chapter 9.

3.9K 137 3
                                    

Rios pov.

pagka uwi ko ay agad sumalubong sa'kin ang suntok ng halimaw kong step father



"Tito, tama na po" umiiyak na sabi ni Fiona kasama si mama na umiiyak rin



"ano tong nalaman ko na nakikipag mabutihan kana raw ulit kay Gian?" galit na galit na sabi nya



"hindi mo na nga nagawa ng maayos ang pinapagawa ko sayo" sabi nya habang naka hawak sya sa kwelyo ng damit ko



gustong-gusto ko ng patulan ang halimaw na'to, kaya lang ay baka saktan nya si mama at ng kapatid ko



"Pag na ulit pa 'to, alam mo na ang mangyayare sa mama mo at sa kapatid mo"



"Kuya" umiiyak na sabi ng kapatid ko atsaka nya ako niyakap, para akong dinudurog pag nakikita ko silang umiiyak ni mama


"Anak, pasensya kana kung walang magawa si mama" umiiyak na sabi ni mama



kahit na hindi namin sya totoong ina ay sobrang bait nya samin, noong namatay kasi ang totoong ama namin ay nag asawa ang ina namin, at ng mamatay naman ang ina namin ay nag asawa ulit ang haliw naming step father



mabuti na lang at mabait ang napangasawa nya at tinuring nya kaming parang tunay n'yang anak



dati pang ayaw ng halimaw na yun na maging kaibigan ko si Gian dahil ang mga Fernandez raw ang dahilan kung bakit nalulugi ang illegal na negosyo nya



"tahan na, ang pangit mo umiyak" sabi ko sa kapatid ko, kita ko namang sinamaan nya ako ng tingin



"K-kuya, pwede bang pilitin mo si Gian na makipag date sa'kin?" napahawak na lang ako sa bridge ng ilong ko dahil sa hiling nya



"Bakit ba gustong-gusto mo yung gagong yun?" agad naman s'yang ngumuso sa sinabi ko



tsk, hindi ko lang maintindihan kung bakit nagkaka gusto ang kapatid ko sa tarantadong yun


Giana/Gian pov.

ngayon ay naniniwala na'kong takaw gulo talaga ang kapatid ko


siguro nabugbug na ni Gian ang mga to, takot na takot ba naman e


"pwede ba Gian wag kana lang makialam dito" inis na sabi ni Troy



"Pano ba 'yan, gusto kong makialam" sabi ko atsaka ngumisi sakanya



"hindi ko kailangan ang tulong mo" napailing na lang ako sa taas ng pride nya


hindi raw kailangan ang tulong ko pero nung sinabi nya yun hindi sya maka tingin sa'kin


"Hindi naman kita gustong tulungan, gusto ko lang makisali sa gulo"


"Woah! laban na" excited na sabi ni Seb, nakita ko namang na alarma ang mga lalaki


buti naman at wala silang kahit na anong patalim, nakita kong pasugod na sa'kin ang dalawa kaya iniwasan ko yung suntok ng isa


"Tangina!" mura ko, hindi kona kasi niwasan yung suntok ng isa. punyemas ang sakit wala pa naman akong kain simula tanghalian


tinignan ko sila Seb at Troy at ang kumag pinag lalaruan ba naman nya ang kalaban nya



          

bakit ganun? ang dali lang n'yang napa bagsak ang dalawa n'yang kalaban


tinignan ko si Troy at nakita kong nahihirapan sya dahil siguro sa pagod, dagdag pang tatlo ang kalaban nya



"Putangina" mura ko ng muntik na naman akong tamaan ng suntok, narinig ko pa ang pag tawa ni Seb sa'kin


tinignan ko naman ng masama ang kaharap ko atsaka sumugod


sinuntok ulit nya'ko pero agad akong umiwas atsaka ko sya sinipa sa binti nya kaya agad s'yang napaluhod


"Bwisit ang sakit ng t'yan ko dahil sayo!" atsaka ko sinuntok ang mukha nya


agad naman s'yang napahawak sa ilong n'yang dumudugo, hindi pa man sya nakakabawi ng bigla na lang s'yang sinipa ni Seb


napailing na lang ako ng makita ko si seb na tawang-tuwa "tama na yan" awat ko dahil balak pa ata n'yang lumpuin ang kamay nito


naguguluhan naman s'yang napa tingin sa'kin "pero Giant sabi mo balian ng daliri o di kaya lumpuin ang makakalaban natin para hindi na nya tayo mabalikan?" napahawak na lang ako sa noo ko, ano ba 'tong pinag gagagawa mo Gian?


"Shit!" agad akong napatingin kay Troy at dun ko nakita na may isa pa s'yang kalaban



"TROY!" sigaw ko ng makita kong tumayo ang isa sa napa bagsak nya habang may hawak na maliit na kutsilyo

mabuti na lang at medyo malapit ako sakanya kaya bago pa man tumama sakanya ang kutsilyo ay hinarang kona


'tangina' mura ko sa isip ko ng maramdaman kong tinamaan ang balikat ko


"GIANT/GIAN!" sabay na sigaw ni Troy at Seb

'lagot ako kay uncle' sabi ko sa isip ko


"Gian ayos ka lang?" tanong ni Troy pagka lapit nila sa'kin


"Saksakin kaya kita tapos tanungin kita kung ayos ka lang?" sarcastic na sabi ni Seb


Tangina sarap pag untugin netong dalawa e


"tumigil na nga kayo" inis na sabi ko dahil kumikirot na ang sugat ko


"Bakit mo kasi sinalo?" inis na sabi ni Troy


"gago ka pala e, pag hindi sinalo yun ni Gian baka malamang patay kana ngayon" naiinis na sabi ni Seb


"tama na yan, ayos lang ako daplis lang naman" awat ko dahil baka sila na naman ang mag away


"ano bang nangyare? bakit ka nila hinahabol?" tanong ko


"wala ka ng pakialam dun" sabi ni Troy at akmang aalis na sya ng suntukin sya ni Seb


"Tangina ka pala e!" agad na lang akong napa mura ng mag palitan sila ng suntok


"PUTANGINA, ANO BANG PROBLEMA MO?!"


"TANGINA! TUMIGIL NA NGA KAYO" inis na sabi ko atsaka sila pinag hiwalay


"Tama na, tara na" atsaka ko hinila si Seb, parang gusto pa kasi nya ng round two e


"tara na muna kaya sa ospital Giant?" nag aalalang sabi ni Seb


pretending to be my brother Where stories live. Discover now