Kabanata 11

134 4 7
                                    

Kabanata 11

Mimi

Kasisimula palang ng linggo pero kuhang-kuha na ni Aloysius ang inis at stress ko. Tahimik at mag-isa na nga akong kumakain doon sa sulok nitong canteen tapos tinabihan pa niya ako. Hindi ba siya makaramdam na gusto ko na mapag-isa ngayong araw na ito.

Hinayaan ko na nga kasi naisip ko na wala rin siya masyadong ka-close rito sa planta pero nakakainis kasi. Simula nang maupo siya sa harapan ko ay hindi na nawala ang tingin niya sa akin. Kanina pa siya mukhang may sasabihin pero hindi niya magawang sabihin.

Masyado bang panget si Mimi ngayong araw? Ginamit ko kasi ang bagong bili ko na eyeliner saka eyebrow liner. Mukhang nasobrahan ko yata ang kilay ko pati na rin ang lip filler ko. Pero wala naman akong choice, kailangan ko na kulayan ang mukha ko para hindi nila makilala na ako talaga si Mayumi. Tipong kahit ama ko ay hindi ako makikilala.

“Ano?” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Gusto mo ba? Kanina ka pa tingin nang tingin.” Hindi napigilan na sabi ko. “Magpagupit ka kaya ng bangs, ano? Para mas matitigan mo ako.”

Mukha na kasi siyang sadako sa sobrang haba ng bangs niya. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang hitsura nitong si Aloysius. Basta mahaba ang buhok tapos may brace ay Aloysius na agad. Bahala na ang ibang detalye ng mukha niya.

“Saan mo…nakuha ang pagkain mo?”

Sinasabi ko na nga ba. He’s judging me!

“Bakit? Nakakainsulto ka ha. Porket hindi baked chicken ang pagkain ko ngayon! Kumakain din naman ako ng masustansya.”

“Saan mo nga kinuha?” ulit niya.

“Ginawa ko. Bakit ba?”

Hindi totoo ang sinabi ko. Bakit naman ako gagawa ng ganito ka-healthy na pagkain? Biruin mo ang kinakain ko ngayon ay salad, roasted chicken breast, brown rice, watermelon, tapos banana milk.

“Ginawa mo?” tanong niya ulit.

“Alam mo. Kumain ka na lang.” Nilagay ko sa baunan niya ang watermelon.

Saka ko napansin na pareho kami ng lagayan. Wala siyang salad pero meron siyang roasted chicken breast. Weird naman. Mukhang pareho sila ng diet plan ni Clev. Ang makulit na si Clev kasi ang naghanda ng pagkain ko ngayong araw. Actually, para sa tatlong araw. Sino ba naman ako para magreklamo?

Of course, kinilig na lang ako. Siniguro ko naman na wala siyang nilagay na lason dahil pinanood ko siya na gawin ito.

“Ginawa ito ng syota ko. O, ano? Tatahimik ka na?”

Bahagya siyang ngumiti tapos hindi ko alam kung bakit natawa siya.

“Ano?”

“You don’t have a boyfriend.”

“Wow! English.” Inirapan ko siya. “Kapag ako nagkaroon ng boyfriend, who you ka sa akin! Dyan ka na nga!” Tumayo na ako tapos niligpit ang baunan ko dahil tapos na rin naman ako.

“O.” Inabot niya sa akin ang wipes. Kusa akong napangiti dahil iyon ang wipes na ginawa ko. Simple lang naman ang kaligayahan ko, tipong kapag binigyan ko ang isang tao ng bagay na pinaghirapan ko ay gagamitin nila ito o pahahalagahan.

“Uy, ginawa ko ‘yan.” Natuwa na sabi ko. “Gusto mo ba ay gawan pa kita ng ganyan?”

“Marunong ka?”

“Oo naman. Chemic—ano…” Saglit ako na nag-isip. “Natutunan ko lang ‘yan. May nagturo sa akin tapos dati akong nagbebenta ng wipes.”

“Talaga?”

CASA VALLE #2: Caught by DaybreakWhere stories live. Discover now