Trigger Warning: Harm

*****

I left the house without noticing the people in our house except Kuya Leo who was driving the car na maghahatid sa akin papunta sa school. Isang buwan na rin ang naklipas simula noong insidente at ngayon lang ako nag-lalakas ng loob pumasok saka magaling na rin ang sugat na natamo ko mula sa insidente kaya pumasok na ko. Sinubukan ko naman mag pa alam kahapon kay manang ngunit hindi s'ya pumayag dahil na rin sa utos nila ate.

When we arrived at the I took a few minutes bago lumabas ng sasakyan. I took a deep breath before going inside the gate of the school. Pakiramdam ko ay nanlalamig ang kamay ko habang nag-lalakad papasok ng gate ng school.

Nang makapasok ako sa Campus ay napatigil ang mga dumadaan ng mapansin nila ang pag-lalakad ko. Ang iba ay napa-hinto at nag bulungan pa habang pa simpleng tutumingin sa akin. Pansin ko din na umiiwas sa akin ang taong makaka-salubong ko na parang may nakakahawa akong sakit. Nang makarating ako sa room ay naging tahimik ang mga ka-klase ko ng makita ako.

I was gonna go inside when Blair came out of nowhere at bigla na lang lumitaw sa harap ko. She had this irritating smile on her face while looking at me. Her minions also have the same expression as hers. Lalagpasan ko sana sila ng hawakan ako ni Blair sa braso dahilan para mapatigil ako.

"Oh don't be rude Mina" Sabi n'ya at hinila ako pabalik sa kinatatayuan ko kanina.

"Ano bang kailangan mo sa akin Blair?" Seryosong tanong ko dito.

"Well I just wanna give you this"

Nagulat na lang ako sa biglang pag-samapal n'ya sa akin at pag tulak ng malakas dahilan para mapa-upo ako sa harap nila. Hindi pa man ako nakakabawi ay may naramdaman akong malamig na inumin na bumuhos sa ulo ko. I can't even move because of shock.

"You deserve that because you're the reason why one of the best teacher here died" Sabi n'ya sa akin. "You're not supposed to here nga eh! Kasi malas ka! Dapat umalis ka na dito baka may mamatay pa ng dahil sayo dito"

Nanigas na lang ako mula sa pag-kakaupo ko sa sahig dahil sa sinabi n'ya. Nang makapagisip ko ng kaunti ay tumakbo na ako pa alis sa lugar na iyon habang patuloy na tumutula ang luha. I reached the abandoned comfort room at doon pumasok. I cried harder because of the guilt and pain that caused my heart to clench.

'I'm sorry Miss Rage'

I cried and cried until I felt numb. Nakatulala lang ako sa maliit na bintana dito sa loob ng CR na s'yang nag-bibigay sa akin ng liwanag. Nanatili akong naka-upo malapit sa may pintuan habang nakatingin sa basag na bintana nitong lumang CR.

Lumipas ang hindi ko alam kung ilang oras ng hindi ko na ini-isip na bumalik sa room namin. Sa tingin ko ay wala na akong lakas ng loob para humarap sakanilang lahat matapos ang nangyari. Again I felt the guilt inside is consuming me again dahil sa mga pumapasok sa isip ko.

I waited inside this abandoned comfort room until it was 5:00 PM. I'm sure wala ng mga students sa oras na ito dito sa school kung meron man ay iilan na lang. When I got out of the campus, I saw the car that Kuya Leo was driving to pick me up.

Pinagbuksan n'ya ako ng pinto ng makalapit sakan'ya. Hindi ko na s'ya binati at pumasok na lang ako sa sasakyan. I was just silent the whole ride until we reached our house.

The Stars Moonlight: | D.A. Sandoval Where stories live. Discover now