The Flying Paper
Written by Kymshie
Flight 1*
Her Side.
Paper Airplane? Sino naman kaya ang magpapalipad nito? At sa mall pa ah! Kung buksan ko kaya? Malay mo may nakasulat! Hahaha.
“EH??” Pano ba naman kasi ito yung nakasulat
“ Jasha,
Isang beses lang naman kitang minahal, pagkatapos nun hindi na natapos.”
Sino naman kaya to? May pangalan ko pa ha, baka naman may nangloloko lang, pero hindi eh. May pangalan ko eh. Sino kaya yung nagpalipad nito? Sabi ko sa sarili ko habang nakakunot ang noo ko.
“Oy Ja, ano yan? Paper airplane? Naglalaro ka pa niyan? Hahaha! Sa tanda mong yan? Hahaha, pero okay lang maliit ka naman eh di halatang—Aray” Di ko na siya pinatapos magsalita, binatukan ko nalang. Sus, pag kasama ko talaga tong ugok na ‘to puro lait lang nakukuha ko.
“Di ako maliit! Matangkad ka lang talaga, psh! At di ako naglalaro ng paper airplane! Napulot ko lang to. Hmp”
“Napulot? Sa mall lokohin mo height mo. Liit liit hahaha!” Hinayaan ko nalang siyang asarin ako, ano pa bang magagawa ko? Eh lagi akong talo pagdating sa lalaking ito. Nilagay ko nalang sa bag ko yung paper airplane. Hinila niya ako palapit sakanya at inakbayan niya ko habang naglalakad kami palabas ng mall.
*Kinabukasan, sa school*
"Friend Friend Friend" sigaw ng kaibigan ko si Fay. Ewan ko ba, kahit parehas ko silang bestfriend ni Jehd eh hindi sila close.
"Oh bakit? anong kailangan mo?"
"Ito namang si Bestfriend ang galing talaga! Pano mo nalaman na may kailangan ako saiyo?"
"Wala lang uh.. wild guess? Haha, ano bang kailangan mo?"
"Samahan mo naman ako sa gym, panuorin natin yung try outs andun kasi si Vnze eh, Hehehe"Kinikilig niyang sagot sakin.
"Eeehhh! Fay, alam mo namang hindi ko hilig manuod ng B-ball eh!"
"Naman friend, sige na! Nandun din naman si Jehd mo eh! Ayie!"
"Di ko Jehd yun noh!"
"Hindi daw! Pero pagmagkasama kayo, parang may iba saiyo. Hm, pakiramdam ko din may gusto yun saiyo! Yihie!" Pagkasabi niya nun hindi ko alam pero parang umakyat ata lahat ng dugo ko sa pisngi ko at pakiramdam ko eh pulang pula na ako.
"Ui si bessy nagb-blush!" Pahabol niyang sabi sa akin.
"O-o-oyy! Hindi no, mainit lang talaga dito. Hehehe" Pinilit ko nalang tumawa, ang awkward kasi.
"Sige sabi mo eh!" Sabi niya sakin habang naka evil grin. Nako ayoko tong facial expression na to ni bessy! Ganito siya pag may binabalak siyang masama eh!
"Alam mo friend pakiramdam ko, meron siyang gusto saiyo. Ayee! Pag magkatabi kayo para kayong si Edward Cullen, may spark! Hahaha." Nako, baliw talaga itong babaeng to. "Try kaya natin siyang pagselosin para malaman natin kung may gusto siya saiyo!" sabi pa niya habang tumatawa.
"Hai, nako Best. Tumigil ka na nga dyan! Sasamahan nalang kita sa Gym."
"Yehey!" Masaya niyang sabi, sabay yakap sakin. "Kailangan ka pa palang pakiligin para pumayag ka eh, pero ui totoo yung plano ko. Kahit ayaw mo, itutuloy ko pa din! Mag ma-match make ako! Ako si Fairy-goddesbestfriend" sabi sainyo baliw to eh.
"Goddes bestfriend? Hahaha, Tumigil ka na nga, tara na."
"Hm, okay!"
*At the Gym*
"GO NUMBER TEN! I LOVE YOU!"
"TEN WAHHH! YOU'RE SO GWAPO FOREVER TALAGA!"
"TEN! PAKASALAN MO KO! MARRY ME!"
Pagpasok palang namin puro sigawan at hiyawan ka agad ang narinig namin. Try outs palang pero ang dami ng tao! Pano kaya kung game na talaga!
"Ui" Kalabit sa kin ni Fay.
"Mhm?"
"Daming nag ch-cheer sa Jehd mo oh! Di ka ba nagseselos?"
"Bakit naman ako magseselos? Baliw ka talaga hanap na nga tayo ng upuan."
Sawakas! nakahanap na din kami ng upuan! So yun, nanuod lang kami. Pero itong si bestfriend naman eh sigaw ng sigaw! Panay cheer kay Vnze niya! Nakakarindi! Nung medyo na bored na ako binuksan ko na yung phone kong hindi ko pa ino-on simula kagabi. Pinatay ko kasi siya eh, ang kulit kasi ni Jehd tawag ng tawag. Naglaro nalang ako ng kung ano anong pwede kong malaro dun hanggang sa naramdaman ko na may palapit sa akin.
"Hello" sabi niya, at ngumiti pa killer smile! Infairness kahit puro siya pawis eh gwapo pa din siya! Isa din siguro to sa mga nag try out.
"Hello, uhm tapos na yung try outs?" tanong ko sakanya. Habang siya naman ay umupo dun sa tabi ko.
"Ah haha oo."
"Oh my gosh this is really is it!" Narinig kong sigaw ni Bessy.
Nagtaka naman ako kay Fay at bigla akong napatingin sakanya. Pagkaharap ko sa kanya eh tinuro niya yung harap at nung tumingin ako, nakita ko si Jehd. Wow! Kahit hot at gwapo tong kausap ko eh iba pa din talaga si Jehd! Nung nakalapit siya samin bigla niya akong hinila sa kanya at sabay sabing
"Sino yang kausap mo? Ilang oras lang tayong hindi nagkita pinagpalit mo na kaagad ako."Ugok talaga ito kung ano ano ang sinasabi. Tumingin ako kay Fay at nakita ko siyang naka smirk sabay sabing
"Told yah!" sinabayan pa ng kindat
______________________________________________________
A/N: I deleted the original one and decided to make it a short story. I made this short story 8 months ago (before I started writing Chasing Miss Perfect) but I’m too lazy to post it that time, lol.
This story is a work of fiction. Any reference to real people or events are used fictitiously. Other Names, incidents, places, etc are only the product of the author’s imagination. And any resemblance to actual events or person is coincidental