SPECIAL CHAPTER 3
Alyssa's POV
'Having him in my life is like heaven...Parang sa kanya ko nahanap lahat lahat, isang pamilya, kaibigan, at asawa..Hanggang sa dumating ang isang gabing pagkakamali na dapat hindi nangyari.......After 3 Weeks nalaman kong nagbunga pala ang gabing yun.....nabuntis ako....hindi ng asawa ko kung hindi ng ibang lalaki.
F L A S H B A C K
'Napabuntong hininga na lang ako, ilang gabi na pero hindi pa rin umuuwi si Ezekiel, ano kaya ang nangyari sa kanya, bakit kaya hindi nya na ako binalikan akala ko ba asawa ko sya...
Sunod sunod ko namang ininom ang alak na nasa harap ko. Andito ako sa Bar....naisipan kong pumunta dito para makapagisip isip at makalimut.
Napatingin naman ako sa lalaking umopo sa tabi ko, andito kasi ako sa may counter nakaupo. Matangkad sya, gwapo at mukhang mabait. Tumingin naman ito sakin...medyo nabigla ako kasi ang layo sa mukha nya ang expression nya, i mean ang lamig ng tingin nya sakin.
"Done checking me up?" malamig nitong tanong kaya naman umiwas na lang ako ng tingin at pinagpatuloy ang paginom ko.
"Tss hindi ka dapat umiinom magisa...." sabi nya pero uminom lang ako ng uminom hanggang sa hindi ko namalayan nalasing na pala ako. Hindi ko na alam kung ano ano ang pinaggagawa ko, basta hanggang sa wala nako maalala.
'KINABUKASAN nagising na lang ako dahil sa sakit ng katawan at ulo ko, lalo na ng ano ko. Pagmulat ko ng mata ay agad naman akong nagtaka.
Nasaan ba ako? hindi ito ang kwarto ko, inalala ko naman ang nangyari kagabi pero wala akong maalala maliban na lang sa nalasing ako....
Napatingin naman ako sa tabi ko ng may maramdaman ako gumalaw dun, agad namang nanlaki ang mga mata ko, napatingin din ako sa sarili ko ng maramdaman ko na wala na akong damit..
Napatingin ako sa lalaking katabi ko, nakatagilid sya sakin, nakahubad din sya at natatakluban lang ng kumot ang katawan namin, dali dali naman akong tumayo at nagbihis, kahit masakit ang katawan ko ay kinaya ko.
Baka magising pa ang lalaking ito, bago ako umalis ay napatingin ako sa kanya sa huling bisis, bago umalis, basta isang bagay lang ang naaalala ko sa kanya ang tattoo sa likod nya....
E N D O F F L A S H B A C K
'At hanggang sa magisang buwan hindi pa rin sya umuuwi, pero narinig ko sa mga tauhan nya na babalik na sya ng araw na yun.
Paggabi nun bumalik talaga sya, pero may kakaiba sa pagtrato nya sakin at hindi ko alam kung ano yun, akala ko ng gabing yun ay pagod lang sya kaya naman pinagpahinga ko na lang sya.
Pero hanggang nagumaga, isang araw, isang linggo at buwan.....minsan nya lang ako pansinin, hindi ko rin masabi sa kanya ang pagbubuntis ko, halata na rin ang tyan ko kasi medyo may baby bump nako.
"Follow me..." .alamig nyang sabi kaya, no choice ako kung hindi ang sumunod sa kanya, dinala nya naman ako sa library.
"Who's the fvcking father of that fetus?" malamig nyang tanong sakin. Ilang bisis ako napalunok, pinagpapawisan na rin ako ng malamig, at hindi ako makatingin sa mata nya.
"H-hindi ko k-kilala.." nauutal kong sabi, huminga naman sya ng malalim at napahilot sa ulo nya.
"Pack your things..." malamig nitong sabi kaya naman tinignan ko sya na nagtataka.
"B-bakit?" naguguluhan kong tanong.
"Aalis ka, sa states ka manganganak at titira, simula ngayon." sabi nya. Wala akong nagawa kung hindi ang sundin sya, ayaw ko ulit na makita syang magalit sakin.
