chapter 14

0 0 0
                                    

Dylan pov

Kompleto ang araw ko sa tuwing kasama ko si Ananya. Kahit nasa office ako hindi ko nakakaramdam ng pagod. Para pa akong baliw na biglang humahalakhak kapag naalala ang kulitan namin ni Fatty. Masaya akong naalagaan siya at naibibigay ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya.

Sa mga nakalipas na araw hindi ko na naramdaman na galing ako sa break-up. Nanghihinayang oo pero baka tama nga si Ananya pinagtagpo lang kami pero hindi tinadhana. Na hindi pa talaga dumating sa tamang panahon ang taong para sa akin.

Napagdesisyonan ko na pag-aralin siya sa kolehiyo. Isang araw ng hanapin ko siya pumasok ako sa kanyang silid nakita ko sa kanyang bag ang kanyang high school certificate. I'm impressed, she is a valedictorian and she got GPA 5. Agad akong pumunta sa UP Diliman kung saan ang kapatid ni mommy ang presidente ng eskwelahan. Agad ko siyang ini-enroll sa kursong gusto niya, ang magiging CPA.

Natatawa ako sa meaning ng ginamit nila sa CPA. Certified Polluted Attitude at Certified Pagkain Addict. Nakahanap din siya ng isang kaibigan sa loob ng campus na naging kasundo niya.

Masaya ako na nilalambing ko siya sa bahay. Compostable ako kapag nagpapahingi habang nakaunan sa mga hita niya. May kaaway pa akong pusa habang naglalambing sa kanya. Seloso rin kasi ang pusang iyon kahit ako naman ang nauna.

When accidentally I kissed her, I feel the sparks. Tumayo ako at iniwan siya dahil natatakot akong magalit siya at hindi na ako kibuin. Masaya ako ng nahalikan ko siya. Parang gusto kung ulitin. Pero sabi ko nga sa sarili ko huwag na muna. Bata pa si Fatty at baka hindi maiintindihan dahil ayon sa obserbasyon ko sa kanya napaka inosente niya.

Minsan sinasadya kong papanuurin siya ng mga intemate scene para may idea siya. Pero kapag nakita niya ang mga ganung eksina natataranta siya para i-off ang TV. Minsan habang nagluluto siya tinititigan ko siya. Sobrang ganda ng kanya itchura. Hindi ko nakikitang pangit siya dahil sa katabaan niya. Malaki na ang pinagkaiba niya mula noong una naming pagkikita. Mas tumingkad ang kulay niya at ang brown niyang mga mata.

I wonder who is her real parents? Her family and relatives. At kung paano siya nawalay sa mga magulang niya. Sa ngayon kailangan muna niyang magtagumpay para kapag dumating ang araw na nakaharap na niya ang tunay niyang pamilya may maipagmamalaki na siya.

I'm proud of her na naglakas loob siyang magsalita sa harapan ng mga magulang,guro at estudyante noong nagpatawag ng meeting ang eskwelahan. Walang takot na nagsasalita sa para imulat ang mga estudyante na gumagawa ng mali sa kanilang mga kamag-aral. Hindi pa niya sinabi sa akin ang event na yun. Mabuti nalang at tinawagan ako ni Tito at ininform ako about sa meeting.

Hindi ko napigilan ang aking sarili na huwag tumayo sa harapan niya. Gusto kong makita ni Ananya kung gaano ako ka proud. I don't care about what people think or what they said. Basta ako masaya ang puso ko na palaging nakaalalay at nakasuporta kay Ananya.

Last year hindi namin nai-celebrate ang kanyang kaarawan dahil nasa ibang bansa ako ng mga panahon na iyon. Pero this year pinaghandaan ko talaga ang 18th birthday niya. Nasa legal age na ang aking Ananya. Legal na para landiin pa unti-unti.

Kinaiinisan ko ang pagiging clingy at demanding ni Mary Jean na isa sa mga nagpapakita ng motibo para patulan ko. Share holder sa kompanya ko ang ama nito. Isa siyang flight attendant ng Qatar Airways. Ayaw ko sanang patulan pero mukhang sanay na sanay na sa landian. She's not a virgin nang makipagtalik ako sa kanya. I make sure naman na may protection ako habang nagtatalik kami. Wala naman sigurong masama kung ilabas ko ang init ng aking katawan minsan basta hindi lang makabuntis.

Kinukulit na ako ni mommy na mag-asawa na dahil hindi na ako bata. Sagot ko naman sa kanya hindi pa ako handa at paunahin nalang muna niya si Tyler. Nasa Milan Italy ang aking pamilya at dalawa kaming magkapatid. Ako ang panganay at si Tyler naman ang bunso namin.

          

Kinunchaba ko ang mga kaklase ni Ananya sa gagawing surprise birthday party na gagawin. Kasama na ang mga professors including the president my tito Byron Ricafort.

“Dylan hijo, I see the sparkle in your eyes as you look at the celebrant. Is she the one that makes your heart beat?” tanong ni Tito na ikinatawa ko.
Gusto ko ang kakulitan niya tito nakakawala ng stress at sobrang maalaga. Alam niya ang mga pangangailangan ko kapag pumasok sa trabaho o pag-uwi galing sa trabaho. Umaaliwalas ang bahay ko, if Tita Cherry can visit in my house kaiinggitan niya ang bakuran ko.

“Really?”tito said.
“So mahal mo na si Ananya?” he asked.
Believe ako sa batang iyan, matapang at alam niya ang lugar kung kailan dumipensa sa ataki ng kalaban. Magaling sa pakikipag-debate . Naalala ko ang sinabi mo noon na huwag siyang i-pressure sa english dahil baka tumakbo paalis ng campus. She lied hijo, she fluently speak in English. She use a deep ancient while she speaks.

“Hindi kinaya ng senior students ang depensa ni Ananya ng mag- impromtu debate sa conference room. Tahimik si Ananya sa klase pero ang katahimikan na iyon ay may malalim na sandata,”

Namangha ako sa sinabi ni Tito Byron. Really???  di makapaniwala niyang tanong sa kanyang sarili.
“Pangalagaan mo hijo, bihira lang ang babae o taong may busilak na kalooban at mapagmahal. Bawasan mo na rin ang pagiging babaero mo. Naiinis na ang mga pinsan mo sa kung anu-anong kalaswaang naka-tagged sa social account mo. Hindi maganda sa paningin ng taong mamahalin mo kung makikita niya ang ganung eksina,” Tito Byron said.

Nabigla ako sa kanyang mga sinabi. Sina Tito Byron at Tita Cherry ang guardian ko dito sa Pilipinas. Ang mga pinsan kong babae ang mga CCTV ko sa social media. Kaya hindi malabo na hindi malalaman ni Tito Byron ang mga kalukuhan ko. Nang napatingin ako ng isayaw si Ananya ng kanyang kaklase bigla akong nainis. Mas lalo akong nainis ng buksan nila ng kaibigan niya ang regalo nito. Isang diamond earrings na regalo ng ina daw nito at bracelet naman galing sa lalaki at may kasama pang night gown.

Tumawag si Daddy mula Italy na kailangan kong pumunta sa Milan para tulungan siyang ayusin ang problemang kinakaharap ng kompanya doon.
Pagkatapos ng celebration umuwi na kaagad kami ni Ananya. Nakita ko sa kanyang itchura ang labis na kagalakan. Puro pasasalamat ang naging durasyon ng aming byahe.

May regalo ako kay Ananya isang diamond necklace. She deserve to have this kind of gift because for me she is a precious gem that I ever had.

~ooo0ooo~

After more than a month na pananatili ko sa Italy I make sure to call her once or twice a day. Every time I call her walang matinong sagot. Palagi niya akong iniinis, at inaasar na totally walang matinong sagot. One of the reason why I call her before I go to the office. Dahil hindi kompleto ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang mga nakakabaliw niyang mga sagot sa bawat tanong ko.

Pero kaninang umaga nang tawagan ko siya and I asked her if someone courting her naiinis talaga ako sa sagot niya. She give me a reason to fly back home without any hesitation. Nagulat pa si mommy at daddy sa biglaan kong pag-uwi. Though kunti nalang at matatapos na ang problema ni daddy sa company. He can handle it already even without me.

Jake calling.....

“Hey bro! Nasa Pilipinas ako ngayon magkikita naman tayo. Ang pangit wala akong ka bonding,” sabi niya.
Idiot ba*tard, I'm here in Italy and I am heading to the Airport right now. Sunduin mo ako bukas sa Airport.
“Wooooaahhhh, timing mo naman Dylan Norton naging automatic driver mo ako,” dismayado niyang sagot.

Okay Ciao Jake....
“Ciao your ass moron!”
Kaya napahalakhak ako sa kanyang sagot. See you soon baby, titingnan natin kung may manliligaw pa sagot kapag malaman ng lahat na engage kana sa isang Dylan Norton.

Kinabukasan pagkarating ko sa Pilipinas agad kong nakita si Jake na nag-aabang.
Grabeh bro wala man lang pa-banner.
“F*ck your ass moron! Ano ka afam ng mga pinay na may flowers and banner pang ilalatag sa mga jowa nila.

