EJ's POV.
Nagising ako ng alas-singko nang umaga at medyo masakit pa rin ang ulo ko. Pinilit kong bumangon para dumiretso sa banyo ng guest room nila Brix.
.
Nakakahiya talaga at dito pa ako nakitulog. Mabait naman ang mga magulang niya at pinaalagaan pa ako sa yaya nito pero mas nakakahiya kung makikikain pa ako ng agahan kaya minabuti ko nang umalis ng maaga.
.
Binuklat ko ang backpack ko. Mabuti na lang at kumpleto ako kung magdala ng gamit. Mula sa kikay kit hanggang sa mga personal na gamit ay nandito. Nagbihis na rin ako ng suot kong damit nung sinundo ako ni Brix kahapon.
.
Sa sobrang taas ng lagnat ko ay hindi ko man lang pala nakuhang makapagbihis kagabi. Ni hindi pa nabubura ang make-up ko sa mata. Nagmukha na yata akong panda sa pagkakakusot ko siguro sa mga mata ko ng di sadya.
.
Inabutan ako ni Brix na papalabas ng guest room, marahil ay kakamustahin niya ang kalagayan ko.
.
"EJ, bakit aalis ka na baka mabinat ka?" Lumapit siya sa akin at sinalat ang noo ko upang pakiramdaman kung may lagnat pa ako.
.
"Okay na 'ko, Brix. Salamat sa inyo. Babalik na 'ko sa dorm, baka mapagalitan ako nila Sister Charity pag di pa ako nakabalik agad."
.
"Pero may lagnat ka pa. Kahit mag-breakfast ka na muna at saka kita ihahatid. Pupuntahan ka pa naman ni Jonas dito. Baka padating na yun." Huh? Bakit naman niya nalaman na nandito ako?
.
"Nakakahiya na, Brix. Lalo na sa mama at papa mo. Pakisabi na lang kay Jon na nauna na ako."
.
"Sige, ihahatid na kita. Just wait for me here. Magbibihis lang ako." Nanlalata akong umupo sa may sofa nila. Inayos kong muli ang mga gamit sa bag ko at binuklat ko ang cellphone ko.
.
8 missed calls
4 text messages
.
From: Misty
EJ, R u ok alrdy?
Get well soon!
Luv yah gurl!.
***
From: Alvin
Pagaling k agad.
Wag mo i-stress
ang sarili mo sa
pag-iisip kay Jon.Mahal ka nun.
;).
***From: Cyrus
EJ, gusto ko man
tanggihan ang paghatid
kay Donna sa ospital,
nakonsensya tlga ako.
Basta ikaw prin
ang gs2 nmin
para kay Jon, ok?
:D.
***From: c",) Jonas
Pls. take good care
of urself.
May aayusin lang ako
then we'll talk.
I miss you.***
.
Napangiti ako sa mga text nila maliban dun sa huli. Dahil bigla lang naghuramentado ang puso ko sa mga tinext niya sa akin.
.
Ngayon na lang kasi ulit ako nakatanggap ng text mula sa kanya, mula nang mangyari iyon. Di ko nga malaman kung magrereply ba ako o hindi muna.
BINABASA MO ANG
My Best friend's Fiancé
Teen FictionEJ had been truly, madly, deeply in love once but that only left her shattered and broken. She had never thought for true love to come ever again until she realize that she is falling in love with the same guy. It wouldn't be so hard to fall for him...