'Lumipas ang buwan hanggang sa manganganak nako. Si Manang lang ang nasa tabi ko ng mga oras na yun. Akala ko mamamatay nako sakit, mabuti na lang nakaya ko.
I gave birth to healthy Baby Boy, I named him, Azir Lenton Alawi. Lumpias ang buwan at taon pero never kaming binisita ni Ezekiel, hanggang sa mag 5 years old si Baby Azi.
Bigla na lang syang dumating sa Condo na tinitirahan namin. Ang saya saya ng Anak ko ng makita nya si Ezekiel, akala nya si.....Ezekiel ang ama nya, pigilan ko sana ang Anak ko ng Araw na yun pero sabi ni Ezekiel hayaan ko na lang daw kaya Naman napatango na lang ako at lihim na nakangiti sa kanila.
'SUMAPIT ang gabi at tulog na si Azi at nandito kami sa sala ni Ezekiel, he want to talk to me, wala akong nagawa kung hindi ang makipagusap sa kanya.
"Let's end our contract." malamig nyang sabi, kaya naman napatingin ako sa kanya....don't tell me...
"Yes....hindi mo na kailangang magpanggap na Asawa ko, I don't want to hurt her..." malumananay nyang sabi kaya naman naguluhan ako sa sinabi nya.
"Who's her?" kunot noo kong tanong sa kanya.
"My Wife....My real Wife." malamig nyang sabi...May Asawa na sya....Bakit hindi ko yun alam?
'Lumipas ang linggo, tumawag sya sakin at humihingi ng tulong, kailangan ko daw ulit magpanggap na asawa nya para protektahan ang babaeng mahal nya, pumayag ako k-kasi......M-mahal ko sya...Kahit masaktan ako, gagawin ko ang gusto nya.
Sinabi nyang pupunta sya dito para lituhin ang mga kalaban nya. Nagtagumpay sya....nalito nya ang mga kalaban nya sa Mafia....pero ako..
Ako yung naging pain eh, ako yung nabaril....ang tanga ko kasi minsan kaya ito ang nangyayari sakin tignan mo tuloy.
Hanggang sa umuwi ulit sya sa pilipinas at nawalan nako ng koneksyon sa kanya, yung pagkatapos nya kaming gamitin ay iiwan nya na lang kami na parang basura.
After 5 years, napagdesisyonan ko na umuwi na kami ni Azi sa pilipinas, nakapagipon na din naman ako eh. Umuwi kami ng pilipinas pero mukhang nahuli ko pa ata sila ng totoo nyang asawa.....
Dahil sa selos ko nagawa kong saktan ang babaeng mahal nya pero mukhang may bantay ata ang babaeng yun, yung dalawang bata na kamukhang kamukha talaga nya.
Siguro nga...hanggang dito na lang ako isang Contract Wife....at hanggang dun na lang ako, at never nyang masusuklian ang pagmamahal ko sa kanya. But.....I saw him....I saw...
"The father of my child..."
______
Add me in Facebook:
@Misscoldauthor StoriesDon't forget to read my other Series story. Completed na po yung Series 1, just visit my Profile, Meron po yung sariling reading list, Sana po basahin nyo, nakapub na rin po ang Series 2, I hope you like it...
Don't forget to vote and comment down below and be aware of some of typos and grammatical error, thank you for supporting my story hope you comment any positive or even negative comment, Well kahit ano pwede, if gusto nyo ipadedicate sainyo Ang next chapter just comment ng magpadedicate kayo, Basta kung sino ang pinakaunang nakacomment sa kanya ko ipapadedicate Ang next chapter.
Thank you!!!
Ps: kung hindi nyo man po nakita ang ibang story ko, that means, in-UnPub ko po sya for editing and changing the plot.
BINABASA MO ANG
THE POSSESSIVE MAFIA BOSS SERIES 1: Ezekiel Villarreal[EDITING]
ChickLitThe Possessive Mafia Boss Series One: Ezekiel Villarreal (Completed) WARNING⚠️ Maraming SPG starting Chapter(Interesado ka noh?) alamamin mo na lang kung anong chapter.. Read on your own risk Started: January 14, 2022 Completed: January 08, 2023 Mos...