Diretsho tayo sa condo ko snacks at pahinga muna tayo.
“Doon mo ba ibinahay si Fatty Almighty girl mo?”
“Shut up idiot!”

Bumili kami ng aming makakain, some pulutan at may beer naman ako sa condo ko. Nagkukwentuhan sa mga bagay bagay dahil matagal na rin mula ng huling bonding namin. Kasama pa namin si Maxon noon, hindi ko lang alam kung sa mga panahon na yon inahas na ba niya ako.

“Bro, the woman I saw with you in the picture, is she the woman you say who saved you?"
Natigilan ako sa tanong ni Jake, so nakita na pala niya si Ananya.

"Yes, she is!" sagot ko naman.
"Grabeh ang taba naman niya. Paano mo napapakain ang ganun katabang nilalang?”

Yung ibang tao nga nag-aalaga ng maraming aso at pusa kahit wala namang pakinabang. Naiba nga lang ako dahil tao ang inaalagaan ko at napapakinabangan ko.
Matagal bago siya nakasagot dahil ngumunguya siya ng pulutan.

“Oh really? F*ck you bro hindi iyan ang nakikita ko sa mga mata mo ngayon. At base sa mga kwento mo recently about her iba ang impact niya sa katauhan mo. Dati naman kahit inlove ka sa ex mo, you never give me an effort to tell your love story.

“Answer me honestly bro, mahal mo na ba siya?”
Masaya ako kapag kasama siya, nawawala ang stress ko. May rason akong umuwi ng bahay galing trabaho. I feel the sparks kapag nilalambing ko siya.

“You're such a jerk stupid narrator bro,” nababagot niyang sabi.
“Malala kana Norton, isa lang ang tanong ko kung “mahal mo na ba siya?” nakakatanga nga ang pag-ibig ang dami mong sagot. Okay lang ba sa'yo kahit matabang- mataba siya?”

Her size doesn't matter if she is bigger than a whale, I love her....walang paligoy ligoy kong sagot. “Mahal ko na siya Jake, yung tipong ayaw kong malayo ng matagal sa kanya. Yung tipong natatakot akong may mangahas manligaw sa kanya. You see this ring, ito iyong singsing na dapat kong ibibigay sana kay Christine Joy.

“You mean kay Ananya mo iyan ibibigay? Woooaaahhhhh seryoso kana talaga dyan? Mag effort ka kaya bro, huwag iyong basta-basta mo nalang ibibigay without romantic seat up,” he suggested.

Let's go bro, I want to go home to see my big kitten and my little boy kitten.
“F*ck you Norton, tinamaan kana ng pana ni kupido,” sabi niya sabay tayo.

Lunch time na tamang-tama tapos na siguro si Fatty magluto ng lunch. Pagkababa namin tumawag ang mommy ni Jake. May emergency daw kaya hindi na niya ako naihatid sa bahay. Kaya nag taxi nalang ako pauwi.

“Hello baby I'm home! Hey Meggy what's up? Where is my fatty kitten?” Hindi umimik si Meggy.
Fatty, nasaan ka? Nandito na ako. Pinuntahan ko siya sa kanyang silid para tingnan baka nakatulog lang.
“Fattyyyy! Strange, nasaan ba siya? Nakita ko ang box ng kwentas na ibinigay ko sa kanya bago ako umalis. Nang buksan ko ito naroon ang kwentas. Bakit niya tinanggal sa leeg niya? Bigla akong kinabahan. Fatty..... Ananya where are you baby? Tiningnan ko sa itaas pero wala parin. Pumunta ako sa hardin at likod ng bahay pero hindi ko parin makita.

Double na ang kaba sa dibdib ko na hindi ko naiintindihan. Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa and I dial her number. Nakailang ring ito at may lalaking sumagot.

“Hello this Norton Tower security unit, good afternoon,” sagot ng guard. Norton Tower? “Hello, hello...”
Hello guard, this Dylan Norton how did you have Ananya's phone?
“Oh sir ikaw pala yan, may nagbigay phone dito sa quarter namin nakita daw niya itong phone sa elevator mga halos isang oras na ang nakalipas,” the guard said.

“What? Hindi mo pa siya nakitang lumabas ng building? Hindi Sir! Nag check out na si Yuson sir,” sagot nito.
Okay thank you, I'll be there in a minute to take her phone.

Oh sh*t may mali siyang narinig sa pinag-uusapan namin ni Jake kanina.
Damn it.........

The Almighty Fatty Ananya Where stories live. Discover now