PROLOGUE

315 18 4
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, Characters, business, places, events, locales, and incidents are either the product of the author's imaginations or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

###

A loud horns of cars, blinking traffic lights, politics, issues, fame, different cases, inflation rate, at ang putanginang tuition.

"Pucha, deputa!" Sigaw ko at inihagis ang papeles sa sahig.

Nasa loob ako ng aking kwarto at naiinis. Nagmumukmok ako rito kasi hindi ako nakapasa sa University na gusto ko, ang ending kailangan kong mag-apply sa ibang University. But I have a problem, since ilang beses na akong bumabagsak sa mga exams kahit mataas naman yung scores ko... kailangan kong sadyain yung isang University na tumatanggap ng mga babagsaking studyante. Gaya ko.

"Problema mo? Hindi ka pumasa kasi gaga ka!" Sigaw ni Viola sa akin, Step mother ko. "Hindi ka kasi qualified para doon." Dagdag pa niya.

"Verified ako for that school. 95 ang GWA ko, ano bang kulang?! May backer sila, ako wala." Inis na saad ko.

"Oh, 'yon naman pala, e. May backer sila, ikaw wala." Pagdiin ni Viola.

"Mag-eenroll pa rin ako sa ibang University kahit ayaw mo." Mariin na saad ko sa kaniya.

"Sayang lang ang pera sa 'yo, aber?! Maglako ka nalang ng tuyo sa palengke para mas may silbi ka." Sabi nito sa akin.

Bakit ba kasi umalis si Mama?

Hindi na ako umimik sa kaniya at pumasok na lamang sa aking kwarto. Nag-impake ako ng mga damit at gamit ko, pagbaba ko ay pinaltok ako ni Viola ng sandok.

"Ano?! Aalis ka?! Sige. Tingnan lang natin kung kaya mong buhayin ang sarili mo—"

"Sustento ni Mama ang bumubuhay sa mga tao rito. Hindi mo ako pinapalamon." Sabi ko sa kaniya sabay labas ng pintuan.

Paglabas ko roon ay maingay na kalsada ng Alas Street ang bumungad sa akin. Pagdaan ng Jeep na rutang Starmall Alabang. Sumakay ako roon at saka nagbayad.

"Kuya, sa Emef University nga." Sabi ko rito.

"Mukhang hindi ka nakapasa sa ibang University, ah." Sabi nito sa akin. "Patapon 'to." Bulong pa niya na nakapagpakulo ng aking dugo.

I heard the laughs of other passengers too pero hindi ko na lamang pinansin. Shit lang, ah. Sobrang taas naman nila kung umasta sila, pare-pareho lang din naman silang alila sa gobyerno. Ibinaba ako ni Manong driver doon at halos ipagtulakan ako ng mga tarantadong pasaherong ‘to. Best in masama ang ugali lang ang atake nila.

Nang tingnan ko ang paligid ay puro matatayog na puno ng talisay at acacia ang nasa paligid, may balete pa sa hindi kalayuan na sobrang laki rin.

Nasa harapan ako nitong malaking bakal na gate na triple ang laki kaysa sa orihinal na gate lamang. Kulay gray ang pintura nito na sobrang luma na, may lumot na sa may bisagra, ang bakod na pader ay ginagapangan na ng mga halaman, at ang pintura ay pwede mo na ngang tungkabin sa sobrang kalumaan.

"Pucha? School ba talaga ‘to?" Bulong ko sa sarili ko.

Just looking at this goddamn mess. Mukhang hindi na isang University, e.

Nakatayo ako sa harapan ng malaking gate na ito habang bitbit ang mabibigat kong mga gamit. Nakakairita, hindi man lang ba ako pagbubuksan? Ako ba dapat ang magbubukas? Paano ba ‘to? Akmang bubuksan ko na sana ito pero bumukas ito at bumungad sa akin ang tatlong lalaking naka-uniporme at mayroon pang logo ng school ang kanilang mga polo.

the virus called numero (ON-GOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora