"Paggy, paano natin mahahanap yung gamot ni ina? May alam ka ba kung nasaan iyon?"
"Mahal na prinsesa, ni isa sa amin ay walang nakakaalam kung nasaan ang gamot na iyon.
Sinabi lang saamin iyan ni haring Odolfo, noong naghihingalo siya. Ibinilin niya sa amin na mag-iingat kami na hindi matamaan ng sibat ang mahal na reyna. Dahil bagama't may gamot ang nasabing lason, ay mahirap naman itong makita. Hindi rin naman niya nasabi kung anong pangalan ng panlunas na iyon.
Ilang taon din naming sinuyod ang buong karagatan, ngunit wala kaming gamot na natagpuan."Lahat ba ng sibat ay may lason?"
"Hindi, ang mga sibat na may lason ay yuon lamang mga malalaki at matutulis."
At tila may dumaang anghel at bigla silang natahimik. Naglalaro ang isip ni Lana, lumilipad na kung saan-saan.
"Ah, Paggy...wala ba kayong mananaliksik?"
"Paumanhin mahal na prinsesa, ngunit hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang iyan."
"Okay, ang ibig kong sabihin ay researcher...yung...yung maghahanap ng mga informat..... Ahhh!! Oh my God! Thankyou Lord!!"
Nagtaka si Paggy kung bakit bigla nalang ngumiti at tumili si Lana.
"Paggy...Paggy! Alam ko na kung paano natin makikita ang gamot ni Ina!!"
Sa tuwa ay naitulak pa niya si Paggy mula sa pagkakaupo nito sa malaking bato.
"Opps, i'm sorry Paggy! Sobra lang talaga akong natuwa!!(Hehehe)
"Eh, maaari ko bang malaman ang dahilan ng iyong kagalakan, mahal na prinsesa?"
"Ganito kasi yun, kailangan kong pumunta sa lupa upang makausap yung taong kakilala ko, na maaari nating hingan ng tulong! Sigurado ako Paggy na matutulungan niya tayo!"
"Kung ganun prinsesa Lana, kailangan mong maging anyong tao."
"Yun na nga, kaya kailangan na nating bumalik sa paraiso para sabihin kay ina na....."
Bigla niyang naalala na hindi pa pala nagkamalay ang reyna. At muli siyang pinanghinaan ng loob. Napapagod na siya kakaisip ng paraan. Ngunit biglang may inabot sa kanya si Paggy. Isang bagay na bilog ang disenyo at kulay pula, na nakasabit sa kanyang leeg.
"Paggy, ano ito?"
"Iyan ang aking kaisa-isang kapangyarihan, mahal na prinsesa. Ginagamit ko iyan upang maging anyong tao ako. May mga panahon din kasing gusto kong mag-ikot-ikot sa lupa."
"Talaga?! Ang astig mo ah! Nagtotour ka pala sa lupa! Ikaw huh?!" (Hehehe)
"Paminsan-minsan lang naman.(hehehe)
Ngunit isang oras lang ang bisa niyan. Kaya bago sumapit ang nakatakdang oras, ay kinakailangan mo ng bumalik sa dagat. Mahirap na baka makita pa kayo ng mga tao, mahal na prinsesa.""Yeah! Naintindihan ko Paggy, pangako mag-iingat ako at bibilisan ko! Maraming salamat!"
"Mahal na prinsesa, hihintayin kita...mag-iingat ka!"
Binalikan lamang niya ito ng matamis na ngiti at lumangoy papalayo kay Paggy. Umaasa naman ang pagong na magtatagumpay ang mahal na prinsesa sa gagawin nitong misyon.
Malabo siyang makahingi ng tulong sa kanyang kuya Islao dahil mainit ang dugo sa kanya ng mga tao sa Isla Marina. Kaya't wala na siyang ibang maisip na puntahan kundi si Leandro.
Pagdating niya sa dalampasigan ay may nakita siyang shirt jacket na panlalaki, isang sombrero, shades at isang relo nakapatong sa bato. Pilit niya itong inabot ngunit hindi niya kaya. Hanggang sa may nakita siyang isang mahabang kahoy na palutang-lutang sa kanyang tabi. Ginamit niya itong panungkit upang makuha ang mga iyon.
Pinili niya ang lugar na ito dahil hindi masyadong matao. At matapos ngang makuha ang mga pantakip sa kanyang katawan, ay agad na nitong isinagawa ang pagpapalit niya ng anyo.
Labis ang tuwa'ng kanyang naramdaman nang sa wakas ay nagkaroon ulit siya ng mga paa. Sobra niyang namiss ang pagiging tao. Agad siyang nagsuot ng damit, ngunit pakiramdam niya'y may kulang parin.
YOU ARE READING
ISLAND GIRL
FantasyAng istoryang ito ay patungkol sa isang vlogger na isa palang sirena.