CVIII

1.1K 90 20
                                    


INT. SHUTTLE - AFTERNOON

2:11 p.m.

A half-baked smile was etched on her lips.

Gigi
O? Ba't ang hilaw ng ngiti mo.


Robin
Basahin mo, 'te.


Gigi
Hala?
Ano na naman kailangan niyan?



Robin
Malay ko d'yan.


Gigi
Ano laman nitong link?



Robin
Basahin mo na lang.

2:15 p.m.


Gigi
Huy . . . okay ka lang?



Robin
Okay lang. Assured naman ako ni Mikey.


Gigi
Pero?


Robin
Pero hindi pa nabubuo 'yong isang araw namin, may lubak agad. Dalawa pa.


Gigi
Nabanggit ba sa 'yo 'to ni Mikey?



Robin
Sabi niya hinahanapan daw siya ng girlfriend ng fans niya pero 'yang about kay Celeste, 'di ko alam. Ngayon lang din. Nabasa ko article kanina. Trending pala sila sa twitter.



Gigi
Ang ano ha, medyo familiar.
Parang ganito rin 'yon dati.



Robin
Oo nga, e.
Tapos nagparamdam pa bigla 'yang isa.



Gigi
Okay ka lang?


Robin
Pasabi na lang kay Kuya pagbalik niya, uwi na tayo. Napagod ako bigla.


Gigi
Hala?


Robin
Dala mo ba white flower mo, 'te?
P'wede pahingi?


Gigi
Nasa kuwarto natin.



Robin
Pahingi na lang mamaya.


Gigi
Sige . . .



Robin
Sumakit bigla ulo ko.



Gigi
Iwasan mo muna mag-isip.



Robin
P'wede ba 'yon?



[Messenger]

mikey 🦈

3:04 p.m.

Mikey
Love?
Are you back?
Saan na kayo ni Ate Gigi?
Tapos na kami ni Coach.
Ang sakit ulit ng katawan ko.



(mikey 🦈 is calling)
(Call Declined)

Secretly Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon