CHAPTER 18

3 2 0
                                    

CHAPTER 18

I can't explain how happy and wonderful our life is. Napaka ginhawa ng buhay ko at tila kumpleto na dahil lahat ng importanteng tao ay nasa paligid ko lang.
Kahit medyo nahihirapan sa trabaho at pagod, sa tuwing uuwi naman ako ay madadatnan ko ang pamilya ko na gabi gabing naghihintay sa akin para sabay sabay kaming maghapunan.

This is why even I'm so close to being starved, hindi ko magawang kumain o umorder dahil mas masarap at mas nakakabusog ang pagkain sa bahay.

Isang taon nang ganito ang sistema ng aming buhay, hindi simple ngunit masaya. Si Samuel ay makakapagtayo na nang kanyang sariling kompanya sa tulong ni Tito. Nung una nag aalangan pa siya pero nang sabihin ni tita na maaari naman niya itong isama bilang shareholders.

It's an architectural company consist of five floors. Nakita ko na iyon at sobrang proud ako sa kanya dahil sobra pa sa pinapangarap niya ang nangyari ngayon.

Masaya kami pareho pero alam kong may kulang pa. Kaya ito ay maingat na pinagmamasdan muli ang bagay na ibibigay ko kay samuel mamaya. Pauwi na ako sa bahay at bago iyon ay tinawagan ko muna sina mama na hindi ako makakasabay sa hapunan mamaya dahil nga may importante akong gagawin. Na alam kong ang magiging kahihinatnan non ay hindi rin maghahapunan si Samuel na kasama naman sa plano ko.

I finally going to propose to him. Isang taon kong pinlano ng sarilinan ang lahat bago ang araw na ito. Mula sa paghahanap ng bansa kung saan pwede ang magkaparehong kasarian ay magpakasal, nakausap ko rin ang isa kong classmate noong college na kasalukuyang naninirahan doon at nagpapasalamat ako dahil bukal sa loob niya ang pagtulong sa akin.

Si Eddie, dating pumuporma kay Bia na ngayon residente na sa bansa. Siya ang kumakausap sa mga taong magaasikaso ng kasal at pagdidisenyo. Dahil kilala ko sa Samuel, ayaw niya ng engrande, but I want our wedding to be glamorous.

Nakatanggap ako ng text kay mama habang nagmamaneho ako pauwi, mauuna na raw sila matulog dahil maaga pa silang magbubukas ng resto.

Nagsimula ulit ang mga magulang ko sa napag iwanan nilang trabaho dati. Mukha mang hindi kapani-paniwala dahil dating pulis si papa, pero masarap at magaling iyong magluto, kapampangan daw kasi siya, nasa dugo na daw iyon ng  mga tao sa pampanga.

Ayaw nila magsabi nung una dahil nahihiya kaya ako na mismo nagalok sa kanila at hindi naman tumanggi. Para naman daw hindi sila mabagot at makatulong sila sa gastusin sa bahay. Ang sabi ko naman sa kanila ay hindi naman na kailangan dahil kayang kaya naman na namin ni Samuel, para daw may maipamana daw sila sa magiging apo nila.

Sila ang una kong sinabihan tungkol sa plano kong mag propose kay samuel, nagbigay pa nga ng suggestions si papa, gayahin ko daw kung paano siya magpropose kay mama noon.

Sa may perya daw siya nag propose kay mama, kunwari nakikipag away si papa sa controller ng ferris wheel dahil gusto ni papa makasakay sila agad pero ayaw ng controller dahil nga first come first serve.

Akalain mo ba naman na may talent din pala ang papa ko sa pag-arte. Memorable daw iyon kay mam dahil lahat ng nakasakay sa ferris wheel ng gabing iyon ay kasabwat ni papa, mga kapwa pulis na may kanya kanyang hawak na glow stick. Ang romantic lang isipin na kahit mga tagapamahala ng perya ay kinausap pa niya para sa mga ilaw.

"Ayaw ni samuel sa crowded pa eh. " tanging sinabi ko nalang kay papa nung nakaraang gabi.

Ayaw ni Samuel sa matao, proud siya sa amin pero nanginginig ang tuhod niya kapag maraming nakatingin diretso sa kaniya. Naiintindihan ko naman dahil alam ko ang dahilan sa likod non.

Kaya kinuntsaba ko si mama at papa na ipasyal si Samuel ngayong araw dahil magaayos ako sa teresa. Nahanda na lahat sa bahay at si samuel ay nag stay daw saglit sa bahay nila Milady, gusto raw kasi nito makita si Luna, na ayos lang naman para hindi siya magtaka na bakit maliwanag ang terrace eh wala namang tumatambay doon maliban sa aming dalawa.

UnboundedWhere stories live. Discover now