"Nagbibinata na si Moonok," Sabi ni Rehun sabay tawa. Tinapatan ulit siya ng baril ni Moonok pero ako na ang napasigaw. Dahil nasa likod ko si Rehun nag tatago. "Oopsie doopsie! Don't even think about it. I love myself more than anyone!" Sabi ko at tinaas ang kamay ko. Dahan dahan niyang binaba ang baril niya at tinagilid ang ulo niya at unti unting tumaas ang gilid ng labi niya dahil sa pinipigilang sumilay na ngiti.
"See? Hindi kasi masayang pumatay ng tao kasi syempre 'diba hahabulin ka ng konsensya mo?" Sabi ko sa kanilang dalawa. Proud pa ako sa sinabi ko pero nakita kong nagkatinginan silang dalawa na may pagkagulat sa parehong mata nila.
"T-Tao?" Si Rehun ang nag tanong sa likod ko at parang napaatras pa. Proud akong tumango. "Yup, 'yun ang turo ni Papa Ynok sakin. Kasi kapag nakapatay ka, hindi kana papatulugin ng konsensya mo." Sabi ko. Mas lalo pang nagulat ang mukha nilang dalawa.
"T-Tao ka!?" Nagulat na tanong ni Rehun. Dun ko lang na-realize na I'm freaking dumb. Bakit nga ba tao ang sinabi ko!? Hindi ba dapat navi? Urgh! Edi alam na nila! Mukha silang mabait pero kasi stranger parin sila huhu!
"Uhm...Kinda-but, No. I mean I grew up there, But I'm one hundred percent sure na I'm navi, kasi both my parents are roy-" Kinagat ko ang dila ko. "...Roy-Royo, hehe, I mean last name namin ang Royo. Like, angkan ganern." Sabi ko at nag peace sign.
Mabilis pa sa kidlat na tinutukan ako ni Rehun sa leeg ng kutsilyo at hinawakan ang dalawang kamay ko sa likod. Nanlaki ang mata ni Moonok at napahakbang siya paabante pero pinigilan niya ang sarili niya. "Sabihin mo kung sino ka at anong ginagawa mo dito." Seryosong sabi ni Rehun. Unti unting dumidiin ang patalim sa leeg ko kaya ang lakas ng pantig ng dibdib ko. What do I do!? Bumibilis at mabigat ang bawat paghinga ko.
"Uh-uhm...Navi ako...and...and...AAAAHH!" Sigaw ko dahil biglang nawala ang pandinig ko at unti unting lumabo ang mata ko. Nakita ko si Moonok na tumakbo papunta sakin at sumisigaw siya kay Rehun pero hindi ko na marinig ang sinabi niya dahil tuluyan na akong bumagsak sa lupa at nakita kong pinutok niya ang baril niya sa langit.
***
Nagising ako sa kwarto ko kaya napabalikwas agad ako ng bangon. Hindi ba't kanina lang ay hawak ako ni Rehun sa leeg at hindi ko na alam ang nangyari after that.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa sarili ko. Tumingin ako sa bintana na naka bukas habang nililipad ang kurtina. Liwanag ng buwan ang pumapasok sa bintana ng kwarto ko na siyang nagbibigay ng liwanag sa kabuuan.
Naglakad ako palabas ng kwarto at pumunta sa bulwagan. Hinahanap ko sila Tita Luna. Pinuntahan ko si Tita Luna sa kwarto niya. Kumatok muna ako bago ako pumasok. Mataas na ang liwanag ng buwan na ibigsabihin ay malapit na mag hating gabi. Hindi ko man lang nalaman ang kapangyarihan ko. Baka isang pangkaraniwan na tao lang talaga ako.
Nakahiga si Tita sa higaan niya at malalim ang iniisip. Nang makita niya ako sa pintuan. Pilit siyang ngumit at tinapik ang nasa tabi niya. Lumapit ako sa kanya at tumabi ako sa kanya. Hinaplos niya ang buhok ko. "Alam mo bang ibinuwis ng Mama mo ang buhay niya para lamang mailigtas ka?" Tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko. "Masaya kana noon sa mundo ng mga mortal, ngunit, dinala pa kita dito dahil nasa tamang edad kana para malaman ang iyong pinagmulan at para magampanan ang naiwan mong tungkulin." Sabi niya. Huminga muna siya ng malalim. "Para na kitang anak, Palarina. Kaya hanggat maaari, ayaw kong mapahamak ka." Sabi niya.
"Namimiss mo ba ang buhay mo sa mundo ng mga mortal? Miss mo na ba ang mall?" Natatawang tanong niya. Kahit na pabiro ang pagkakasabi niya, alam kong may laman ito. Dahil ba hindi ako umabot sa oras at hindi ko nadiscover yung powers ko ay babalik na ako sa mundo ng mga mortal? Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya sa nalaman ko. Parang may kirot akong naramdaman kasi parang...parang tinapon ako dahil wala na akong silbi.
"Tita...Wala na ba akong silbi?" Tanong ko. Nanlaki ang mata niya. "Palarina, Hindi! Hindi totoo 'yan!" Sabi niya. "Ibabalik niyo na ba ako sa mundo ng mga mortal dahil wala akong kapangyarihan at baka hindi ako maging reyna dahil imposible sa mundong 'to na maka-survive ako dahil wala akong kapangyarihan?" Tanong ko. Umiling siya. She's trying to hold her tears.
"No! Hindi ko hahayaan na mangyari 'yan. Kailangan muna nila akong patayin bago ka nila makuha sakin." Sabi niya at niyakap ako. Huminga ako ng malalim habang yakap yakap niya ako.
"Hindi ako papayag na gawin nila ang ginawang kawalang katarungan nila sakin." Sabi niya. Dahan-dahan akong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.
"P-po? Anong ibigsabihin niyo, Tita?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim. "Dati akong..." Huminga siya ng malalim. "Dati akong umibig sa isang Klanos. Ngunit, trinaydor niya ako at kinuha sa akin ang aking bowa. Ang bowa ang binibigay sa atin na mga navi na may dugong bughaw kapag isinisilang tayo. Ito ang nagsisilbing proteksyon sa atin at ito ang simbulo sa atin ng ating kaluwalhatian at hindi ka maaaring mamuno sa mga navi kung wala ka nito." Sabi niya.
"Ayun po ba yung lumabas samin ni Florentine?" Tanong ko. Tumango siya. "Kapag nakuha ito sa iyo, mawawalan kana ng kapangyarihan at para kana lamang isang mortal dahil hindi mo magamit ang pakpak at kapangyarihan mo. Maaari kana rin mamatay kung wala ka nito." Sabi niya. Pero bakit si Tita? Nagagamit niya yung kapangyarihan at pakpak niya ngayon?
"Pero bakit po nagagamit niyo parin 'yan ngayon?" Tanong ko.
"Dahil binigay ito sakin ng iyong Ina bago siya mawala." Sabi niya. "Isinilang ka niya habang nag hihingalo siya. Pagkatapos niyang bigyan ng proteksyon ang buong palasyo ng west gamit ang bowa niya, ibinigay niya 'to sakin. Napaka hina na ng bowa niya kung kaya't hindi ko nagagamit ng buong lakas ang kapangyarihan ko. Kakaunti na lang ang natitirang lakas nito, kaya hinihiling ko na sana malaman mo na ang kapangyarihan mo bago mahuli ang lahat. Humihina na ang proteksyon na pumo-protekta sa buong palasyo kaya malapit nang sumalakay ang mga klanos."
"Paano po kapag tuluyan ng nawala yung kapangyarihan ng bowa sainyo?" Tanong ko. Ngumiti lang siya at umiling. Hindi...hindi pwedeng mamatay si Tita!
Pagkagising ko kaninang umaga ay naka-ready na agad ang susuotin ko na inihanda ng mga nagsisilbi. Naligo ako at nag bihis na. Sinbihan ako na magmadaling dumeretso sa bulwagan kaya narito ako ngayon kasama ang lahat ng nasa palasyo. Naka tapat kaming lahat sa harapan ng napakaraming navi. Naka tayo kaming lahat sa kanila habang nasa ibaba sila. Nakabukas ang lahat ng pakpak nila at masayang makita kami.
"Ang palasyo na lang ng west ang natitira satin ngayon dahil lahat ng kaharian ay nasakop na ng mga Klanos. Hindi tayo papayag na muling sakupin ng mga Klanos ang nagsisilbing tahanan natin ngayon! Maraming salamat sa namayapang reyna natin na si Talina dahil iniwan niya ang bowa niya upang maging ligtas tayong lahat. Ngayon ay nag tipon tipon tayong lahat upang makilala ninyo ang anak ng namayapang reyna. Ang susunod na kokoronahan na reyna ng mga Navi!" Sabi ni Balikoy at lumingon sakin. "Kamahalan, Pakisuyo!" Sabi niya at umatras para makalakad ako at makita ako ng lahat ng mga navi.
Kumaway ako sa kanilang lahat. Lahat sila ay naghiyawan at tumunog ang mga trumpeta at nag liparan ang mga navi. "Mabuhay ang susunod na Reyna!" Sigaw ni Tita Luna.
"MABUHAY!"
"MABUHAY! MABUHAY ANG KAMAHALAN!"
Sigaw nila ng sabay sabay. Ngumiti ako sa kanila. Ang ibang mga mata nila ay para bang inuusisa ako pero mga nakangiti silang lahat. Naghihiyawan sila at pumapalakpak.
Nagulat kami ng biglang may mga higanteng bola ng mga apoy na nagmula sa langit. Nagdulot ito ng lindol sa buong palasyo at lumitaw ang invisible na barrier at nag crack ito. Nanlaki ang mata ko.