Episode 24

89 8 2
                                    

Note: Sorry po kasi sobrang tagal kong 'di nakapag-update. At alam kong waley ang chapter na ito. Pasensya na po. Hinahanap ko pa si mood kasi eh. Hehe. Pabigyan na lang po ahh. Bawi na lang ako next time.

Dapat hindi ko pa ito ipa-publish kaso palaging dini-delete ng wattpad ang mga nasa draft ko kaya ipa-publish ko na lang para sure. Saka na ako mag-eedit ulit.

Proceed......

**************

Arah/Euphobia's POV

Labis akong nagtaka sa narinig kong tinig na kumontak sa akin. 'Yung boses niyang 'yon.

Sino ka?!

Tinanong ko siya pero matinding sakit lang ng ulo ang kapalit n'on parang hindi ko siya maaaring kontakin, parang siya lang ang dapat gumawa n'on. Gayunpaman, nakilala ko na siya nang dahil sa boses niya.

Hindi na mahalaga. 'Wag kang mag-aksaya ng oras. Hindi ko alam kung gaano katagal kitang masasamahan para tulungan pero pipilitin kong gawin. Maglalaro ka na lang ba?! Hindi ang laro ang dahilan para manalo o matapos ang lahat, mananalo ka lang kapag nakikita na'ng iyong mga mata ang katotohanan. Pansinin mo ang kapaligiran, ang kaganapan, hindi ka dapat nandiyan.

Alam kong marami pa siyang gustong sabihin pero bigla na lang naging garalgal ang dating ng tinig niya hanggang sa tuluyang nawala.

Iniisip ko kung nasaan siya at bakit niya àko kinausap? Pakiramdam ko nasa malapit lang siya, pero nagtaka ako dahil naputol ang pagsasalita niya. Batay din sa boses niya para siyang nanghihina.

Napatingin ako sa mahiwagang espiritu na kalaro ko, nakatira na pala siya. Wala akong nakikitang bakas na may kinalaman siya sa nangyari kanina. Hindi siya nakahalata. Hindi niya naramdamanan 'yon?

Napatingin ako sa itinira niya, inabante niya lang ang isang pawn at bumukas ang blackhole, iniluwa nito ang isang succubus.

Ang balak niya pala ay magpakawala ng mga kampon niya sa mundo.

Itinira ko naman ang knight, para sa isang kahilingan.

"Alisin mo ang pag-block sa akin para makausap ko sila ng maayos. Isa 'yung pandaraya." ani ko.

Nginitian niya lang ako ulit bilang tugon. Hindi ko alam kung napagbiyan na niya ang kahilingan ko. Basta gan'on lang ang naging reaksyon niya! Pagkatapos ay muli siyang tumira,

Knight.

'Yung piyesang kamukha ni Norman.

Bumukas muli ang blackhole at inilabas si Norman. Pero kakaiba na siya. Hindi na siya si Norman. Hindi ko alam kung may sapi siya, nasa ilalim ng kapangyarihan ng iba o maaaring hindi nga siya 'yon.

Hindi ko masabi. Malayo ako para alamin 'yun. Ang katawan ko hindi ko gaanong magamit ng tama parang robot na kailangan kong bigyan lagi ng utos para kumilos.

At ngayong inilabas na ulit siya...hindi ko alam kung ano na ang maaaring mangyari. Kung ano ang balak niya.

Pero hindi ako papayag. Kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi maaaring siya ang humawak ng laro.

Tama 'yung tinig na kumausap sa akin, hindi p'wedeng narito lang ako at nakikipaglaro sa kanya.

Dapat siya ang makipaglaro sa akin.

Itinira kong muli ang knight. "Power. Gusto kong ibalik mo sa akin ang kapangyarihan ko. It's unfair!"

Nakita kong kumunot ang noo niya, sa kauna-unahang pagkakataon...nilukot niya ang mukha niya? "Bakit?!" Tanong ko.

MATA² : Saving the FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon