpon ko.
 
Tumingin ako kila Alisha at napanganga sila sa ‘kin at agad ko namang inayos ang sarili ko. “Are you ok, Jarneia?” tanong ni Adi.
 
“A-Ayos lang,” sagot ko naman at saka napabuntong hininga.
 
Tumingin ako sa lalaking nagpakilalang Ronald kanina at saka ako tumingin kay Adi. Hindi ko alam kung anong balak ni Zach at kahit na wala ito dito ay pakiramdam ko ay nandidito pa rin siya.
 
“P-Paano mong nalaman na nandito ako?” takang tanong ko sa kaniya at saka naman siya ngumiti sa ‘kin.
 
“Mayro’n pong paraan,” ani niya lang at saka naman kumapit sa ‘kin si Alisha at tumingin ako kay Damian.
 
Tumawa lang ito at saka sakto naman na dumating si Adi. “Ano’ng nangyayari dito?” takang tanong niya.
 
Hindi na lang ako sumagot at saka ko naman sinenyasan si Alisha na kausapin si Ronald at tumango naman siya sa ‘kin. Agad akong ngumiti sa magkapatid at saka ko sila hinila palabas ng k’wartong ‘yon kahit na hindi ko naman bahay ang bahay na ‘to. Gano’n pa man ay inilibot na lang nila ako sa buong mansion nila.
 
Nakita ko ang portrait ng mga magulang nila kasama na rin ang kanilang mga litrato. Dalawa lang silang magkaptid at ang nakakagulat doon ay kambal pala silang dalawa at hindi ko man lang napansin ang bagay na ‘yon dahil masyado akong nahumaling sa buong nasa mansion. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng pagiging mayaman nila ay ganito kalungkot ang nararamdaman nila.
 
Dahil sa sinabi nila at sa mga ginagawa nila upang mapansin man lang sila ng mga maguang nila at kahit na maliit na bagay ay naiintindihan nila at kahit na may sama sila ng loob ay mahal pa rin nila ang mga magulang nila at naiintindihan nila ang mga ito. Hindi ko aakalain na ganito kabait ang magkapatid na ‘to.
 
“Mahirap ba ang maging writer?” biglang tanong naman ni Adi at saka ako tumingin sa kaniya.
 
“Hindi naman. Siguro kung hindi mo naman iyon gusto ay maaring oo,” sagot ko naman at saka siya tumango.
 
“Ano naman ang paboritong genre mo sa mga sinusulat mo, Ate?” tanong naman ni Damian.
 
“Fantasy,” sagot ko naman sa kaniya.
 
“Bakit?” tanong naman ulit ni Adi at saka ako napabuntong hininga.
 
“Dahil sa fantasy ay mas malawak ang nalalakbay ng imahinasyon ko. Sa totoo lang ay doon ako nagiging malakas, nagiging palaban, nagiging makapangyarihan sa lahat. Dahil sa pagsusulat ng pantaserye ay nakakatulong sa ‘kin para takasan ang reyalidad ng buhay na palala ng palala,” tanging sagot ko lang at saka naman namangha ang magkapatid.
 
Matapos ang ilang sandali ay pumunta kami sa may pool area kung saan nandoon na daw ang mga pagkain at sa totoo lang ay napanganga ako ng makita ang maraming pagkain sa buong paligid. Tinawagan ko naman si Alisha at halos naliligaw na daw siya sa buong lugar dahil na rin sa laki ng mansion nila Adi. Nang makarating siya ay kasama pa rin niya si Ronald at napairap na lang ako dahil sa nangyayari. Nagkaroon kami ng small celebration at inaamin kong masaya nga iyon. Sa totoo lang ay mayro’n akong napansin sa kanilang dalawa. Iyon ay wala silang kaibigan na inimbitahan at pansin ko rin na parang mailap sila sa mga tao. Lalo na si Adi. Tingin pa lang nito ay paniguradong lagot ka na.
 
Nang matapos ang kasiyahan ay hindi ko na rin namalayan ang oras at gabi na rin pala. Sa puntong ito ay napatingin ako sa cellphone ko at ang dami pa lang missed call galing kay Zach at napalunok ako ng sariling laway ko. Hindi ko alam kung anong hanas na naman ng lalaking ito. AdiNagpaalam na kami sa magkapatid at pinahatid pa nga nila kami sa tauhan nila. Nang makarating ako sa bahay ay nandoon si Mama at naghanda na ng pagkain. Tumingin siya sa ‘kin at saka ko naman siya nilapitan at tinignan ang mga pagkain na nakahain.
 
“Ma, kumain na ako. Nakikain ako sa may birthday hehehehe,” ani ko at saka siya tumingin sa ‘kin.
 
“Hindi naman kita inayang kumain. May darating na bisita,” sabi naman nito na siya namang ikinakunot ng noo ko.
 
“B-Bisita?” takang ani ko at saka siya tumango sa ‘kin.
 
“Hindi mo naman sinabi na mayro’n ka na pa lang boyfriend,” saad niya na siya namang ikinalaki ng mga mata ko.
 
“A-Ano?” hindi makapaniwalang saad ko at sakto naman na may kumatok sa may pinto at agad naman na binuksan ito ni Mama.
 
