Prologue

14 2 0
                                    

"And that's a wrap!" napahinga ako ng malalim and rolled my eyes. Inayos ko ang bangs at tiningnan ang isa sa mga assistant ko. Agad naman siyang lumapit sa akin at inabot ang mini fan ko.

"Very well done, Charlotte, and it's an honor to work with you" I smiled at the director. She's smiling widely at me and her eyes are also glilttering. Ang ganda ko naman masyado. Oww she's making my heart flutter.

"It's really an honor, direk. Because of me there's a high chance that the others will also want to work with you" napakunot ang noo niya pero hindi ko na siya pinansin at nilayasan na siya. So rude of me.

Nilahad ko ang kamay ko sa assistant, asking for my phone and mabuti na lang at naintindihan niya kaagad. Dahil kung hindi I'll fire her on the spot. Binigay niya sa akin ang phone ko at agad ko naman itong binuksan.

Umupo ako sa isang sofa at nagscroll sa Instagram. I reacted some of my friends' posts. Walang bago ganito naman ako palagi. Wala na talagang pinagbago ang buhay ko simula noong pumasok ako sa showbiz.

Nagulat ako nang may nagnotif sa phone ko. I clicked it and I smiled immediately. It was my sister. I miss her already. Ilang weeks lang naman ang bakasiyon niya pero parang ang tagal na para sa akin.

I called her and it only takes a few rings when she answered it.

"Charlotte! My sister! I missed you. I'm finally going home today and guess what?" She's so hyper today. Ganiyan ba talaga kapag nadiligan? Napailing na lang ako sa tanong ko sa isip ko.

"Ate Abegail, I missed you too. Just call me later if nakalapag na ang eroplanong sinasakyan mo at ako ang susundo sa'yo sa airport" masyadong maingay sa set dahil nililigpit na ng mga staff ang mga gamit habang ang assistant ko naman ay may hawak ng mini fan.

"Have you forgotten that I already have a husband, Charlotte, may sasakyang susundo sa amin mamaya. And one more thing, hindi mo ako tinanong ng 'what?'" may bahid ng pagtatampo ang boses niya.

"Okay, ano ba 'yun, Ate?" Sumandal ako sa upuan at pinapanood na magkanda-ugaga ang mga staff na naroon. Kinuha ko ang tablet na hawak ng staff ko and looked at the trending news today.

"We're expecting that I'm pregnant" napatigil ako at muntik nang mahulog ang tablet na hawak ko, mabuti na lang at agad na nahawakan ito ng assistant ko.

"W-what? Are you even for real?" Gulat na tanong ko. Nilahad ko sa assistant ko ang tablet at tumayo. Napahawak na lang ko sa templo ko dahil hindi ako makapaniwala na inaasahan nilang buntis siya.

It only been weeks. Nakabuo na agad sila? I heard her laugh on the other end of the phone. "Are you not happy?" Natigilan ako at napahinga ng malalim.

"Of course I'm happy, ate" wala na rin naman akong magagawa at dapat na maging masaya na lang ako dahil kasal naman na ito bago siya mabuntis. Isa pa may asawa na siya kaya dapat hindi na ako mabigla kung buntis na siya.

Nagpaalam na siya na kailangan niya nang ibaba dahil babiyahe pa sila papunta sa airport dahil nasa kabilang city raw ito. Napatingin ako sa oras tsaka naglakad na papaalis ng lugar na iyon.

Marami pa akong kailangang gawin. Sumakay na ako ng van at habang nasa biyahe ay nakatulog ako. I'm Charlotte Yves Robles, one of the rising celebrities in the showbiz industry. I'm a star. Kahit sa pinapasukan kong university ay ako rin ang naging mukha nito.

Hindi lang beauty ang meron ako, I also have brain. I'm also talented as hell. The only thing that they don't want about me is my attitude. Some said that I'm too arrogant and I'm too full of myself.

Kahit anong sabihin nila isa lang ang alam ko, ako si Charlotte Yves and I'll do everything to always stay on top. Hindi sapat sa akin ang good. I want to be the best. I don't want to be good at everything, I want to be the best and master everything.

As the Villainess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon