14 years ago - Day 88

371 32 3
                                    

(Group text)

Liam:
san kayo, ro? silas? vernon? 

Liam:
kunin nyo nga magnus dito sa bahay namin haha

Liam:
mukhang tanga na to eh hahaha
baka iiyak na to kay miss masungit 

Silas:
sa court ako, nonood basketball
sinong miss masungit? 

Vernon:
jelena yun. 
amnesia ka na naman haha

Vernon:
crush mo lang ba di mo nakakalimutan? haha 

Silas:
sino ka? 

Silas:
bakit mo ko kinakausap? 

Liam:
hahahaha mukha kang tanga silas 

Silas:
hahaha nagtatanong ng obvious si vernon baho eh haha

Silas:
ano ginagawa ni magnus dyan?
nagluto si tiya? ano niluto? 
uwi na ko 

Liam:
patay gutom ka

Silas:
i-announce mo pa
kahit alam naman ng lahat hahaha 

Liam:
nagluto si mama pansit saka  palitaw
may nag-order yata sa apartment
siyempre dinagdagan na para satin 

Silas:
si mama panggabi uli mamaya eh
baka pwede magbaon sya hehe

Liam:
matik na yun 

Silas:
sige, uuwi na ko
puro maasim na mga tao rito eh hahaha

Liam:
ikaw vernon nasan ka? 

Vernon:
may practice sa choir 

Liam:
kakanta ka na naman sa simbahan?
pano kung masunog ka? hahaha 

Vernon:
sina lola kinausap ni Father Mike 

Liam:
magpa-piano ka ba? 

Vernon:
oo 

Liam:
o sige, wala ka nang pagkain

Vernon:
pahingi naman
padala na lang sa simbahan haha 

Liam:
sige. baka mamaya magalit pa si lola
pag di ka binigyan dyan 

Vernon:
magagalit talaga yun
lalo na kapag nagsumbong ako 

Liam:
tanga ka hahaha

Vernon:
takot ka hahaha 

Magnus:
wag nyo gagayahin si liam
na tinatawag na masungit si jelena
mabait si jelena

Silas:
sipag naman magpaliwanag ni par hahaha 

Silas:
parang di ka pinaasa sa text ah 

Liam:
naghihintay pa to ng text eh hahaha

Liam: 
sabi ko batiin nya ng happy manila day 

Silas:
tapos na yun nung june pa siraulo ka hahahaha 

Vernon:
quezon city day, baka pwede pa belated hahaha

Magnus:
kailan ba yun? 

Vernon:
hahahaha malala ka na 

Silas:
papatol nga yata hahahah

Vernon:
august 19 ang qc day

Liam:
september na tanga hahaha 

Vernon:
kaya nga belated hahaha 

Liam:
balitaan ko kayo kapag nag-text tong siraulo na to hahaha 

Silas:
wag ka nang mahiya, magnus boy
batiin mo qc day kahit hindi taga-qc hahaha 

Vernon:
tama, batiin mo
kaysa naghihintay ka sa wala 

Liam:
tatag nito eh
ilang buwan na naghihintay ng text hahaha 

Silas:
hindi ba laging kasama ni jelena
yung isang lalaki na kaklase yata nila? 

Silas:
sabi nina carlo nung nakaraan eh 

Vernon:
nakikita ko sila minsan pag nasa faculty ako 
laging silang dalawa inuutusan ng teacher nila

Vernon:
dennis yata pangalan nung lalaki 

Magnus:
yung matangkad ba yan na nagba-basketball?

Vernon:
oo
yung laging nakasumbrero 

Magnus:
pangit naman nun ah 
mukhang maputing bumbay na walang pera 

Liam:
hahahahahaha. putangina 
matindi talaga kapag may selos na pinaghuhugutan haha

Vernon:
dagdagan mo pa sana lait hahaha 

Silas:
sabihin mo na ring mukhang libag 

Liam:
mukhang makinis na betlog hahaha 

Vernon:
anak ni Chucky hahahaha

Liam:
hahahahaha 
wala ka ba aambag, ro?  

Magnus:
tulog siguro to si ro. sabado e.  

Silas:
babatiin mo na ba si jelena?
baka pwede mamaya na pag nandyan na ko
makikihintay ako kung magre-reply hahaha 

Magnus:
hindi. siraulo ka. baka busy yun sa lola nya
dahil sabado. maistorbo pa. 

Silas:
eh di istorbohin mo hahaha 

Magnus:
siraulo haha 

Vernon:
bili ka na lang barbecue dun sa malapit sa kanila
may bagong bukas eh. papogi ka run. 

Silas:
maligo ka muna bago ka bumili hahaha

Liam:
maliligo tapos magpapausok sa barbecue. hahaha  

Magnus:
bibili pa ko barbecue,
baka wala naman dun si jelena. 
parang di naman lumalabas yun. 

Silas:
panggastos muna unang dapat iniisip mo boy haha

Magnus:
hahahaha

Vernon:
uubos ba yan ng pera para makasilip lang? haha 

Magnus:
mga tanga. ayoko na. 

Magnus:
punta ka na rito silas para may makain ka pa 

Silas:
oo. kukuha lang muna ako ng lagayan na malaki sa bahay. 

Liam:
wala kang maiiuwing marami, tanga. hahaha.  



Hashtag Boys Series 3: #TeaTime (Magnus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon