CHAPTER 1

63 0 0
                                    

Zera P.O.V

"Beshy!beshy!"

Mula sa pagkakatutok sa cellphone ay nabaling ang paningin ko sa kaibigan kong si Krisha na kakapasok lang ng classroom namin habang tumatakbo. Muntik na itong matumba dahil sa pagmamadaling makapunta sa pwesto ko.

"Kyahh!" yan agad ang bungad nya sa akin kaya wala sa oras na napatakip ako ng tenga dahil sa sunod sunod na tiling pinakawalan nya. 

Lord! Sa dinami-dami ng kaibigan na pwede mong ipagkaloob sa akin bakit ibinigay mo pa 'yong magiging dahilan ng pagkabingi ko...Ang sakit sa tenga!

Dahil hindi ko na makaya ang kabaliwang ginagawa nya at nakakaagaw pansin na kami ng mga tao sa classroom ay binatukan ko sya ng tatlong beses at effective naman dahil tumigil narin sya.

"Ouch! ang sakit non ah." sabi nya habang hinihimas ang parteng binatukan ko.

"Ano naman ang ispiritong sumanib sayo at para ka namang nababaliw?" tanong ko sa kanya at ibinalik ang ginagawa ko kaninang pagsi-cellphone.

"I have a news beshy!" sabi nya at dali daling umupo sa tabi ko kung saan ang pwesto nya. By partner kasi ang arrangement ng upuan dito sa room.

"Ano na naman?" walang ganang tanong ko.

 Sa totoo lang, alam ko kung tungkol saan ang sasabihin nyang news. Basi palang sa ipinakita nyang kilos kanina alam ko na kung ano ang dahilan non. She's my best friend at alam na alam ko na ang mga kilos nya. 

At alam kung babae na naman ang tinutukoy nya.

To tell you the truth, my best friend is Bisexual. Pero mas attractive sya pagdating sa mga babae. Hindi pa naman sya nagkakaroon ng karelasyon na babae pero iba talaga ang epekto sa kanya pag may natitipuhang syang babae. 

"May transferee, it's a girl besh at alam mo ba?..kyahh!"

Sinamaan ko sya ng tingin dahil nagsisimula na naman nya iparinig ang nakaka-agaw pansin nyang boses.

Pero hindi ako nagkamali na tungkol sa babae na naman ang  nahagilap nya.

"Type mo.." dugtong ko dun sa sinabi nya. Yon naman kasi ang palagi nyang sinasabi.

"Oo type ko pero alam mo bang nalampasan nya yong standard na hinahanap ko?.. Ang tangkad nya. Maganda ang tindig. Ang cool nyang kumilos. Ang super duper ganda nya beshyy!!!"

Kilig na kilig na sabi nya na sinasabayan pa ng paghampas sa braso ko. 

"Oh tapos?" sabi ko sa kanya habang na sa cellphone parin ang atensyon.

Napansin kong may kinakalikot sya sa cellphone nya at maya maya ay hinarap nya ito sa akin.

"Look." sabi nya kaya tiningnan ko naman kung anong mayron sa cellphone nya.

Isang matangkad na babae. Hindi ko masyado makita ang mukha dahil naka cap ito. Nakasuot ito ng white long sleeve at black slack. Mahaba ang buhok nya na pinaghalong black and blond ang kulay.

"Yan yong transferee. Ang cool nya diba..at ang tangkad pa, nakaka-inlove, kyahh. Sana sa section natin sya ilagay. Para ma inspire akong pumasok araw araw." Sabi nya habang kilig na kilig na nakatitig dun sa picture.

"Baliw." nasabi ko nalang sa kanya

Buti nalang talaga at wala akong interest sa mga ganyang bagay. Hindi ko maisip na maging katulad ng kaibigan ko na kahit sa picture ay mamatay matay na sa kilig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving the Cold-hearted Dancer ( Bada Lee )Where stories live. Discover now