KANLUNGAN SA PAGTILA NG ULAN

4 0 0
                                    

Kanlungan sa Pagtila ng Ulan,

Sa pagtila ng malakas na ulan,
Ina, ako'y babalik na sayong kanlungan.
Kanlungan kung nasaan aking nakasiyahan,
Kanlungang puno ng masaya nating nakaraan.

At sa muling pagtila ng malakas na ulan,
Tumila din sakit na aking nararamdaman.
Sabik ng makabalik sa iyong kanlungan,
Sabik na kong mayakap ka at mahagkan.

Sa pagsilip ng bahaghari sa kalangitan,
Napawi ang lungkot na aking naramdaman.
Ina ikaw ang aking tahanan, aking kanlungan.
Sa bisig mo ina nakaramdam ako ng kapayapaan.

Hindi ka lang ilaw ng tahanan,
Na nagbigay ilaw sa aking daraanan.
Ikaw din ang aking paboritong bayani,
Nag-iisa minamahal kong inang tinatangi.
-
-
-
[PLAGIARISM IS A CRIME]
Isinulat ni: Grace (MissUmbra)
#TULAla

TULAlaWhere stories live. Discover now