CHAPTER THREE

169 49 3
                                    

Chapter 3

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 3

 
***


Grayson pov


Hindi ko alam kung anong irereact ko dahil sa tinanong niya. Bahagya lang akong umubo at umayos nang upo. ang awkward naman nito pero kahit ganoon atleast nalaman kong alam niyang kapatid ko si ate aella. 



bahagya akong napakagat sa ibabang labi ko pinipigilan kong maging awkward ang sitwasyon namin. "So alam mo pala na ate ko si ate Aella" sabi ko sabay kagat ulit sa mangga. I feel guilty na hindi ko alam kung bakit.



Kasi siguro ako naguguilty, kasi lumaki ako na kinikilala nilang pumatay sa ate ko. at tinanggap ko naman yun dahil bakit hindi ko matatanggap kung ako naman talaga ata. tumango lang siya sa sinabi ko kung kaya't umiwas muna ako saglit nang tingin sakanya sabay sulyap ulit sakanya.



"Edi alam mo din na bakla ako?, i mean hindi naman ako ganon kabakla." Sabi ko na halos pabulong nalang.  hindi ko 'na alam kung ang sasabihin ko dahil Natatakot ako sa sagot niya. Hindi ko alam kung paano mag rereact kung makita kong mandiri siya sakin.
ngayon ko lang to naramdaman ang matakot na may mandiri sakin.



Nasanay akong mataas ang tingin sa sarili ko. Dapat kailangan kong mag lagay nang bakod dahil ayokong isang maging mahina. mahinang inaasaham nilang lahat. mahinang dapat sumuko na. mahinang hindi uunlad. 



ayokong maging mahina lalo na sa mga mata nang taong nakapaligid sakin. kapag naging mahina ako talo ako. sa mata nang karamihan lalaki pa 'rin ako na kailangan maging matatag kasi ganun ang palagi nilang nakikita. nakikita nila kung gaano kami katapang pero hindi nila nakikita na may soft hearted din na parang sa mga babae. 



hindi lang namin nilalabas dahil ayaw namin matawag na mahina. kasi sa una pa lang kami ang proprotekta sa mga taong mahal namin pero minsan iniisip ko, paano naman kaya kami? paano naman kaya kaming mga lalaki? sino ang mag proprotekta samin? 



"Oo" maikli niyang sagot na kinalamig naman nang buo kong katawan. Paano niya nagagawang sabihin iyon ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Halos kabahan na ako. Ang tagal pang dumating ni Gillian. Hindi na ako makapag hintay kaya agad na akong dahan dahan tumayo.

The Unbreakable Connection (BxB) (SOON TO BE PUBLISHED AS A BOOK)Where stories live. Discover now