Chapter 13: Fiesta

8 1 0
                                    

Chapter 13

"Punta ka sa itaas ah sa dati niyong tirahan." sambit ni Khalix sa kabilang linya.

"Sige! Maya-maya pupunta na kami do'n kasama ko 'yong kapatid ko at si tito at 'yong asawa niya." sambit ko rin sa kanya. Actually marami akong kasama hindi ko na iisa isahin kung sino sila basta mga pamilya ko.

Isang buwan na rin kming nag-uusap ni Khalix pero hindi ko alam kung may gusto ba siya sa akin o ano. Basta ang mahalaga ay nakaka usap ko siya at masaya ako.

Alas singko na nang gabi kaya nag lakad na kami. Sa taas lang namin medyo malayo rin ng kaunti pero hindi kami mangangalahating oras ng paglalakad. Sabi niya sa'kin siya ang mag s-sweet sa'kin mamaya, eh.

Ngunit nandito na kami wala pa rin sila.

'Nasaan na kaya sila?' Tanong ko sa isip ko.

Nag pabalik balik na ako ngunit hindi ko pa rin sila makita.

Bye the way. Fiesta kasi dito sa dati naming barangay, dito kasi kami dati naka-tira.

Hanggang sa mag alas siyete na nang gabi at pawis na rin ako dahil niyaya ako ng mga friends kong babae na sumayaw daw kami kaya hindi na ako naka tanggi. Hanggang sa mag patugtog na nang sweet.

"Hala!" sambit ko at dali daling umupo sa gilid. Nilagay ko sa likod ko ang kamay ko kasi baka hablutin nang kung sinong gustong makipag sweet sa'kin. Actually ahmm, eh, nasa gitna ako ng dalawang lalaki na nakaupo sa mag kabilaan ko. Huhuhu aalis na sana ako ng tanungin ako nang nasa kanan ko kung pwedi ba daw makipag sweet sakanya. Kaya ang ginawa ko nilagay ko ulit ang kamay ko sa likod ko para hindi nila makuha. Nakahawak rin 'yong kamay ko sa kahoy na nasasandalan namin.

"Ako na lang mag sweet sa 'yo." sambit naman ng lalaking nasa kaliwa ko kaya hinigpitan ko pa ang pag kapit sa kahoy.

"Ah ayoko!" sambit ko. Kinulit pa nila ako ngunit hindi pa rin ako pumayag hanggang sa umalis na lang sila. Tinanggal ko na ang kamay ko na nakahawak sa kahoy at ipinatong sa legs ko. Kampanti na akong wala ng mangungulit sa'kin para makipag sweet ngunit mali ako. May lalaking humablot ng kamay ko at dinala ako sa gitna. Nagulat ako sa ginawa niya pero wala na akong magagawa jasi nasa gitna na kami.

'Huhuhu si Khalix ang gusto kong maka sayaw hindi ikaw.' Sambit ko sa isip ko.

Nangangalahati na kami ng pag sasayaw ng makita ko si Johnwell, ang Tito ko na tinuturo ako.

KHALIX'S PoV

Nandito na kami sa labas at nanonood ng mga suma-sayaw ng biglang may tinuro sa'kin si Johnwell.

"Pre! 'yong Keanna mo may ka-sweet na iba." sambit niya sa'kin at tinuro kung nasaan sila Keanna.

"Jowa mo ang pamangkin ko?" sulpot ng isang lalaking malaki ang katawan. Sa pag kakaalam ko kapatid ito ng nanay ni Keanna kasi sinabi sa'kin ni Johnwell. Umiling naman agad ako sa tanong niya at ibinalik ang tingin kay keanna. Nakaramdam ako ng kaunting selos.

"Tara na alis na tayo." Sambit ko kay Johnwell para makaalis na rito. Nag paalam rin kami sa tito ni Keanna.

KEANNA'S PoV

'Patay! Nakita niya ako.' Sambit ko sa isip ko. Kumalas na ako sa lalaking kasayaw ko.

"Tama na!" Irita kong sabi  sa kanya at umalis na sa gitna. Pumunta ako sa upuan at kinuha ang jacket ko at nag mamadaling lumabas. Hinabol ko sila Khalix at nakita ko itong hindi pa nakakalayo.

Narvcamu

He Made Me Indulgent (COMPLETED)Where stories live. Discover now