CHAPTER 1: I'm not yours to claim Sir!

11.8K 179 7
                                    

Credits to the cover I used.
Start: Feb. 29, 2024
End: May 11, 2024

Chapter 1

I am Yllezstacy Samaniego, 20 years of age. A college student and my course is Fine Arts because I love arts. I love to paint, this course covers technique's, art history, composition, color theory, and other fundamental aspects of visual arts.

I am single and not ready to mingle. Galit ako sa mga lalaki, except sa mga kaibigan ko. Hindi man ako nakapasok sa isang relasyon pero kung pagbabasihan ang mga tao na nakapaligid lang sa akin na, nababaliw, nasasaktan, handang hamakin lahat para lang sa pag-ibig na 'yan. Mabuti pa na tumanda na lang na dalaga, at rich tita!

"Huy Ylez!"

"Ano?!" Tinaasan ko ng kilay si Alumina pero binawi ko rin, palagi nitong sinisira ang pinipaint ko, halos lahat na lang ng activities para e pass ay late ako dahil binaboy ng spoiled brat na anak ng may-ari ng school na pinapasukan ko.

"Let me see what you paint," Bossy na wika nito. Napatingin pa ako sa mga alalay nito na nakasunod lang sa kanya at iba't iba ang flavor. May tulingan, ginamos, tamban, hipon, buwad. Napaka-unique ng mga flavor ha.

Kung hindi lang ako isang nerd na babae siguro kanina ko pa pinatulan ang mga ito.

"A-Ano kasi hindi pa ako tapos, Mina.." sagot ko habang nakayuko.

"So what?! Kunin niyo ang painting niya girls!" anito na ikinatingin ko sa kanya.

"W-Wag Mina ngayon ang deadline niyan eh," naiiyak kong wika. Pero ngumiti lang ito at hinawakan ang hindi na masuklay ko na buhok.

"Oh, mamaya isusuli ko pero pahiram mo na ha," nakangiting wika nito, kung hindi ko lang kilala ito ng ilang taon ay maniniwala ako sa ngiti nito na madadala ka talaga dahil sa totoo lang mukha talagang angel si Alumina. Maganda at sobrang sexy. Pero ang pangit ng ugali.

"P-Pero-PAAK!"

"Ang tigas ng ulo mo, hihiramin ko nga lang diba?! Matalino ka ba talaga? Ang bobó mong sumagot!"

Napahawak ako sa kabilang pisngi ko dahil sa malakas na sampal ni Mina. Hinayaan ko na lamang sila sa pagkuha ng painting ko, hinulog pa nila ito sa sahig, rinig na rinig ko ang bungisngis ng mga ito papalabas ng room.

Pinilit kong kinalma ang sarili ko.

'Wag kang iiyak Stace, sanay ka na! Sanay ka na!' usal ko sa isipan ko at pilit na ngumiti kahit labas sa kalooban ko.

Napatingin ako sa mga kaklase ko na nagsi-iwasan ng tingin ng tingnan ko. Alam narin ng mga ito ang nangyayari sa akin dito sa ilang taon ba naman.

Siguro pag nakahiga ako at nag-aagaw buhay sa hallway o kaya sa gitna ng grounds ay hahayaan lamang ako ng mga ito, babaliwalain, dahil sino ba naman ako? Takot din madamay ang mga ito.

Sa totoo lang wala naman akong naging kasalanan sa kanila. Sadyang trip lang daw nila akong ibully dahil sa ayos ko, may salamin kasi ako sa mata, baduy manamit at sobrang hinhin.

Inshort nerd. Wala nga lang frickles, pimples, bakit ba ako maglalagay non? Pan-disguise? Wag na, ngayon nga na baduy lang ang damit at nakaglasses lang ay napapansin na ng mga bully, pupunan ko pa.

--

"ANNOUNCEMENT OF ALL COLLEGE STUDENTS. WE HAVE A VERY IMPORTANT VISITORS TODAY. PLEASE NO ONE ARE HARDHEADED JUST TODAY. IF THE VISITORS ARE COMING IN TO YOUR CLASSROOMS WELCOME THEM, WELCOME HIM. I KNOW YOU ALREADY KNOW WHO IS ZALDEO ARCHER RIVR MONTESSORI!THANK YOU!"

The Ruthless Ceo Is A Mafia Boss [COMPLETED] ALPHA ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon