PAGTATAPOS (PANGALAWA)

1K 32 0
                                    

ALEXSANDREA




(BEFORE THE WEDDING CEREMONY.....)




"I'm really sorry babe, I don't think I could come home today or the day after; I still have a lot of things to do."



Kausap ko ngayon sa cellphone si Goliath, maya't maya itong tumatawag para lang itanong sa'kin kung kailan ako uuwi.




Ang totoo ay panay ang videocall nito simula nung dumating ako dito sa LA. Ultimo habang nasa opisina ito at nagtatrabaho ay kausap ko pa din.



Pakiramdam ko tuloy ay para kaming teenager na first time magka - jowa.





"But you said— "
Nahinto ang sasabihin nito dahil narinig ko sa background si Kamila na sinasabing may meeting silang pupuntahan.





"Sige na, I'll talk to you later...bye."





"Bye...I miss you, uwi ka na."




SEPTEMBER 14.



Nakabilog pa ang petsang iyon sa kalendaryo sa table ko.



Wedding Anniversary namin ni Goliath.




Ngunit heto ako, ilang oras bago ang okasyon ay sinasabing hindi makakauwi sa Pilipinas tulad ng unang napag - usapan.




Lingid sa kaalaman ni Giliana ay sinadya kong sabihin ang lahat ng iyon sa kanya sapagkat may iba akong plano.




Napapangiti ako sa naiisip ko, excited na ako! Nasa kalagitnaan ako ng pag - iisip ng may tumawag sa cellphone ko.



"We've got everything ready for the occasion Ma'am."




"That's good to hear, thank you."



Naiisip ko na ang magiging reaksyon niya ay wala ng paglagyan ang tuwa sa puso ko.




Kasalukuyan akong nandito sa opisina ko sa agency para sa ilang dokumento na kailangan pag - aralan at pirmahan.




Totoo naman na may malaking project na kailangan pagtuunan ng pansin, iyon ay ang pelikula na nakatakdang pagbidahan ni Dylan Grandd.




Isa iyong malaking proyekto na inaalok sa aktor at handa nilang paglaanan ng malaking pondo.





Ako mismo ang namangha sa laki ng tiwala nila sa kaibigan ko para sa ganoong kalaking produksyon na sinang - ayunan namin dahil maganda naman ang naging pag - uusap tungkol doon.





"Ma'am Alexsandrea, we are currently on our way to the airport."




Kausap ko naman ngayon si Rodrigo, sinabi nito sa akin na lilipad ang mag - ina ko para sumunod dito sa California.




Eh di mabuti!
Maisasakatuparan ang plano.




"Okay, Thank you Rodrigo."




Napatingin ako sa orasan, kasalukuyang mahigit alas dos na ng hapon na dito kaya palagay ko ay mahigit sa ala sais ng umaga sa Pilipinas.



Crazy.




But anyway, it's a good thing that she's here, so we can get married after she arrives.




David and Goliath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon