"You will stay here for a while with Gavin and Natalia. Don't hesitate to ask for my help if you need something, alright?"Nag-paliwanag pa ng kaunti si Daddy tungkol sa mga susunod na kailangan kong gawin bilang gabay, sinamahan niya rin akong libutin ang loob ng pamamahay niya para naman daw maging pamilyar ako rito. Habang inililibot ko ang aking paningin sa loob, mas malaki at maluwag ito kung ikukumpara man sa bahay nila lola sa Manila.
The house is designed with a modern aesthetic that showcases a sleek and minimalist style. Ang scheme ng kulay ng mga interior ay higit sa lahat ay white-cream, na lumilikha ng maliwanag at maaliwalas na ambiance na parehong nakakapresko at nagpapakalma. Ang sala, sa partikular, ay isang maayos na espasyo na nagpapalabas ng pakiramdam ng kaayusan at balanse.
The furniture pieces in the living room are mostly in white-gray colors, which complement the overall color scheme of the house and create a cohesive look. Unti mong ang mga libro ay maayos na naka-silid sa malaking bookshelf. There's also a furnace there sa gilid na tunay nga namang nakakapaghikayat para uminom ng kape tuwing gabi dahil sa lamig ng klima dito
"Oh, i forgot to mention to you, anak. Doon ka matutulog sa bakanteng kwarto na matagal ko ng ipinagawa para sayo. It was just next to Gavin's room." Huminto si Daddy sa paglalakad at humarap sa akin, tumango lamang ako sa kanyang mga kaunting paalala. Nang maliwanagan na ako sa lahat ng gagawin ko dito sa bahay ay nakahinga siya nang maluwag, ngumiti siya nang matipid bago muli maglakad paakyat sa hagdanan.
Huminga ako nang malalim bago binuhat ang aking mga bagahe, napansin iyon ng tatay ko kaya naman siya ay nag-salita. "Manang, please help Brielle to carry her things to her new room. I'm going to rest now. Make sure na nakapagluto na kayo ng hapunan after kong magising." Iyon lang ang kanyang sinabi bago siya tuluyang nagtungo sa kanyang kwarto na katapat lang ng kwarto ni Kuya Gavin.
Dali-daling naglakad papalapit sa akin ang isang babae na may katandaan na, may ipinaghalong pilipino at ibang lahi ang kanyang mukha base sa kanyang itsura. "Ako na po diyan, ma'am." Magalang niyang sambit bago kinuha sa akin ang aking ibang mga gamit upang siya na ang magbubuhat noon. Tahimik lamang siyang naglalakad at nakasunod sa aking likod habang dahan-dahan akong umaakyat.
Nang makarating na kami sa ikalawang palapag ng bahay, kinuha ko na muli ang aking gamit sa kanya para hindi na niya iyon bubuhatin papunta sa magiging kwarto ko.
Nakakahiya naman.
"Okay na po, ako na po dito. Salamat po." Tumango na lamang siya at nginitian ako nang matipid.
Maglalakad na sana siyang muli pababa sa hagdan ngunit huminto siyang muli upang may sabihin. "Ma'am, kapag kailangan niyo po ng tulong, nasa baba lang po ako, utos po kasi sa akin ni Sir Gabriel na ako raw ang mag-aasikaso sayo simula ngayon." Sambit nito.
"Ay, naku po! Huwag niyo na po akong tawaging ma'am, Bri nalang po. Nakakahiya." Itinaas ko ang aking isang kamay at pinapagaspas iyon bilang tanda ng hindi pag-sang ayon.
"Sige po, ma'am ay este Bri... Pasensya na po kayo. Inihanda ko na ang mga punda at kumot na gagamitin niyo sa magiging kwarto mo, iyong mga binili palang mga damit ng Daddy mo para sayo ay nandoon lamang at nakasilid sa aparador." Bumuo ang ngiti sa aking labi habang kausap ang aming kasambahay, sobrang bait niya sa akin.
Matapos ang maikli naming pag-uusap ay nagpaalam na siya dahil magluluto pa daw ito ng masarap na hapunan, nabanggit niya rin sa akin na gagawa siya ng panghimagas, iyong paborito daw ng tatay ko.
Pagkapihit ko ng pinto ay inilapag ko na ang aking gamit sa isang sulok ng aking silid, medyo nanibago pa ako dahil mas malaki at maluwag ito kung ikukumpara man sa kwarto ko sa bahay namin sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Wildest Dream
RomanceIt is not uncommon for us to have dreams about people we are not familiar with. These dreams can involve strangers who suddenly appear and leave us wondering if they exist in the real world when we wake up. Imagine dreaming about meeting a charming...