May 30, 2020
Thank you for making it up here. This story has a lot of grammatical errors, but I am still happy that it was part of my high school journey. Please support my other story!"I'm Sorry Miss."iyang salitang iyan pa lamang ang narinig kong winika ng doktora ay gumuho na ang mundo ko..
"Huwag mo kaming gaguhin Red!.."sigaw ng babaeng muntik ng makasagasa sakin, napapikit ako at namuo ang luha sa gilid ng mata.
Ang anak ko.
Hindi, hindi pwede..Hindi totoo iyan..
Nanginginig ang labing nagusal muli ng panibagong salita.."Anong i-ibig mong sabihin Doc?.."takot kong sabi, tumingin ito sa hawak na papel at tumingin sakin..
"I'm sorry patay na ang a—.."
"Hindi totoo iyan! Hindi! Hindi totoo iyan!.."umiiyak kong sambit at lumingon sa babaeng tumulong sakin.."D-diba buhay pa siya? Hindi mo ako nabunggo, hindi ko siya p-pinabayaan..Kaya b-buhay siya..B-buhay ang anak ko h-hindi ba?!..Sagutin mo ako!.."nanghihina kong pakiusap..
Hindi niya ako sinagot..
Hindi! Siya nalang ang meron sakin..Siya nalang ang meron ako, bakit? Bakit?..
"Wait nga! Wait lang ha..Nurse!.."sigaw ng doktora.."Tama ba itong papel na binigay mo?.."tinignan naman ng nurse ang papel at napatampal sa noo..
"Ay hala! Sa kabilang room pala ito..Naku.."
"Tangina! Pati iyan hindi mo magawa ng maayos!.."
"Huwag mong sigawan ang nurse ko Attorney.."may diin sa boses na sabi ng Doktora at hinintay ang kapalit bago niya ako tinignan..."Ayos lang ba ang pakiramdam mo?.."
"Kayo ang doktor dito bakit ako ang tinatanong mo?.."may kasungitan sa boses na sabi..
"Ay aba!. Pasalamat ka buntis ka.. Heto! Alam mo ba na kambal ang anak mo?.."napasinghap ako.."Ngayon alam mona, bawal sa buntis ang maistress, bawal ang magpuyat, bawal umiyak ng todo, kumain ng healthy foods at kung pwede huwag ng magtrabaho.."aniya..
Napalunok ako at umiwas..Nagunahan ang mga luha sa mata na mahulog..Agad naman lumapit sakin ang babae.."May masakit ba?..Bakit ka umiiyak?..Red tignan mo nga.."
Agad akong pinaharap ni Red at tinitigan sa mukha..Nagtatanong ang mata nito..Ako ang unang naglihis ng tingin..Rinig ko ang pagbuntong hininga niya bago nito hinaplos ang tiyan ko.."Alam kong may ama ang dinadala mo kasi kung wala hindi niyo ito nagawa.."makahulugang aniya
"Nais kong lang tanungin kung alam at papanagutan ba ng nakabuntis sayo ang dinadala mo?.."hindi ako sumagot, at masakit sa loob na napahikbi..
"Paano ba iyan Attorney, mukha yatang may tutulungan ka.."
Agad akong nag-angat ng tingin.."Hindi ko kailangan ng tulong niyo..Kaya kong palakihin ang mga bata mag-isa.."
"Kaya mo? Sa papaanong paraan Miss?.."
"Sherlyn Hiella.."tumigil ako at nagdalawang isip pa kung sasabihin ang apelyido..."Veliar.."
"Veliar? Ina mo ang may ari ng Santiago Company?.."kuryosong tanong ni Red..Pilit akong tumango.. Napaattras siya at hinilot ang sentido.."Kung tama ako ng hinala, tinakwil ka nila?.."
"Y-yes.."
"Im not sorry to hear that..Kasi dapat bago mo nagawa iyan alam mona ang kakahinatnan..At tama lang ang ginawa nila sayo.."aniya, mapait akong napangiti bago siya tinitigan..
"Red ano ba! Tangina kang Doctor ka, nanakit ka na naman.."
"Bakit Attorney? Totoo naman ang sinabi ko ah.."