Napanganga naman ako nang makita ko si Zach sa g’wapo nitong suot at hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon sa bahay namin at talagang close na sila ni Mama ngayon. Sa likuran nito ay nandoon naman si Alisha at saka siya lumapit sa ‘kin at tinapik ang balikat ko.
 
“Hindi mo naman sinabing bibisita ang bebe mo,” ani nito at saka ako masamang tumingin sa kaniya.
 
“Pinagtutulungan niyo ba ako?” inis na tanong ko at saka naman tumingin sa ‘kin si Mama na may pangungunot ng noo.
 
“Ano ba ang sinasabi mo, Jarneia?” takang tanong ni Mama.
 
Napatikom agad ako ng bibig ko at saka ako napabuntong hininga. Sa totoo lang ay bigla na lang akong natameme sa kagagawan ko. Umupo sa tabi ko si Zach at sa saka naman nakisalo sa ‘min si Alisha na siya namang ikinainis ko lalo kasi alam kong sang-ayon siya sa kung anong nangyayari ngayon.
 
Ngumiti si Mama kay Zach at saka niya ito binigyan ng pagkain. “Kain ka ng marami, nako ang dami pa naman ang nagkakasakit ngayon kaya mahalaga ang gulay sa katawan, okay?” saad nito at ngumiti rin sa kaniya si Zach.
 
“Of course, Tita,” ani naman ni Zach at saka tumingin sa ‘kin. “You should eat too,” ani niya at saka ako napangiwi.
 
“Alam ko ang oras ng pagkain ko kaya hindi mo na kailangang sabihin ang bagay na ‘yan,” sabi ko naman at saka ako napatingin kay Alisha.
 
Sinamaan ko siya ng tingin at saka naman siya ngumiti ng kakaiba at ang ngiti na ‘yon ay hindi ko talaga nagugustuhan. Napakuyom ako ng kamay ko at saka naman siya tumingin kay Mama at pinulupot ang braso nito sa braso ni Mama.
 
“Tita oh~ sinasamaan ako ng tingin ni Jarneia,” sumbong niya na para bang bata.
 
“Jarneia, alam kong hindi ka na kakain dahil ang sabi mo ay nakikain ka na sa may birthday,” sabi ni Mama at saka ako tumango. “Pero kailangan mo pa ring sumabay kaya manahimik ka d’yan,” dagdag niya na siya naman ikinanguso ko.
 
Kumuha na lang ako ng konting kanin at saka gulay at tumingin ako kay Alisha at binantaan siya sa pamamagitan ng mga mata ko.
 
Humanda ka lang talaga sa ‘kin bukas nang makita mo kung anong hinahanap mo.
 
Inis na ani ko sa isip ko at saka naman napatingin sa ‘kin si Zach na siya namang ikinataas ko ng kilay ko. Tinutok niya sa ‘kin ang kutsara na may lamang pagkain at saka ako nangunot ng noo sa kaniya. Mula sa may gilid ng mga mata ko ay nakita ko kung paanong kinilig naman si Alisha at si Mama naman ay nagmamasid kung tatanggapin ko ba ito o hindi. Sa totoo lang ay kinakabahan ako at hindi ko maintinidhan ang kung ano’ng gagawin ko.
 
Ang lakas ng kabog ng puso ko at parang gusto na nitong umalis sa katawan ko. Nanatili akong nakatingin sa kaniya at sa pagkain na isusubo niya sa ‘kin. “If you didn’t take it, I will kiss you in front of them,” bulong nito sa ‘kin kaya naman sa takot ko ay agad kong sinubo ito at ngumiti sa kaniya ng sapilitan.
 
Napakuyom na lang ako ng kamay ko at palihim s’yang sinusumpa sa utak ko at pinapatay sa imahinasyon ko. Kung kaya ko lang gawin ang bagay na ‘yon ay ginawa ko na pero hindi p’wede. Naiinis ako dahil nandito siya ngayon at naiinis ako dahil sa nangyayari ngayon. Matapos naming kumain ay saka naman siya nagpaalam at sa totoo lang dalawa lang sila ni Mama ang nagkakaintindihan at sa kung ano man ang pinag-uusapan nila ay hindi ko alam.
 
Nagpaalam akong magpapalit lang ng damit at umak’yat sa k’warto ko. Nang makarating doon ay saka ako nakahinga ng maluwag at napahiga kao sa kama dahil na rin sa nangyari kanina.
 
“Bakit parang ang malas ko naman yata every day?” inis na tanong ko sa sarili ko.
 
Napasinghap ako ng pumasok sa k’warto si Alisha at saka ako napabangon. Ito na ang pagkakataon ko para makaganti ako. Agad ko s’yang pinalo ng malakas sa braso na s’ya namang ikinainda niya at saka naman siya napanguso sa ‘kin.
 
“Naman, Jarmeia! Ang sakit!” inis na sabi niya habang hawak ang braso niya.
 
“Hindi ka totoong kaibigan!”
 
“Ano? Pinagsasabi mo? Ganiyan ba epekto nang sinubuan sa harapan ng magulang at kaibigan?” asar niya.
 

Ms. Author [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon