Celeste's POV:
Ako si Aurelia Celeste Pèrez call me Celeste nalang ayokong tinawag ako na "Aurelia" parang nag mumukha akong country eh hehe "Australia" daw eh! wala namang letter "s" sa first name ko ah tsk! I'm 20 years old, my hobby is dancing tuwing ginagawa ko yon I feel better. There was a guy na kinakainisan ko all of my life his name is Eryx actually mas matanda sya sa akin ng 2 years nakakainis lang sa ugali nya ang pagiging immature!! 22 years old pero ang ugali mukhang 5 years old!! NAPAKA SPOILED BRAT nakakainis arghhh
"Kanino ka naman naiinis?" nagulat ako ng bigla syang dumating "Kanina ka pa dyan?" ani ko. "Kararating lang why?" sabi nito. "ahh" agad naman akong umalis ngunit bago pa ako umalis ay bigla nyang hinigit ang aking mga kamay at nagtama ang aming mga mata. "bakit ba?!" iritado kong sagot "where are you going?" sabi nito. "somewhere over the rainbow na wala ka!" ani ko.
"ABA! ABA! makakarating to kay mommy!! isusumbong kita Celeste!" iritadong sabi nito. "Edi isumbong mo gusto mo samahan pa kita?" sarkastikong sabi ko.
"Tskk!!" agad naman itong umalis at nagdabog na para bang batang galit na galit. "bleh!! sumbong nanay ka pala eh!!""Ma nauna si Celeste I heard she says something na "kinakaisinan" sabi nito hindi ko mapigilang tumawa dahil don "what's funny Celeste?" ani niya. "huh? kinakaisnan?" sarkastikong sabi tumawa nalang rin ang kanyang ina dahil sa kanyang asta "Mommy naman what's funny? pati ba naman ikaw?" sabi nito "Nak Eryx it's "kinakainisan" not "kinakaisinan " paliwang naman ng kanyang ina. "whatever I don't care what I'm trying to say is hindi mo ako pinaglaban against Celeste!!" iritadong sabi nito. Tumawa na lamang ang kanyang ina dahil sa kanyang kababawan kahit ako natatawa sa asta nya.
Pero parang nakakainggit din pala no ano kayang feeling ng may nanay na nag aalala sayo? Hays napapaisip ako If ever ba na nabuhay si mama, hindi ba ako mag hihirap? Hanggang ngayon ako pa rin ang sinisisi ni papa kung bakit nawala si mama dahil noong sinilang daw ako pagkalabas ko sa tummy ni mama nawalan na daw ng malay si mama at natuluyan. Hindi ko mawari kung bakit? bakit hindi man lang lumaban si mama? pero wala akong magagawa tadhana ang may gawa pero, kasalanan ko bang nabuhay ako sa mundo?
Kung hindi ba ako nabuo sa tummy ni mama, mabubuhay sya? Napapaisip ako dahil buti pa nga si Eryx kumpleto ang pamilya niya may nanay sya may tatay sya. Samantalang ako wala kahit isa, may tatay man ako pero pinagtatabuyan niya ako. Pero sa lahat ng mga pinagdadaanan ko hindi ako tumigil nandito ako nagtatrabaho, para mabuhay, para sa sarili ko, at para sa pangarap ko. Pangarap ko kasi talagang sumayaw sa mga famous na entablado like mga theater. At balang araw mangyayari iyon.
Hindi ko pa pala nakukwento sainyo kung bakit ako nandito sa bahay ng pamilya nang Martinez isa ako ditong kasambahay. Actually working student 4th year sa college sa pamamagitan ng pagiging kasambahay natutustusan ko ang mga pangangailangan ko. Simula sa mga kagamitan sa pag-aaral hanggang sa tuition na kailangang bayaran every year na mag-aaral ako. Sa ngayon nakakaya ko pa naman, mahirap pero kayang kaya ko. Dahil alam ko sa sarili ko lahat ng mga pinaghirapan ko ay masusuklian ng magandang kinabukasan.
"Celeste!" sigaw ni Mrs. Martinez "bakit po ma'am? may maitutulong po ba ako?" sabi ko. "wala naman halika na rito, kumain na tayo ng sabay sabay" ani nya "p-po?" nauutal kong sagot. "iha kumain ka na rito sabay ka na sa amin, wag kang mahiya alam mo naman na kahit kasambahay kayo dito ay tinuturing ko kayong pamilya diba?" sabi ni Mr. Martinez halos maiyak ako ng marinig ang kanilang mga sinabi sila lang ang tumanggap sakin bilang pamilya "opo sasabay na po" sabi ko. "Nanay Selya pagsaluhan na natin itong niluto mo". sabi naman ni Mrs. Martinez. "Yess naman ma'am" ani nito. Si aleng Selya ay kasambahay rin dito sa bahay nila Mr. And Mrs. Martinez actually kaming dalawa lang ang kasambahay dito dapat nga marami kami dito para masaya hehe.
Pagkatapos namin kumain ay agad ko namang inayos ang mga pinggan at ang iba pang kagamitan na aming ginamit at dinala ito sa lababo para hugasan. Ngunit habang inaayos ko ang mga ito nanatili sa hapag kainan sila Mr. And Mrs. Martinez at si Aleng Selya hindi ko alam kung bakit. Parang may gusto silang ipabatid sakin dahil sa kinikilos nila. At napatigil ako sa aking ginagawa ng tinawag ako ni Mrs. Martinez.
"Celeste?" tawag nito sa akin "yes po?" sagot ko naman
"Celeste can I have a favor?" tanong nito "sure po ano po ba yon?" sabi ko "we will have a lot to do when it comes to business right? And about that we will have a business trip I don't know kung hanggang kailan kami don I think 5 months or more? there's a possibility na hindi kami makakabalik maraming issues ngayon nangyayari sa company soI would like you to take care of my son please?" sabi nito "no problem po nandito naman po si Nanay Selya tutulungan mo naman ako diba Nanay Selya? hehe sabi ko. Ngunit natahimik lamang ito hindi ko alam kung bakit pero parang.. "Celeste" tawag sakin ni Nanay Selya "bakit po?" agad ko naman sagot "aalis na ako eh, alam mo sa edad ko ngayon kailangan ko namang mag pahinga hanggang dito lang ang kontrata ko" paliwang nito sa akin "eh pano po yon? ako lang mag isa dito?" tanong ko sakanila.
"Celeste nandyan si Eryx and I would like to say the same word to you, take care of my son". Natahimik ako sa mga sinabi nila "Mr. Martinez and Mrs. Martinez and Nanay Selya, alam nyo naman po na lagi kong nakakaway si Eryx diba? pano po? Nanay Selya sana po magbago pa isip nyo pero hindi ko rin po kayo mapipilit kung aalis na po talaga kayo". sabi ko "Celeste please take care of my son while we're having a business trip, okay?" pagpapaalala sakin ni Mrs. Martinez.
"Celeste wala akong magagawa dahil hanggang dito lang talaga ang kontrata ko gusto ko mang irenew kaso hindi pwede ayun ang nasa usapan namin ni Mr. And Mrs. Martinez kaya naman ang mapapayo ko saiyo kausapin mo lang ng kausapin yan si sir Eryx mabait na bata yan pasaway lang minsan ani nito "Makakaasa po kayo Nanay Selya, Mr. And Mrs. Martinez". sabi ko "sabi na nga ba eh salamat Celeste" pasasalamat sa akin Mr. And Mrs. Martinez. "salamat Celeste hindi kita makakalimutan" sabi naman ni Nanay Selya.
Agad namang nagpaalam si Nanay Selya at Mr. And Mrs. Martinez isasabay na nila si Nanay Selya pauwi sa kanyang probinsya habang sila Mrs. Martinez naman ay nag book na nang flight papuntang California. Hindi ko namalayan na habang sinasarado ko ang gate ay nasa harapan ko pala si Eryx.
Nagulat ako dahil sa tingin nya sa akin,
ang sama ng tingin wala naman akong ginawa ah? aalis na sana ako nang marinig ko na binanggit nya ang buong pangalan ko "Aurelia Celeste Pèrez right? ang ganda ng pangalan pero.." tiningnan ko naman ito agad ng masama ano to? nandito para mambwesit sana nagkulong nalang to sa kwarto nya nakakainis!! "why? wala pa akong sinasabi ah?" sarkastikong sabi nya "hays kawawa ka naman kailangan bantayan at alagaan mo ako ng ilang months ah? tsk grabe what If hindi na bumalik sila mom at dad? edi forever ka na ditong kasambahay?" sabay tumawa ito, sa asta nyang yan para nya akong minaliit the way na sinabi nyang "kasambahay lang" ako.Natahimik ako dahil pagod na rin ako ayoko nang makipagtalo sakanya. Hindi ako pwedeng mastress If mapagod man ako magpapahinga ako. Baka anong mangyari sakin dito eh hays inaalala ko lang naman dito ang puso ko.. ang kondisyon ko hindi pa naman malala pero wag naman sanang dumating sa puntong iyon dahil ayoko pang lisanin ang mundo. Hindi ako pwedeng maging masaya ng sobra hindi rin ako pwedeng maging malungkot ng sobra maapektuhan nito ang puso ko, baka dahil dito lumala ang kondisyon ko kaya naman kailangan ko maging aware sa mga emosyon na nilalabas ko.
Iritado pa naman ako minsan kailangan ko lang huminga ng malalim para malessen ang stress. At isa pa pala walang nakakaalam ng karamdaman ko ako lang, ayokong ipagsabi sa iba ayokong may pinagaalala akong tao. Bata palang ako ito na ang kondisyon ko kaya nga ako ipinagtatabuyan ako ng tatay ko eh, dahil sa kondisyon kong ito. Ayaw nya ng pabigat, kaya lumayo na ako.
YOU ARE READING
Last Dance
RomanceCeleste wake up!! I said gumising ka! please. NO!! CELESTE not now please!! humagulgol ito na hindi nya matanggap tanggap, napaka pait ng tadhana. TIME DEATH: 5:23 AM "I love you Celeste.."