Chapter 24

96 1 0
                                    

A week passed since that incident. Hindi na nga yata kami magiging ayos ni Liam. Bawat pagdaan ng araw ay mas pinapahirapan ako dahil mas bumibigat.

Ngayon lang kasi ako nagmahal. Kaya hindi ko alam kung paano ang gagawin kapag nasasaktan. Hindi ko alam kung paano magiging ayos pa kaming dalawa.

Bukod doon, hindi naman palaging iisa lang ang problema.

"Tagal naman magpadala n'yang tatay mo. Ano, nagsasawa na siya? Tigas ng mukha." ani ni mama habang nakain. Tahimik lang ako dahil narito si tito Nes. Ayaw ko siyang sagutin muli.

"Tawagan mo nga at sabihin mo, dalawang buwan na siyang walang padala! Ni hindi ako makapagbayad ng kuryente. Sa susunod na linggo, malalagutan na tayo."

Parang nawalan ako ng gana kumain. Hindi ko masikmura ang ginagawa nila kay papa. Ang padala ni papa galing sa paghihirap niyang magtrabaho, kay mama napupunta. Ang pera ni tito Nes, kaniya lang, wala kay mama. Minsan, nakikisalo pa siya sa padala ng papa ko.

"Irish, sabihin mo naman sa papa mo dagdagan ang padala. Sabihin mo college ka na, gasino na lang ang dalawang lapad sa isang buwan." pagkukumbinsi ni tito Nes.

I kept myself from speaking. Baka makapagsabi lang ako ng masasakit na salita. Ayaw kong makagawa na naman ng gulo dahil marami pa akong sasagutang assignments mamaya.

"Kahit 30k kamo, nak. Hindi na kami makabayad ng utang."

"Utang?" I suddenly raised my brow. "Bakit ka may utang?"

Nagkatinginan ang dalawa. Mukhang nadulas si mama dahil pasimple siyang pinandilatan ni tito Nes, pero hindi iyon nakalagpas sa paningin ko.

"Bakit ka may utang, mama?" ulit ko.

"'Wag mo nang isipin iyon. Hindi importante 'yon." may bahid ng inis na sabi ni tito Nes. Pero bakit naman kami magkakautang? Sobra-sobra kaya ang padala ni papa!

"May hindi po ba kayo sinasabi sa'kin?"

"Wala nga 'yon! Kulit eh."

"Nes...dapat naman siguro malaman ni Irish."

"Para saan pa?" bulyaw nito kay mama.

"Dahil anak niya ako? At galing sa tatay ko ang perang winawaldas niyo?" hindi ko na mapigilan ang magsalita. Nangingilid ang luha ko.

"Bastos kang babae ka!" tumayo si tito Nes at dinuro-duro ako. "Anong winawaldas?! Wala kang galang ah!"

"Nes, tama na!"

"Hindi po ba?! Sabihin niyo nga sa'kin, saan napupunta ang 20k na padala kada buwan kung 2k lang ang kuryente at nakikihati pa ako?!" hindi ko na mapigilan ang umiyak.

Why does it feel so unfair?! Ngayon, ako pa ang masama? Ako pa ang bastos at walang galang?

"Pagsabihan mo 'tong anak mo, Shey. Baka di ko matantya 'yan." pinanlisikan ako ng tingin ni tito Nes. Nang aluin siya ni mama ay tinulak niya lang ito at nilayasan niya kaming dalawa.

Napatungo ako sa inis at galit. Pero nang akala kong kakampihan ako ni mama, isang malakas na sampal lang naman ang natanggap ko.

Masakit.

Sa puso.

Masakit.

Sa pisngi.

"Anong karapatan mong bastusin kami, ha?"

"M-ma?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Wala ka nang galang, Irish. Wala ka nang respeto! Akala mo ang taas-taas mo na porket nakikihati ka sa kuryente. Akala mo ang galing-galing mo porket nag-aaral ka!"

          

I gave her a puzzled look. Bakit ganito? Bakit ako pa rin ang masama?

"Ma, bakit ka gan'yan magsalita?" ramdam ko ang panginginig ng labi ko. "Bakit mas kinakampihan mo siya? Ma, ako 'yung anak mo.."

"Dadramahan mo pa ako, eh! Parang tanga!"

Hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng mga luha sa mukha ko. Ang sakit...ang sakit-sakit.

"Sabihin mo na lang kung saan mo ginagastos ang pera, ma..sobra-sobra na ang nakukuha niyo kay papa. Minsanang hindi makapagpadala, sinasabihan niyo ng masama." nangingiyak kong saad.

"Pinapaaral namin ang anak ng tito Nes mo. Sa tuition niya napupunta ang pera."

Halos malaglag ang panga ko. At proud pa siya roon?!

Para akong tinusok nang paulit-ulit. Pakiramdam ko nanlamig ako at namatay ang puso ko. The way she said it, felt like a huge bomb that crashed me.

"P-pinapaaral niyo...gamit ang pera ng papa ko...na dapat para sa'kin?" hindi ako makatingin nang maayos dahil sobrang labo na ng mata ko.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? May scholar ka, Irish! Maswerte ka at matalino ka. Iyong anak niya, hindi! Kailangan i-private dahil hindi natanggap sa state university! Ano, pagdadamutan mo? Pera lang 'yon! Hindi kita pinalaking madamot!"

Hindi ako makapaniwala. Na nagagawa niyang sabihin ito sa akin. Ang sakit. Tangina! Ang sakit!

Pera lang 'yon?

Ang perang 'yon ay galing sa paghihirap ng papa ko para mapag-aral ako at mabigyan ng magandang buhay! Ang perang iyon na pinagkait niya ang dahilan kung bakit kailangan kong magtrabaho kahit nag-aaral ako. Kung bakit kailangan kong tipirin ang sarili ko sa mga masasarap na pagkain at magagandang damit.

Ang perang iyon ang para sa akin. Ang perang iyon ay pera ko, na sa iba niya binibigay. Sa hindi niya anak!

"Hindi na kita kilala, ma." mapait kong sambit. But I shook my head, "Mali pala. Hindi pala kita talaga nakilala."

Masakit ang puso kong umalis sa bahay na 'yon. Panay ang pag-iyak ko. Hindi ko alam kung kanino tatakbo. Hindi ko alam kung kanino ilalabas ang sakit na nararamdaman ko.

Now, who will be there for me when I couldn't handle myself? Who will be there for me when I'm shattered into pieces? When I needed help?

Julie hates me.

Geah and I will never be okay.

Andrea is busy.

And Liam...he's already been through a lot.

I don't wanna burden them.

Wala akong mapagsabihan. Pakiramdam ko magiging pabigat lang ako kung sasabihan ko sila ng problema, gayong marami na rin silang problema.

No choice na naman ako. Kahit sabado ay pumunta ako sa school. Tumulong ako sa guidance nang namamaga ang mga mata ko. Pakiramdam ko napansin iyon ni miss Merly. Kanina pa kasi siya nakatingin sa akin habang sumisingot-singhot ako.

"Are you okay, Irish?" nag-aalala nitong tanong.

I forced a smile, "May sipon lang po."

"May sipon din sa mata mo?"

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Kung biro ba iyon o seryosong tanong. But I just shook my head at her. "Wala lang po 'to."

"You know that we're your family, right? And a healer needs someone to heal them to. Nararamdaman kita, Irish."

Bumagsak ang paningin ko. Mas lalo lang akong naiiyak.

"Do you want to talk about it?"

"May...may bayad po ba 'to?"

To Be Loved By A DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon