Sino ba ako?

44 2 3
                                    

Kahit wala namang nagtatanong, ako nga pala si Gen, isa akong artist.

Bata pa lang ako mahilig na ako mag-drawing at lagi akong pinupuri ni nanay t'wing pinapakita ko sa kaniya drawing ko.

Pati mga kaklase ko noong elem, sa akin nagpapa-drawing kapag hindi nila kaya. Minsan nga, sa blackboard, ako rin ang tinatawag nila para mag-drawing. Nakakatuwa lang dahil iyon ang unang bagay na iniisip kong strength ko among the others.

Dala ko 'to hanggang highschool, kung saan mas marami akong nakilala.

Hindi naman ako mahilig sumali sa mga contest no'n dahil bukod sa hindi ko alam kung paano sumali, wala rin akong pambili ng artmats (Art Materials) para magamit sa mga pa-contest sa school.

Mahirap lang kasi kami, kahit nga baon—kapos ako eh, minsan, hindi ko na ginagastos yong sampong piso na bigay ni Tatay (or Papa, he's my Step-Father) para may pambili lang ako ng pang-assignment ko o minsan, pang piso-net para makapag-search.

Hirap din, wala namang mga selpon mga tao sa bahay.

Napag-iiwanan sa technology ang tahanan namin, literal. Tanging ang radyo lang ni tatay at 'yong flashlight niyang de-charge ang meron kami.

Wala nga rin pala kaming koryente noon, kaya oo, sa kapit-bahay kami nakiki-charge, at s'yempre, nakikinood rin.

Naalala ko no'n, wala naman kasing laruan sa bahay at palibhasa bata kaya madalas akong na sa ibang bahay para makinood ng paborito kong Cartoons.

Nakaka-miss h'ano?

Mga panahong laro lang at yong crush ko sa school ang naiisip ko. May problema rin naman ako nung bata ako, problemado ako pano tatakas kay tatay kapag nagpapahilot siya ng likod niya, nakaka-bored kasi maghilot hanggang sa makatulog siya.

Problemado rin ako pano ko makakabili ng ice-candy sa tindahan nila Aling Gomez, piso isa lang naman 'yon pero kasi pahirapan 'yong piso noon.

Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit nasubukan ko rin dati rumaket para lang magkaroon ng barya.

Nasubukan kong magbakal-bote, haha, kahit nakakahiya. Nasubukan ko ring magbunot ng mga damo sa garden ng kapitbahay naming mayaman.

Naiinggit nga ako non sa kanila eh, yong anak nila, pumapasok sa school, malinis at plansado ang uniform, naka-car pa, at siguro ay nasa 100 mahilig pa ang baon.

Pero ganon talaga, sabi nga ni nanay, "Nak, hindi ka dapat mainggit sa kung ano ang meron sila, ang mahalaga, mas may natutunan ka."

Napatango lang ako no'n kay Nanay kahit hindi ko naman talaga naiintindihan. Bakit kapag ba anak ako ng mayaman wala akong matutunan?

That question hasn't answered yet, not until I came into this phase, the adulting age.

Naiintindihan ko kahit papaano na kahit papaano, advantage ko rin pala na lumaki ako sa hirap, at least, hindi ako magiinarte kung sakali mang sardinas lang ang ulam, o tuyo, o minsan, asin (with sili, minsan may mantika pa).

Mas okay rin pala na sa ganitong set-up ako namulat, broken family, with financial crisis.

Dati nga akala ko pera lang ang problema sa pamilya namin, pero habang nagkakaisip ako, hindi lang pala 'yon ang issue sa'min, pati pala family relationship, lately ko lang na realize na hindi pala normal ang nagmumurahan na mga magulang dahil sa problema sa utang, hindi pala normal yong pagbabalingan mo ng bigat ng problema mo yong anak mo, hindi pala normal yong salitang "Wala kang kwenta!"

Hindi pala normal yong culture sa family namin, maybe that's the reason kung bakit gusto ko ng pagbabago sa family ko.

Kaso, paano ko naman babaguhin, hindi rin naman sila makikinig, sino ba ako sa kanila?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diary ni Genesis Where stories live. Discover now