Ang alamat ng DIWATA

8.5K 42 15
                                    

A/n: Gawa-Gawa ko lang po ito kaya hindi po it totoo. Okay gets?

(Third Person's POV)
Noong unang panahon sa isang malayong kaharian na tinatawag nilang Aranya may isang prinsesa na nagngangalang Pyra at ang prinsesang ito ay sobrang ganda at mabait na halos lahat ng lalaki nagkakandarapa sa kanya, hindi narin mabilang ang kanyang mga maliligaw at ang pinakahuli ayaw niya sa mga taong may pangit na ugali kaya pinagsasabihan niya ang mga tao at dahil isa siyang prinsesa sinusunod na lang ng mga tao.

Isang araw nakipag-usap ang kanyang ama sa kanya at sinabi ng kanyang ama na ikakasal na raw siya sa prinsipe ng Saranium sa susunod na araw pero, hindi pumayag si Pyra na makasal sa taong hindi niya mahal kaya tumakbo siya at lumabas ng kastilyo at habang tumatakbo siya hindi niya namalayan ang mga tao sa paligid niya, kaya naman may nabunggo siya. At hindi alam ng lalaki na prinsesa si Pyra dahil sa kaharian ng Saranium siya nanggaling, papunta ang lalaki sa kaharian ng Aranya at si prinsesa Pyra naman ay naliligaw kaya nagpahatid na lang si prinsesa Pyra sa lalaki. Nag-usap sila ng nag-usap at sabi ng lalaki na Rain daw ang pangalan niya pero hindi parin alam ni Rain na isang prinsesa ang kausap niya at nagtanong si prinsesa Pyra kung kilala niya ang prinsipe ng Saranium at sinabi naman ni Rain na kilala niya raw ito at sinabi ni Rain na masama raw ang ugali ng prinsipe kaya tumawa si prinsesa Pyra sa insal ng binata. Maya-maya nakarating nasila sa kaharian ng Aranya at si Rain ay uuwi na rin dahil magagabi na, sabi naman niya naman niya na pumunta lang siya sa Aranya para makita ang kagandahan ng Aranya. Aalis na sana si Rain ng bigla siyang tinawag ni prinsesa Pyra kaya lumingon si Rain at sinabi ni prinsesa Pyra na bumalik daw bukas si Rain kaya tumango lang si Rain at saka tuluyan ng umalis.

-KINABUKASAN-

Tumakas na naman si prinsesa Pyra sa kanilang kastilyo at nakipagkita kay Rain. Nag-usap lang sila ng kung ano-ano , gumagala-gala at gumagawa ng kahit anong kalokohang maisipan nila. Maya-maya naisipan nilang umuwi at nag-paalam sa isat-isa pero bago pa maka-alis si Rain may sinabi pa si prinsesa Pyra sabi niya, bumalik raw si Rain bukas alas syete ng umaga, nagtaka naman si Rain pero punayag naron siya. At tuluyan ng umalis si Rain.

-KINABUKASAN (araw ng kasal)-

Naghahanda na si prinsesa Pyra pero hindi siya naghahanda para sa kasal kundi, Naghahanda siya para umalis kasama ni Rain. Ayaw niyang pakasalan ang taong hindi niya mahal at ang taong gusto niyang pakasalan ay walang iba kundi si Rain. Maya-maya ay tumakas na naman siya, kung ano ang ginawa niya noong tumakas siya sa mga nakaraang araw ay ganun din ang gagawin niya ngayon, ang patulugin ang mga kawal. Kaya nakatakas na siya, hanggang tuluyan na siyang nakalabas sa kastilyo. Nasa labas na ng kastilyo si prinsesa Pyra at hinihintay si Rain, maya-maya nakita niya si Rain na kumaway-kaway sa kanya, habang papalapit sa kanya si Rain ay agad namang tumakbo si prinsesa Pyra papunta kay Rain at niyakap niya si Rain kaya nabigla si rain pero agad naman niyang niyakap ito pabalik, pagkatapos nilang magyakapan, sinabi naman ni prinsesa Pyra na kailangan na nilang umalis agad at nagtaka naman si naman si Rain pero hinila agad siya ni prinsesa Pyra kaya hindi na niya naitanong ang kanyang itatanong sana. Nung makalayo na sila sa kastilyo ay tumigil narin sila sa pagtakbo, kahit hindi pa nagtatanong si Rain ay sumagot si Pyra na, isa siyang prinsesa na ikakasal na ngayon pero hindi naman biya mahal ang kanyang pakakasalan kaya tumakas siya,na bigla si Rain sa narinig na isang prinsesa si Pyra.

Tumatakbo na naman sila papalayo sa kaharian dahil hinahanap na sila ng mga kawal at pumunta sina Rain at Pyra sa isang gubat , sa gubat na iyon ay may nakita silang sira at lumang bahay kaya doon muna sila nagtago. Maya-maya lalabas na sana si Rain kaso pinigilan siya ni prinsesa Pyra pero hindi parin nagpaawat si Rain at sinabi niya kay prinsesa Pyra na , po-protektahan niya si Pyra kahit anong mangyari at itataboy niya lang ang sumusunod na kawal sa kanila, at pagkatapos nun umalis na si Rain.

-Dalawang oras ang nakakalipas-

Kinakabahan na si prinsesa Pyra dahil ang tagal bumalik ni Rain , kaya napagdesisyunan niya na hanapin si Rain. Habang naglalakad siya may nakita siyang dugo hindi niya alam kung sa tao o sa hayop iyon. Kaya sinunda niya iyon at nang nawala ang mga bakas ng dugo ay agad siyang lumingon sa kanyang magkabilang gilid at nagbabakasakali na msy ibang bakas pa at sa di-kalayuan may nakita siyang duguang tao ksya agad niya itong nilapitan , pero bigla na lang bumagsak ang kanyang mga luha ng mapag tanto niya na si Rain pala iyon kaya niyakap niya si Rain.

Kaya agad niyang tinanong si Rain kung sinong may gawa nun sa kanya pero hindi niya iyon sinagot at iba ang sinabi ni Rain, sabi niya "Wag mong hayaan ang ibang tao ang dumikta sayo, sundin mo lang ang puso mo kung ayaw mong ikaw rin ang magsi-sisi sa huli". Unti-unti ng pumipikit ang mata ni Rain pero bago pa mawalan ng malay si Rain may siya kay Pyra na hinding-hindi makakalimutan ni Pyra "Mahal na mahal kita Pyra", "Wag kang Susuko Rain" sabi ni pyra habang umiiyak, pinunasan ni Rain ang luha ni Pyra kahit nanghihina na ito, "Wag kang umiyak,basta tandaan mo magkikita pa ulit tayo" at nawalan na ng malay si Rain kaya umiyak si pyra ng pagkalakas at sinabihan niya si Rain ng "U-uy, w-wag mo a-akong iiwanan m-magpapakasal pa t-tayo!!" Kahit alam ni Pyra na hindi na naririnig ni Rain iyon.

-Ilang araw ang nakalipas-
(Nasa gubat parin)

Simula ng mawala si Rain ay laging na lang siyang nagluluksa at lagi rin siyang umiiyak. Ginugutom niya rin ang sarili niya. Ngayon naman ay lagi na siyang tulala.

-Isang buwan ang nakalipas-
(Nasa gubat parin)

Ngayon nasa harap si prinsesa Pyra sa puntod ni Rain habang sinasambit ang katagang "mahal na mahal kita Rain,kung nasaan kaman ngayon sana masaya ka"...

Kaya simula nun hindi na nakita pa si prinsesa Pyra at sibasabi rin nila na maaring patay na ang prinsesa.

Nagdaan pa ang ilang taon , sinasabi mga mangangaso at mga taong napapadaan sa gubat, may isang magandang babae na lumulutang sa hangin na parang may binabantayan pero binabalewala lang nila ito at nung may gagawin na silang masama o mag-ingay ay may nangyayari sa kanilang masama at ang mukha niya ay kamukhang-kamukha ng prinsesa pyra.
At simula nun inaalagaan at nirerespeto na nila ang gubat.

Doon nag simula ang tinatawag natin ngayong DIWATA....

-----WAKAS!!-----

Sana pangalagaan natin ang kalikasan :)

BTW..Inspired ito sa Romeo And Juliet :))

GUYS MAY ISA AKONG WP ACCOUNT, doon may improvement na ang mga story ko, di katulad nito halatang pangbata 😂 RedBlackAndPink 😂 yan po. Sana makabisita kayo dun hahahahaa thank you. Love you 😘

Ang Alamat ng DIWATAWhere stories live. Discover now