Masyado ata akong napaaga sa pagpasok ngayon sa school. Kung ikukumpara mo ang kadalasang oras ng pagpasok ko ay masyado talagang maaga ngayon.
Ako lang ba? Masyado rin mabagal ang oras, hindi naman to ganito ah. Or sadyang wala lang talaga akong magawa.
Kung anong iniisip ko? Wala.. —wala naman ata?
Best friend.
Shutang—paulit ulit!
Parang nirecord ng utak ko yung salitang best friend tapos ngayon parang sirang plaka na paulit ulit nagpplay sa isip ko.
Ang malala, boses pa ng hayop na David na yon.
Ano ba naman yan! Kalorkie.
"Mabagal talaga ang oras kung babantayan mo." biglang sabat na naman ng kung sinong damuho sa pagmumuni muni ko.
"Oh, ano na naman?! Nangiistorbo na naman to!" inis kong saad dito sa David na to na nasa katabi ko na pala.
''Lakasan mo pa, di ako nabibingi." mahinahon ngunit sarkastiko nitong sabi.
Huminga ito nang malalim kaya naagaw muli nito ang atensyon ko.
''Anong iniisip mo?" biglang tanong nito out of nowhere. Kaya napa "Huh?" na lang ako.
"Bingi. Sabi ko, anong iniisip mo?" paguulit nito.
"Wala naman." sagot ko.
Sinungaling ka, Maria Iris.
"Pero bakit mo natanong?" dagdag kong tanong.
Bumuntong hininga na naman siya.
"Wag ka ngang gumanyan, ang baho nang hininga mo!" sabi ko. Pero in fairness, mabango talaga. Alagang Colgate.
"Ito kasi, seryoso." sabi niya kaya biglang sumeryeso ang mukha ko kasi seryoso nga daw. Alam kong seryoso talaga siya.
"Nakita ko kasi papa mo kahapon sa mall, may kasamang babae tapos batang babae." nagpause siya sandali. "May iba ka pa bang kapatid?"
Alam kong napansin niya ang pagbago ng timpla ng mukha ko.
Umiling ako, "Wala, kami lang ng kuya ko. Bakit?"
"Oh edi sino yun?" usisa nito, napakachismosa naman. "Ay wait, nakuhanan ko yun ng picture." dagdag niya pa sabay kuha ng phone.
Mas mabilis pa kay flash ang pagkalikot niya sa phone at binigay sa akin.
Zinoom ko pa ito kahit malinaw na.
"Ah, yung tatay kong demonyo kasama yung kabit niya." walang gana kong ani sabay balik ng phone niya sa kanya.
"Eeeeehhhh?" mahaba nito ani.
"etlog." sabat ko.
Best friend.
Napatayo na ako at alam kong pinagpapawisan ako nang malamig.
''Pacanteen lang ako." paalam ko sabay lakad palayo nang hindi man lang hinintay ang sagot nito.
"Hoy teka lang, sama ako!" sigaw niya, at alam kong nakasunod ito sa akin ngunit hindi na ako nagabalang lumingon sa kanya.
Baka mamaya mabuking pa ako.
Teka–anong mabuking?
Bakit naman ako mabubuking?
Bigla itong humakbay sa akin.
"Ay shutanginames!"
"Hanggang kailan mo ba ako gugulatin? Sulpot to nang sulpot!" inis kong dagdag, at tinawanan lang ako ng loko.