Ilang weeks na since pumayag ako sa open-relationship na set-up. Sinabi ko din kay Glaiza ang mga gusto kong mangyari, kahit kaunting pagdadalawang-isip hindi ko nakita sa kanya. Ang mahalaga, pumayag ako at masaya sya doon.
"Hey, still there?" I met a girl sa isang bar. Her name's Ramona Cecilia Muñoz but people call her Arci. Gorgeous, rockstar at hook up thingy lang ang gusto. Even though sinabe ko kay Glaiza na dapat may right din akong makipagsex like her, ang hirap gawin. Hindi ko kaya. I made a promise that whatever happens, walang sex.
"Sorry, I was....anyway late na pala. I have to go. May trabaho pa ako bukas."
"Sige, hatid na kita. Paalam lang ako sa tropa
Teka—""Okay lang. Kaya ko na to. At isa pa nakakahiya na iiwan mo sila."
"I insist. Stay here and I'll be back. Konti lang ininom ko. Pramis!" Sabay halik sa ilong ko.
Maalaga sya to be honest pero baka ganito sya kasi hindi ko pa binigay ang gusto nya. Ganyan naman diba? Hanggat di ka pa bibigay, mabait sila sayo.
"Ginaw ah. Kanina buong magdamag ang init diba?"
"Oo nga, pati ang weather baliw na rin yata."
"Tatawa nako nyan? Eto, suot mo muna ang nipis ng suot mo kasi. Tsaka parang uulan ano?" Turo niya sa langit. At parang uulan nga. Nakikisabay sakin ang panahon. Malungkot.
"Wag kang aalis dyan. Kukunin ko lang motor ko. Relax ka muna. Eto, upo ka saglit. Okay?"
Mali talaga magdress kapag sa bar ka mapadpad, madaming lalaking nakatitig na parang kulang nalang hubaran ka. Pero, tinakpan ni Arci binti ko. Laking gulat ko nong hinubad nya rin ang hoodie nya.
"Teka, diba nilalamig? Yong leather jacket mo at hoodie sakin na lahat." Tatakbo na sana sya pero pinigilan ko. Naka-tshirt lang sya at manipis pa.
"Saglit lang ako. Andon lang motor ko oh." Turo nya sa black na motor. Triumph. Mayaman to.
"At isa pa ang sama ng tingin nila sayo." Pagtukoy nya sa mga lalaki na nagyoyosi sa labas. Bigla akong kinabahan.
Pero—
She kissed me. Open-mouth.
"I'll be back."
Nafeel ko yong init sa pisngi ko pagkaalis nya habang nakatingin sakin ang mga tao don. Hindi nga sya nagtagal at bumalik.
"Tara?" Sinuot nya sakin ang helmet at sinecure kung safe akong nakaupo. Pinasuot ko muna sa kanya ang hoodie nya kasi ang lamig talaga.
"Okay na? Hawak kang mahigpit ha." At umalis na kami.
Mahinahon ang pagdrive nya. Panay tanong if okay lang ba ako or nagugutom ba ako kasi pwede kaming magstop saglit at magdrive-thru.
Gustohin ko man na kumain. Nagmamadali akong umuwi. Kasi alam kong nasa bahay si Glaiza. I miss her.
Tahimik ang aming byahe pauwi. Alam kong ramdam nya na hindi ko pa kaya mag-open up. Pero napag-usapan namin ang tungkol sa set-up namin ni Glaiza. Sa tono ng pananalita nya, parang may idea sya sa ganon pero masa nagulat ako sa sinabi nya....
"Kung ako yon, hindi ako papayag. Bakit? Ang selfish ng ganyang. I mean tatlo sa isang relasyon? Bakit di mo nalang i-let go ang isa para may chance syang sumaya di ba? Pero ikaw ba pumayag ka ba kasi takot ka na mawala sya?"
Hindi ako sumagot. Pero humigpit ang pagkapit ko sa kanya.
"Sorry. Let it out. I am here." She made sure na kahit nasa byahe kami, I am safe with her. Umiyak ako ng ilang minuto habang tinatry nya akong icomfort. I am so thankful somehow nabawasan ang sakit ng loob ko.