1. The Texting Clan

111 1 0
                                    

Chapter I. The Texting Clan

September 2011

Yo. Ako nga pala si Sandra Ramos. San-san ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko. First year college, kumukuha ng kursong accountancy. Sa totoo lang ayoko ng course ko, kaso scholar ako sa piniling kong college at yun lang ang available nun, napunta ako dun. Pero inisip ko nalang na kakayanin ko naman siguro ang course ko na yun. 16 palang ako. Hindi ganun ka ingay at nakikipaggala sa mga barkada, pero meron akong mga malalapit na kaibigan na pamilya ang turingan namin.

Masasabi kong ibang iba ang experience sa college. Naramdaman ko yung sinasabi nilang "freedom". Bukod pa dun, syempre isa sa mga inaasam ng mga teens tulad ko ang love life. Single ako, at hindi ko masyado pinapansin ang mga ganitong bagay. Pero inaamin kong gusto ko rin makaranas ng magkaroon ng lalalaking mamahalin at mamahalin rin ako, ngunit never pa ako naging seryoso sa mga issue na yan.

Pero hindi ko alam na sa isang iglap, mababago ang buhay ko dahil sa love na yan.

Di ako masyado gumagamit ng cellphone. Since elementary pa. Ang interest ko kasi nasa internet. Adik ako sa mga social network sites at makipagchat sa mga taong di ko pa nakikita sa personal.

Isang araw, pinaloadan ang phone ko para daw makapagtext ako sa mama ko na nagtatrabaho sa ibang bansa. Since wala akong makausap, hiningi ko ang mga number ng mga kaibigan ko sa internet para makatext ko sila. Isa sa mga yun ay niyaya akong sumali sa isang "texting clan".

"Uy, di ba isa kang otaku? Baka gusto mong sumali sa clan ko?"

Otaku. Isang japanese term para sa isang taong mahilig sa anime o japanese cartoons. Nung bata palang ako, mahilig na ako manood ng mga ganun. Nag-reply ako sa kanya.

"Ay, Oo naman. Clan?"

"Yup! Bago palang to. Dali na, ate. Sali ka na. Gagawin kitang admin!"

"Umm....hindi ako masyadong mahilig sa pagtetext eh. Tsaka hindi ako active."

"Okay lang yun! Dali na kasi!"

Napa OO nalang ako. Kaya ayun, naging myembro ako sa clan na 'anime freakz'. Kinuha ko ang code name na Misaki kasi sya ang paborito kong character. Second day palang ng clan nung sumali ako. 10 palang ang mga kasali, pero masaya kaming lahat. Maraming nakakarelate sa akin kaya naging active na ako sa paggamit ng cellphone. Madami din ang mga naging close ko dun.

Bilang isang admin, frequently akong nag-gigiem ng mga trivia sa mga members. Eventually, ginawa akong head admin ng clanmaster naming si Nami, ang kaibigan kong nagsali sa akin dito. Isang araw, tinawagan ako ng vice clanmaster, si Kuya Rei. Hindi ako sanay na makipagusap sa taong di ko kilala sa personal thru phone, pero anyway sinagot ko parin ang tawag nya.

"Hello?"

"Hi, Misaki! Ako nga pala si Rei, yung vice clanmaster. Gusto lang kitang iinform sa activities sa clan since head admin ka na."

"Wow talaga? Oh sige sige..."

"By the way, naging member ka na ba sa ibang clan?"

"Hindi. First clan ko nga to eh."

"Ganun? Familiar kasi voice mo, tsaka ang cute."

"Haha! Adik, di naman siguro.."

So nagkwentuhan kami ni kuya Rei. Umabot ata kami ng 1 oras mahigit! Napagod din ako nun, pero nagenjoy naman ako sa chikkahan naming, of course more on sa anime yun. Close na agad kami after.

X ------- X ------ X

Roleplaying o RP ang madalas kong gawain sa clan. Eto yung gagawa kayo ng sariling kwento o style na kunwari nasa isang palabas kayo thru text o kaya pwede din thru internet. Dugtungan kayo kung paano magfoflow ang kwento nyo at isasatao mo ang character mo sa RP nyo. Nakahiligan kong makipag-roleplay kay Nami. Pampalipas oras ko yun at madalas na English ang ginagamit namin habang nag r-RP.

Nasa P.E. class ako ngayon nang may nagtext sa akin na bagong sali lang sa clan. Sya si Shinra. Naging interesado ako sa kanya kasi magaling syang mag-english tulad ko at nakakatuwang kausap, kahit minsan nakakairita sya sa 'way' nyang makipag-roleplay.

Shinra: "Hi there, Misaki. You're character's a maid, right? So that means I'm your master and you're my servant starting today!"

Misaki: "Ermm...by the looks of it, yeah."

Shinra: "Aren't you just pretty today? *leans*"

Misaki: "H-huh? *steps back*"

Shinra: "Haha! I'm just joking *walks away*"

Na-aawkward ako sa lalaking yun. Trip na trip nya ko. Pero interesado ako sa kanya. Simula nun, lagi na kaming magkausap.

X ------- X ------ X [END OF CHAPTER I] X ------- X ------ X

Saved MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon