Chapter 49

87 7 3
                                    

Muling naging maayos ang relasyon nina Xena at Rukawa. At sina Mitsui at Zarrah ay tuluyan nang naghiwalay. Habang nasa library si Mitsui napakamot ito sa ulo nya "May problema ba Mitsui?" tanong ni Haruko

Ikinagulat ng binata ang biglang paglittaw ng dalaga "Haruko ginulat mo naman ako." sabi ng binata

"Hindi ko akalaing magugulatin ka pala. Anong problema?" tanong ni Haruko

"Ito kasing math problem na to, hindi ko alam kung paano i-solve. Nasanay kasi akong lagi akong tinutulungan ni Zarrah." Paliwanag ni Mitsui

"Patingin nga Mitsui.. Hindi na ba kayo naging okay ni Zarrah?" tanong ni Haruko habang nakatingin sa notes ng binata

"Hindi na, at sa tingin ko mas mabuti na ang ganito Haruko." Sagot ni Mitsui

"Mitsui hindi pa rin pumapasok si Zarrah, ilang araw na sa tingin mo okay lang kaya sya?" tanong ni Haruko

"Siguro, ayokong magtanong. Baka kasi isipin nya interesado ako. Sa ngayon okay na akong single, self love muna at study first.AHAHHAHAH" sabi ni Mitsui

Kinuha ni Haruko ang ballpen ng binata at nagsimulang magsulat "Ganon ba? Tandaan mo Mitsui lahat ng problema malulutas. Tulad ng math problem na ito, ayan solve na. Hintayin mo lang ang tamang panahon at tamang tao. Wag mo apurahin o madaliin ang sarili mo para ma-solve." Nakangiting sabi ni Haruko

"Tamang tao? Ikaw ba yun Haruko?" tanong ni Mitsui

"Waaaaaaaaa anong ibig mong sabihin Mitsui?" namumulang tanong ni Haruko

"Bakit ka natataranta dyan at namumula. Kasi napansin ko lang na sa tuwing kailangan ko ng tulong andyan ka. HEHEHEHEH" sagot ni Mitsui

Tinitigan ni Haruko si Mitsui sa mukha nito "Oyyyyy Haruko baka matunaw ako nyan." nagbibirong sabi nito

"Sandali, wag kang gagalaw." Sabi ni Haruko at inilapit ang mukha nya sa binata

"Oyyyyyy Haruko anong gagawin mo?" pag ilag ni Mitsui at nagsimulang mamula ang mukha

"Sandali, wag kang malikot." Sabi ni Haruko at hinawakan sa pisngi ang binata

"Haruko ano ba, nasa library tayo. Wag dito." Napapaatras na sabi ni Mitsui

Nang may kinuha si Haruko sa may baba ng mata ng binata "Ano yan?" nagtatakang tanong ni Mitsui

"Pilik mata mo, alam mo ba Mitsui may mga sayings na pwede ka daw mag wish sa ganito." Sabi ni Haruko

"Talaga? Matutupad ang hihilingin ko dyan? Paano naman?" sunod sunod na tanong ni Mitsui

"Iipitin ko sya sa dalawang daliri ko, then you will make a wish. After that pipili ka if taas or baba. Pag tama ang pili mo matutupad ang wish mo." Paliwanag ni Haruko

"Sige mag-wish ako, at gusto ko tuparin nang napakagandang fairy sa harap ko ang hiling ko." sabi ni Mitsui

"Nyaaaaaaaaaa ano ba naman yang mga sinasabi mo Mitsui. Nakakhiya naman." Namumulang sabi ni Harukko

"Basta magwi-wish na ako." sabi ni Mitsui

"Sige pero close your eyes muna, then saka ka mag-wish." Sabi ni Haruko

"Masusunod. Pero dapat pagmulat ng mga mata ko nandyan ka pa rin ha." Sabi ni Mitsui at saka ipinikit ang mga mata nya at tumango naman si Haruko

Iminulat ng binata ang mga mata nya "Taas o baba?" tanong ni Haruko

"Taas" sagot ni Mitsui

Fall Inlove with a StrangerWhere stories live. Discover now