Chapter 17

831 57 20
                                    


"Oh shit," ang bulong ni Brylee nang parang alon ang laki at lalim ng lubak na dinaraanan ng kotseng ipinahiram sa kaniya ng kumpaniya.

It was early morning of Monday at sa halip na nasa opisina siya katulad anng ibinilin sa kaniya ng kaniyang boss ay nagdidrive siya sa liko-likong daan patungo sa farm ni Dominggo Bajamonti.

Naisip niya kahapon ang biglang paglambot ng pakikitungo nito sa kaniya. The softness of his rugged face and the calmness of his voice. Napakalayo sa parang leon na handa siyang sunggaban sa galit sa kaniya nang una silang magkaharap.

He even said sorry, ang bulong ng kaniyang isipan. Kaya naman naisip niya na baka sakali na kapag hindi niya ito tinigilan at narinig nito ang kaniyang paliwanag ay mapapabago pa niya niya ang isipan nito. Katulad nang pagbabago nito ng pakikitungo sa kaniyang kagabi.

"Try and try until you're mine," ang kaniyang bulong. In this case, mine para sa kaniyang interview. Sumagi sa kaniyang isipan si Dimitri na hanggang sa sandaling iyun ay hindi pa rin naman nagpaparamdam sa kaniya. Mukhang nakakita na ito ng iba, at hindi naman iyun malayong mangyari, everyone will pursue a man like him.

"Ugh shit, ano bang klaseng daan ito?" ang ngitngit ni Brylee nang wala nang hinto ang pagtaas baba ng gulong ng kotseng ipinahiram sa kaniya. Bakit naman kasi hindi man lang nito pinaganda ang daan ng sasakyan nito? Parang talagang gusto nitong pahirapan ang sinumang dadalaw sa farm nito. It's like his way of telling everyone that they are not welcome. At kasama siya sa they.

"Ugh," ang kaniyang sambit. At nagpahirap pa sa kaniya ay ang pataas na daan. Ramdam na niya ang hirap ng takbo ng kotseng tumirik nang minsan sa itaas ng bundok at sa patag pa na daan.

Paano na...at natigilan ang kaniyang iniisip nang biglang sumipa na naman ang kaniyang sasakyan at biglang tumugil ang mga gulong sa pagikot ng mga ito.

"Oh shit," ang kaniyang sambit at naramdaman niyang umandar paatras ang kotseng sinasakyan. "Wait-wait-wait!" ang sigaw niya while she steps on the brakes na hindi agad kumagat. At dahil sa panic ay nakalimutan niyang gamitin ang handbrake.

"Shit!" ang sigaw niya sa loob ng kaniyang sasakyan habang natataranta siyang pahintuin ang sasakyan at mahigpit na nakakapit ang kaniyang mga kamay sa manibela. Pumikit ang kaniyang mga mata nang maramdaman niyang kusang huminto ang kotseng kanina lamang ay paatras na umaandar pababa ng dausdos at lubak na daan.

Isa-isang dumilat ang kaniyang mga mata at bahagyang lumuwag ang kaniyang mga kamay na kanina ay mahigpit na nakakapit sa manibela. Kunot ang kaniyang noo na pinakiramdaman ang sasakyan at doon niya napagtanto na hindi na umaatras ang kotse.

Isang malakas na bunton-hininga ang kaniyang pinakawalan sabay sandal ng kaniyang likod sa backrest ng driver seat. Muntik na siyang gumulong pababa ng bundok habang sakay ng kotse.

"Pagsubok lang ito," ang bulong niya sa kaniyang sarili. At isang malalim na hininga ang kaniyang sinagap para pakalmahin ang kaniyang sarili. Saka niya muling binuhay ang makina ng kotseng sinasakyan pero mukhang ang kotseng pinagamit sa kaniya ay sinumpong na naman dahil sa muli na namang tumirik ito sa gitna ng matarik at malubak na daan paakyat sa farm ni Mang Domeng.

"Ugh buwisit!" ang sigaw niya sa loob sabay hampas ng kaniyang mga palad sa manibelang nasa kaniyang harapan. Mukhang talagang sinadyang pinagamit sa kaniya ang sirain na sasakyan ng kumpaniya dahil sa, sa iba niyang kasamahan ay hindi naman nakaranasa na matirikan ng sasakyan sa gitna ng daan.

"Demonya talaga," ang bulong ni Brylee at ang pinatutungkulan nito ay ang babaeng editor-in-chief. "But," ang kaniyang sambit habang kinukuha niya ang kaniyang crossbody bag na kaniyang isinuot sa kaniyang dibdib, at saka niya binunot ang susi ng sasakyan na inilagay naman niya sa kaniyag bulsa.

The Italian's Heart (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon