Main Gate.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang batiin ako ng security guard sa guard house. Isang ngiti lang ang tinugun ko. Naghintay ako ng pampasaherong jeep sa harap ng aming village. Nadadaanan lang naman kasi ang unibersidad kung saan ako nag-aaral. Hindi nagtagal ay nakasakay din ako ng jeep. Batid kong karamihan sa mga kasabay kong pasahero ay mga schoolmate ko. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay palagi na lang akong pinagbubulungan at pinagtitinginan ng mga walang magawang tao. Mas lalo akong nailang dahil sa pesteng bonnet na pinasuot sa akin ni Mama. Sinuot ko na lang ang aking headphones at pinatugtog ang dala-dala kong iPod.
There'll be no sunlight if I lose you baby,
There will be no clear skies if I lose you baby,
Just like the clouds, my eyes will do the same;
Every day in the rain, rain, rain
Patapos na ang kanta ni Bruno Mars na It Will Rain nang tumigil kami sa tapat ng main gate ng University. Pinauna ko na ang mga nagmamadaling estudyante bago ako tuluyang bumaba. Nasa loob na ako ng campus habang pinapakinggan ang kantang Birthday Dress ni Lill Play kaya naman para akong modelo kung maglakad sa pasilyo. Biglang may tumabi sa akin at umangkla sa braso ko. Napatingin ako, si Zia; isa pa sa mga close friend ko. Tinanggal niya ang earphones ko. "Hey, sexy tiger, good morning"
"What can I do for you, Zia? Do you want me to rip off your clothes and eat you?"
ang malanding panunukso ko sa kanya. "Cause this tiger is hungry"
"Playing dirty, Stefan?" ang nakangiting tanong ni Zia.
"Yeah, Cause I'm one great hot mess" sabay tingin sa kanya at kindat.
"You're such a flirt" ang natatawa niyang komento.
"Being me; it's hard to fight it"
"Stefan, tigilan na nga natin to; kinikilabutan ako" ang sabi niya. "Saan mo natutunan yang pagiging naughty? That is not so like you"
"I know right" tugon ko sabay tawa. Hindi naman kasi ako flirtatious. In fact, I could say that I'm a hopeless romantic. Natuto lang akong makihalubilo dahil sa circle of friends ko at dahil na rin sa required ito sa kinuha kong kurso. "Anyways, nakita mo ba si Cassie? May photo-shoot daw kami ngayon eh. Ako na naman ang napagtripan gawing print ad model"
" Nasa patio sila, kasama pa yung iba nating kabarkada."
ang tugon niya. Yinaya ko siya roon. Pagdating namin doon ay sinalubong kami ni Cassie.
"What the hell is that, Stefan?" sabay turo sa suot-suot ko.
"What?" ang pabalik kong tanong.
"You look nice with that"
"Shall I take that as a compliment or an insult?"
"Grabe ka naman, minsan lang akong pumuri kaya be grateful"
Pagkatapos naming magbatian ay sinimulan na namin ang photo-shoot. Sinimulan nila akong ayusan at bihisan. Kinakalikot ko ang aking phone habang inaayusan nang may marinig akong pamilyar na boses. "Hey, Stefan; looking good ah?"
Napatingin ako sa salamin. Nakita ko si Evo sa likuran ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. "E-Evo! Anong ginagawa mo rito?"
"Kasama ako sa photoshoot ni Cassie and Bea too. Hindi ba nabangit sayo" ang tugon niya habang pinagmamasdan ako.
"Yeah, nabanggit niya nga pero ang akala ko kasi nagbibiro lang siya", ang tugon ko. Nakatuon lang ang tingin ko sa suot-suot niyang bowtie. Ayaw kong tignan ang mukha niya baka kasi umatake na naman ang sudden speech disorder ko sa mga titig niya. "And this is not your thing."
"Sometimes, we have to do things that make us uncomfortable. It's how we grow" sabay hawak sa balikat ko. Bigla akong napatingin sa mukha niya. He's wearing his famous killer smile. Masaksihan ko lang yun ay para na akong nasa heaven. I could die right now! Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Mabuti na lang napahiran na ng foundation ang mga ito. Kung hindi, mapapahiya na naman ako. Hindi ako makapag-isip ng matino dahil sa kamay ni Evo sa balikat ko. "E-Evo?"
"plu
^z