CHAPTER 1

3.6K 26 1
                                    

C1: ENROLLMENT


Ivoryne's POV

"Ivo!" tawag sa akin ni Ate Ivy. Tamad akong tumayo mula sa higaan dahil inaantok pa ako.

"Bakit?" tanong ko sa kanya pagkababang-pagkababa ko sa may sala. "Kanina ka pa tinatawag ni Mama sa may kusina, may iuutos ata sayo" kumunot ang aking noo sa sinabi nya. "Ang aga-aga naman ate eh" reklamo ko, kagigising ko lang kasi tapos utos agad. "Dalian mo nalang" sabi nya.

Wala akong nagawa kundi ang tumango nalang at nagtungo sa may kusina ng walang imik kahit na umiinit ang ulo ko ngayong umaga, kayo kayang utusan ng kagigising lang.

Pagkarating ko sa may kusina ay nakita ko si Mama na busy sa paghihiwa ng mga rekados sa pagluluto. "Kanina pa kita tinatawag ah" bungad nya sa akin. "Eh kagigising ko lang po" napatango nalang sya sa sinabi ko habang ako naman ay napaupo sa upuan at naghihintay ng sasabihin nya.

"Oh ayan" inabot nya sa akin ang singkuwenta pesos na perang papel.

"Pumunta ka sa may palengke, bumili ka ng isang tali ng kangkong at isang labanos" pwede bang matulog nalang ulit? Kahit tinatamad at ayaw ko ay tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa.

Pagkalabas ko ng bahay ay bumungad sa akin ang mga batang naglalaro ng habol-habulan at piko.

Minsan iisipin mong 'sana habang buhay nalang akong bata' pero hindi ganoon ang buhay at alam ko iyon, how we wish right?

By the way, I'm Ivoryne Mila Cermosa, 19 years old. I lived with my family, simple and happy.

Nandito na ako ngayon sa may palengke. Saglit lang akong naglakad papunta dito dahil malapit lang naman sa bahay namin. Nilibot ko muna saglit ang buong palengke para makahanap ng mas murang tindahan ng mga gulay. "Ale, magkano po itong isang tali ng kangkong at isang labanos?" tanong ko sa babaeng nagtitinda ng mga gulay na nakaupo at busy mag cellphone.

"Trenta na lang iyang dalawang iyan, ineng" sagot nya. Kinuha ko na iyong dalawa at binayaran na.

Saglit lang ako sa may palengke at umuwi na rin ako kaagad dahil medyo mainit na rin.

Siguro sinigang ang ulam namin hmmm.

Pagkauwi ko ay inilapag ko na kaagad ang binili ko kanina sa may palengke "Akin nalang itong sukli, Ma" sigaw ko habang paakyat sa aking kwarto. Narinig ko pa ang kanyang malakas na buntong hininga. Wala ng nagawa pa si Mama at pumayag na. Napangiti ako.

Pagkarating ko sa kwarto ay nilagay ko sa wallet ko iyong sukli kanina at umupo sa may gilid ng bintana.

Nakatitig ako sa may labas ng bintana habang hawak ang phone ko nang biglang umulan, bakit ganoon? Kanina ang init init tapos ngayon uulan, ang gulo ha.

Napabuntong hininga nalang ako at bahagya kong isinara ang bintana para hindi mabasa ang mga kurtina. Bababa na rin sana ako dahil paniguradong luto na ang ulam ngunit naalala kong ngayon nga pala kami mag eenroll nina Jia at Cath, hayst bakit ko nga ba nakalimutan iyon?!

Dali-dali kong kinuha ang mga requirements na kailangan para sa enrollment para handa na ito mamaya. Nag apply din ako ng scholarship noong kakagraduate ko pa lang ng senior high kasama sina Jia at Cath kaya alam kong iisa lang ang university papasukan naming tatlo at ngayon nga namin balak mag enroll doon pero nakalimutan ko.

"Ivo! Kumain ka na rito!" rinig kong sigaw ni Ate Ivra, ang kapatid ko bago ako. I mean tatlo kasi kaming magkakapatid, panganay si Ate Ivy, sunod si Ate Ivra at ako ang bunso.

Unforgivable Truth (Boundless Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon