Chapter 30

43 3 0
                                    

{Day 2 - PabThena }

Pablo POV

Pagkababa ko ng hagdan ay napansin ko agad sa sala si Josh at Yna na magkausap. Lumapit ako sa kanilang dalawa.

“Josh,”pagtawag ko nga saknya, sabay silang napalingon ni Yna.

“Yes Pab?”sagot din nito

“Si Athena napansin mo ba? Wala kasi sya sa kwarto ng girls eh.”I said sabay lingon nga sa buong paligid.

“Si Athena po ba? Nasa labas po sir, nagpapahangin lang po.”

Then I smiled sa sinagot saakin ni Yna

“Thank you.”sagot ko

Agad din akong lumabas ng rest house. Inilingon ko narin ang buong paligid para hanapin sya ng mga mata ko nang mahagip ko nga sya ng tingin sa tabing dagat, nakaupo sya sa sea shore habang pinagdikit nga nya ang mga binti nya at nakatingin nga sya mula sa malayo. Bumuntong hininga ako saka ko sya nilapitan.

“Kailangan mo ba ng kausap?”, napalingon sya sa biglang pagsalita ko nga sa likuran nya then she smiled.

“Ikaw po pala sir,”sagot nya, umupo narin ako sa tabi nya at pinagdikit ko narin ang mga binti ko saka ko sya inilingon ulit.

“Bakit ka mag isa dito?”tanong ko ulit then muli syang ngumiti.

“Wala lang, nagpapahangin lang  po  ako rito saka pinagmamasdan ko ang karagatan at kalangitan. Sobrang maaliwalas ang panahon natin ngayon no? Parang walang bahid na uulan. Super blue lang talaga yung kalangitan ngayon.”sambit nya habang hindi parin maalis-alis ang ngiti saknyang mga labi. Napaidlip at napatulala nalang ako sa awra nya ngayon. Ang ganda - ganda talaga nya lalo na pag naka ngiti.

“Ang ganda ng langit no? Blueish.”dugtong pa nya habang nakatingala nga sa kalangitan.

“Oo nga, sobrang ganda.” habang titig nga sa knya, napalingon sya saakin, agad narin akong napaiwas ng tingin saknya na konwari di ko nga sya tinititigan kanina. Napatingala narin ako sa kalangitan.

“Hmm. . . What if kung idrawing natin to, gusto mo ba?”I asked

Napakurap sya agad sa sinabi ko na parang hindi yata makapaniwala.

“W-we? M-marunong kaba?”she asked

“Simpleng drawing lang naman. Di naman yung katulad nung ky Jah.”sagot ko saknya then she smiled.

“Okay.”ngiting sambit nya.

Meanwhile ....

Hawak ko na yung illustration board atsaka pencil then sinimulan ko nang mag drawing. Habang ginagawa ko nga ito ay pinagmamasdan narin ako ni Athena habang nag dadraw.

“Ikaw nalang yung mag lagay ng crayons ha... Grade 1 ka muna,”tawa ko ngang sambit saknya pero hindi sya sumagot dahil nakatulala narin sya saakin.

_________________________

*IMAGINATION OF ATHENA*

Nakasuot ng wedding gown si Athena habang si Pablo naman ay nakasuot narin ng barong na nakatayo narin sya sa harap ng altar pero walang pari at wala ding tao ang loob ng simbahan. Naglalakad ngayon si Athena papunta sa altar at hinihintay sya ni Pablo rito. May hawak din syang bouquet of flowers at inilalayan din sya ni Pablo umakyat dito.

“Mahal na mahal kita Athena”Pablo said

“Mahal din kita Pablo,”sagot din ni Athena.

___________________________

Napansin kong nakatulala si Athena saakin at parang kinikilig pa dito. Nag taka ako bigla sa naging reaction niya ngayon. Baliw na ba tong make up artist ko? Anyare dito?

CLS#1 : Falling In love With My Bias(SB19 fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon