Obviate Worries

332 16 0
                                    

Hindi ko napansin ang ngiti sa labi nang sumagi sa utak ko si Niccolo

Makalipas ang isang linggo na pananatili ni Niccolo sa resort ay naging kaswal ang pakikitungo namin sa isa't isa. We eat together casually. Somehow, I saw his other side; he's warm and kind. Hindi ko masisisi ang dating nobya nito. Niccolo is lovable and sweet.

Nakangiting sinuyod ko ang kapapanganak na aso na alaga ni Manong Arsenio na si Libra. Sa kasamaang palad ay isa lang ang nabuhay na tuta sa apat na iniluwal ni Libra.

Hindi ko man maalala kung may espisyal akong katangian ngunit somehow I feel like I am good at taking care of animals. Hector once said that I work as a doctor but failed to tell me which field I used to. I am pretty sure I am a pet doctor.

Hinaplos ko ang maliit na kulay kapeng tuta. Kaseng tingkad ang kulay sa mga mata ni Niccolo.

"Did you name it yet?" boses mula sa likuran ko na ikinaangat ng aking pang-upo.

"Ikaw pala, Niccolo." My eyes were at the man looking devastatingly handsome. Wearing a simple white t-shirt and khaki short. Nakapamulsang lumapit siya sa maliit na silungan na kinaroroonan ko.

"How was Libra? Is she alright?" sinuyod niya ang inang aso na namamahinga.

"She's fine," tipid ko na sagot na sinundan ang binata ng tingin na yumuko upang mahaplos ang hayop. He caressed the dog gently.

"It seems you know the proper care of animals?"

"Hindi ko rin alam, I just know it somehow."

Niccolo painted a tiny smile on his lips. Inangat niya ang mga mata sa akin. "I guess, hindi nagsisinungaling si Hector."

Naguguluhan na tinititigan ko siya sa mga mata.

"I mean, Hector told me you were a pet doctor."

Napatango-tango ako sa narinig. Tama ang aking sapantaha na isa akong doctor ng mga hayop. Lihim na nagdiriwang ang puso ko't may mga bagay na unti-unting nagbukas tungkol sa aking katauhan.

"May naisip ka na ba na pangalan ng tuta?"

Umungol ako na nag-iisip.

"How about Dream?" Suhestiyon ni Niccolo.

Umiling ako. Hindi ko gusto ang pangalang binanggit niya para sa isang tuta so unreal. "I think Champ is better," I suggested out of nowhere.

Gulat na napatitig si Niccolo sa direksiyon ko. Saglit ngumiti siya ngunit nandoon pa rin ang gulat sa kanyang mga mata. "Champ?" Inulit niya ang sinabi ko.

"Hmm." Umungol ako bilang pagsang-ayon.

"Bakit naman Champ? May meaning ba ang pangalang iyan?" Ang mga mata niya ay nangingislap na tila ba may likidong nagbabantang umalpas.

"Ewan ko, bigla ko lang siyang naisip."

He shrugged. Nag-iwas siya ng titig kunwa'y nakatingin sa malayo. "I see." Ang himig niya ay puno ng panibugho.

"At saka bagay rin naman iyon sa tuta. Siya lang ang nabuhay sa apat na magkakapatid. Siya ang nagwagi di ba? Champ-Champion," dagdag ko na bakas sa mukha ko ang pagmamalaki.

Bumaling siya sa akin. Lumapit siya sa kinauupuan ko at naupo sa tabi ko na hindi hiniwalay ang titig sa mga mata ko. Hindi ako nakapaghanda sa ginawa niya. Kinabig niya ang batok ko't kinintalan ng munting halik ang aking noo. The kiss he gave me gives comfort to my being. I don't understand, but it gives a familiar feeling that I couldn't define.

"Yeah, I like that too... it fits the puppy perfectly," dagdag niyang tinapik ang bunbunan ko pagkatapos. "Tayo na, natapos na ni Niza ang paghahanda ng haponan." Nauna na siyang tumayo at naunang humakbang.

आपको ये भी पसंदे आएँगी

          

"Coming." Magaan ang loob na sumunod ako sa kanya papasok ng bahay.

***
Kinagabihan ay dilat pa rin ang aking mga matang nakatitig sa kisame. May mga ngiting kusang lumitaw sa gilid ng aking mga labi. Hindi ko maiintindihan ngunit tila natutuwa ako sa pinakita ni Niccolo sa akin. Habang lumipas ang mga araw ay tila naging masaya ang araw ko.

Ipipikit ko na sana ang mga mata nang may narinig akong hagikgik o tawa. Nakuryuso ay bumaba ako ng kama at sumaglit sa balkonahe kung saan nagmumula ang ingay. Nakita ko si Niccolo na masaya at may ka-face time sa cellphone.

"Yes, daddy," turan ng batang babae sa kabilang linya.

Kausap ng binata ang nag-iisang anak niya na si Chiara. Noong una ko na nasilayan si Chiara ay tila ba kinain ako ng pangungulila ngunit hindi ko alam ang dahilan.

I was there pinning my feet on the floor looking at him from a distance. Nag-uusap pa rin sila. Habang nakikinig ako tila ba nilamon ang sarili ng lumbay. Pakiramdam ko I am an outcast again. Hindi ko napigilan ang luhang nangingilid sa aking mga mata habang pinakinggan ko ang boses ng bata. Napasingot ako na nagpa-agaw ng atensiyon ni Niccolo.

Napatigil siya bahagya at binalingan ang direksiyon ko. "Hey."

Nginitian ko lang siya. Akma akong babalik sa loob nang pinigil niya ako.

"Do you want to talk to her?" mungkahi niyang tumayo mula sa pagkaka-upo sa metal na silya. Nilahad sa akin ang hawak sa cellphone. "She's been asking you for a while now."

May pag-alinlangan na tinititigan ko ang gwapong mukha niya na sandaling ito bakas sa mga labi niya ang matamis na ngiti.

"A-Are you sure about that? I mean last time. You-" I remember how he forcibly dragged Chiara away from my sight.

"I am sorry I acted that way."

"I understand, I am a stranger to you-"

"But now, you're not, Ava." Mahina ang boses niyang pinasadahan ng tingin ang mukha ko. "You're not."

Hinaplos ang puso ko sa narinig mula kay Niccolo. Ibig magdiriwang ang puso ko.

"Here." Inabot niya sa akin ang cellphone.

Nanginginig ang palad na tinanggap ko iyon. Sinulyapan ko siya. Isang tango lang na sinukli niya sa akin hudyat ng pagsang-ayon.

"Hello po, Miss Ava," nakangiting bati ni Chiara sa akin.

Habang tinititigan ko ang magandang mukha ng bata sa screen hindi ko maintindihan at ibig mag-uumalpas ang aking damdamin. Katuwaan ay iyon nga ang tamang kataga na mailalarawan ko sa nadarama ko sa sandaling ito.

"Hi, baby." Panimula ko na pinigilan ang mga luha. Tikom ang bibig. Nanakit ang lalamunan ko dahil sa hindi makawalang hikbi. "H-How are you, Chiara? Do you still remember me?" Sinulyapan ko si Niccolo. He was there listening.

"Oo, naman po. Naalala kita ikaw iyong ka-usap ni daddy sa school."

Nginitian ko ang bata. Hindi ko maintindihan ang sarili basta na lang umalipin sa aking katinuan ang lungkot na hindi ko malaman ang dahilan.

"Alam mo ba, Miss Ava? 'Yong boses mo."

Umungol lang ako. Hindi ko na kayang bigyan ng boses ang sarili dahil alam ko na bibigay ako dapit huli.

"You sound like my mom-"

Hindi ko na pinatapos si Chiara at binigay ko kay Niccolo ang cellphone. Tumalikod ako upang ikubli ang mga luhang bumalong sa aking mga mata kung bakit ay hindi ko talaga masagot.

"Ava," pigil ni Niccolo sa likuran ko.

"I-Inaatok na ako-"

"Why are you crying?" Hindi nakaligtas sa mapanuring mga mata ng binata ang nangingislap ko na mga mata.

Inusad ko ang paa pasulong. Wala akong planong lingunin pa ang binata. "I-It is none of your business-"

Hindi ko natapos ang pangungusap. Naging mabilis ang kilos ni Niccolo na tawirin ang pagitan namin. Binalikwas niya ako at kinabig ng yakap na sobrang higpit. Kinulong niya ako sa mga bisig niya. Mainit na yakap na para bang nakauwi na ako sa inaasam-asam kong tahanan.

Kusa kong pinakawala ang mga luha ko nang madama ko ang higpit ng yakap niya.

"H-Hindi ko maintindihan? Bakit ako n-nakadama ako ng ganito. Litong-lito ang isip ko p-pati rin ang... puso ko. H-Hindi ko na alam." Humihikbing tinanggap ko ang yakap niya. Malaya kong pinakawala ang mga hinanakit ko sa bisig niya.

"I am here, sasamahan kita hanggang magbalik ang iyong alaala, Ava." Hindi niya ako pinakawalan at mas niyakap niya ako. Yakap na nakakapawi ng hinanakit.

Got Hitchedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें