Chapter 26: The Plan

44.9K 801 83
                                    

Kahit hindi na siya nagsalita I can still feel his anger. Kilalang kilala ko si Derick at kahit maraming taon na ang lumipas alam kong hindi pa rin siya nagbabago. He's deadly silent when he's mad.

Gusto ko nga sana siya tanungin kung sino ang nakapagsabi sa kanya about nung kay Minho but I've decided na manahimik na lang dahil once na itanong ko yun, hindi na matatapos ang usapan.

"I just want you to know na hindi ako papayag doon, Erica. Sinasabi ko sayo, I will sue you kapag nagpaligaw ka kay Minho" he said breaking the silence. Tinignan ko siya sandali at binalik na ang focus ko sa kalsada

"Hindi ba't medyo nagiging unfair ka? May kinasama kang ibang babae at nagkaanak pa kayo but I did nothing" I said tonelessly. Maisip ko pa lang ang pangyayaring yun pakiramdam ko may karayom na tumutusok sa puso ko

"I can say that I had a lacunar amnesia. Sa atin dalawa ako lang naman ang nakalimot di ba? Unlike you, alam mo na mag asawa tayo" kontra niya and this time medyo may galit na ang boses niya

I breathed heavily at umiling "Tumahimik ka na. Ayokong pag usapan"

"Eh paano kung gusto ko?" nang aasar na sabi niya that really pissed me of this time kaya marahas ko siyang tinignan

"I swear to God na ihihinto ko tong sasakyan at bababa ako!" sigaw ko sa kanya

"Daddy.. Auntie.. Nag aaway po ba kayo?" tanong ni Clarence mula sa likuran na nagkakamot pa ng mga mata. Halatang nagising lang siya dahil sa pagtaas ng boses ko

"No baby.. Medyo exciting lang kasi yung usapan namin ni daddy kaya medyo napataas ang boses ko. Sorry, go back to sleep" marahan sabi ko at tinignan siya thru the rearview mirror

He pouted his lips and that reminded me of Derick dahil madalas niya rin gawin yun dati. "Akala ko away na kayo eh. Dont fight, baka maaksidente tayo" sabi niya at humiga na ulit.

Masama kong tinignan si Derick then after that tahimik na kaming dalawa na ipinagpapasalamat ko naman. Kung buong byahe pepestehin niya ako hindi talaga ako magdadalawang isip na iwan siya. Magco commute na lang kaming dalawa ni Clarence.

Past ten nung dumating kami sa may farm. Kanina pa naman gising si Clarence dahil naiinip na raw siya. Hindi naman ganun ka traffic. Sadyang medyo mahirap lang ang pagpunta dito. Buti nga naalala ko pa eh.

Bumusina ako ng mahaba para marinig sa loob. Wala naman kibo si Derick. Tantya ko nga parang bigla siyang kinabahan. I've seen that face before. Ganyan din ang hitsura niya nung bago sila mag concert dati.

"Mababait naman ang tao rito kaya wala kang dapat ikakaba dyan" I assured him

Maya maya naman bumukas na yung malaking gate kaya pinasok ko kaagad yung kotse. So far kung titignan ko ang paligid wala naman gaano nagbago maliban lang sa ibang puno na mas marami ata ang bunga ngayon.

"Fuck, farm to? Thought it's paradise" bulalas ni Derick at nung tignan ko siya nakatingin siya sa labas with amusement on his face. Kahit paano napangiti na lang ako.

Hindi pa man kami husto na nakakalapit sa bungalow tanaw ko na na maraming tao ang nasa labas. At parang piyesta nga dahil may mahahabang mesa at maraming pagkain. May nakita nga akong lechon baboy that I silently swear na titikman ko mamaya.

"Are they expecting us?" tanong ni Clarence mula sa likuran at halata naman sa mukha niya ang sobrang excitement

"Yep, baby. Sinabi ko kay lola kagabi na pupunta tayo ngayon. Magmano ka pala sa kanya mamaya pati kay lolo ah?" sagot ni Derick sa nangangaral na tono. Hindi ko maiwasan mapangiti ulit. Natutuwa lang ako kasi ito yung unang pagkakataon na kinausap niya ng ganyan si Clarence sa harapan ko. Yung tipong yung tono niya pang tatay talaga.

The Wicked Liar 3: The Lying OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon