PARANG hinalungkat ang bituka ko na agad nang nailuwa ang tubig-dagat na nainom ko. Napaubo ako at unti-unting iminulat ang aking mga mata. Sa aking pagmulat ay ang mukha agad ni Larco ang bumungad sa akin. Hindi ko alam kung nililinlang lang ba ako ng aking paningin, pero parang nakikita ko pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa akin. Hapong-hapo pa ito at tumutulo pa ang tubig-dagat sa kanyang basang buhok papunta sa mukha ko.
Nauubo akong bumangon.
“Are you okay?” Inalalayan akong naupo ni Larco at hinaplos-haplos pa ang likod ko dahil sa pag-ubo ko.
Nasa taas na pala kami ulit ng speedboat na palutang-lutang lang sa dagat dahil sa hindi pa nakabuhay ang makina nito. Nang mapatingin ako sa isla ay agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita itong tintupok na ng malakas na apoy.
“Oh my god! What about Darius and Henry?” Bigla akong napatayo, pero agad din akong bumalik sa pagkaupo dahil sa biglang pag-galaw ng boat.
“Nasa yate na ang mga 'yun mula pa kanina,” sagot ni Larco na agad na tumayo at binuhay ang makina.
Habang nasa biyahe ay nanatili akong tahimik habang yakap ang sarili ko. Medyo malamig dahil sa basa kong kasuotan at sabayan pa ng simoy ng hangin.
“Tsk...” rinig kong asik ni Larco, hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagpatong ng basang coat nito sa akin. Kaya kahit papaano ay parang nabawasan ng konti ang panlalamig ko.
Makalipas ang ilang minuto ay dumaong na ang aming sinasakyan sa isang luxury yacht na nakahinto sa gitna ng karagatan.
“Hold my hand,” ani Darius na agad nang inilahad ang kamay sa akin at inalalayan akong sumakay sa taas ng yate.
Pagkasakay ko sa taas ng yatch ay agad na nagsalubong ang tingin namin ng babaeng nakasuot ng black dress habang nakadikuwatro ng upo sa may couch. Mabilis itong napatayo nang makita ako at agad na nagsalubong ang mga kilay.
“Who are you?”
“H-Huh?” Hindi pa ako nakakasagot sa babae nang may sumagot na sa likuran ko.
“She's my girl,” sagot ng boses ni Darius.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ng babae at tila hindi nagustuhan ang narinig. “She's your... your what?”
“Tsk.. Sa susunod maglinis ka ng tainga. I hate repeating myself,” sagot ni Darius sa babae, hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagbalot nito sa akin ng puting tuwalya. “Let's go to my room, baka lamigin ka na dito sa labas.”
Kitang-kita ko pa kung kumuyom ang kamao ng babae habang nakatingin sa akin nang masama.
Pagkapasok namin sa isang kuwarto na katamtaman lang ang laki ay agad akong pinadiretso ni Darius sa loob ng bathroom at inabutan ng isang bathrobe na kulay gray, kung kaya agad akong naligo.
Paglabas ko ng bathroom ay sakto namang pagpasok ni Darius sa loob ng kuwarto habang buhat ang isang tray na may mga pagkain. Inilapag nito sa bedside table ang dalang tray bago lumapit sa akin at hinila ang braso ko paupo ng kama.
Matapos akong paupuin ni Darius ay agad nitong kinuha ang tray ng pagkain at inalgay sa harap ko.
“Eat,” maiksi nitong sabi bago pumuwesto sa likuran ko.
Napatingin ako sa pagakin. Isang piraso ng steak at iba't-ibang prutas na nakahiwa.
“Ito lang ba?” tanong na lumabas sa bibig ko.
Naramdaman ko na lang ang marahan na pagpunas ni Darius sa buhok ko mula sa likuran.
“Ganyan lang ang pagkain dito sa yate, kaya pagtiyagaan mo na lang para hindi ka magutom,” sagot ni Darius na ngayon ay inumpisahan nang i-blower ang basa kong buhok.
BINABASA MO ANG
Heartbeat of the Ruthless Criminal
General FictionDahil sa pagiging pulis ng kanyang ama at mga kapatid ay naging masalimuot ang buhay ni Keirra sa kamay ng magkaibigang Larco and Darius, ginawa siyang bed-warmer ng dalawang lalaki. Sina Larco at Darius ay mga sindikato na walang pakialam sa kapwa...