KABANATA III

1 0 0
                                    

@skyl_altarejos requested to follow you.

Pangalawang araw na ng Athletic Meet ngayon. Hindi ko din alam kung bakit napapadpad sa IG ko ang goal keeper ng Falcon University. Naka private ang aking IG dahil ayokong may nakakakita ng mga pinopost ko bukod sa mga kaibigan ko, sino ba naman sila para makita mga pinopost ko. Ayoko din na makita ng mga babaeng nag kakagusto kay Xavi ang mga pinopost ko baka akalain na may kami ni Xavi. Dami din kasing nag tatanong sakin kung nanliligaw daw ba sakin si Xavi o kami na daw ba.

"Lods!!" rinig kong sigaw nang isang lalaki sa may gilid ko. Agad ko naman itong nilingon para malaman kung sino ang tinatawag nito. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang goal keep ng Falcon University na nag lakad takbo papunta sa gawi ko. "Pasaan ka lods?" tanong naman nito nang makalapit na sakin

"Sa Moon" simpleng sagot dahil hindi ko naman siya ka close para sabihin kung saan ako pupunta. Sa totoo neto ay hinahanap ko si Xavier dahil nasa kanya ang aking camera. Kailangan ko kasi ngayon ang camera pang journalism. Isa din kasi ako sa tumutulong sa mga newspaper na nilalabas ng school. Ako ang pinag gagawa ng narrative at minsan ay sakin din nakuha ng mga pictures na gagamitin. Hindi ako ang naka assign sa Sports Journalism kung hindi sa mga Academic Contest na ginaganap sa school din namin.

"Hala grabe Akeisha, Sama mo naman ako sa Moon" sabi naman ng goalkeeper ng Falcon University. Wala na sigurong magawa ang tao nato kaya ako ang ginugulo. Hindi ko mahanap sila Xavi ang huling sabi sakin ay nasa field daw nung dumating ako sa field ay wala naman, nakasalubong ko tuloy ang goalkeeper ng Falcon University. Hindi ko na ito pinansin at pinag patuloy ang pag cchat kila Xavi kahit saang gc ay pinag memention kona si Xavi at mga kasama niya. Hindi man lang ako nireplyan o sineseen.

"Lods! Pa followback o kaya kahit pa approve lang follow request" sabi naman ng Goal Keep ng falcon University. Sino ba naman siya para ifollowback ko. Grabe na talaga. Hindi naman ako basta basta nag approve nang follow request lalo na at kalaban nila Xavi. Saan kaya nalaman ng Goal keep ng Fal U ang IG ko, panigurado namang hindi kay Xavi dahil sa pag kakaalam ko ay hindi nag ffollow si Xavi ng mga taga ibang school na kalaban nila sa Football.

"Stalker"

"Hala lumabas lang naman sa suggested eh! Instant Liker moko pagnagkataon" sabi nang goalkeeper ng Fal U. Hindi ko matandaan ang pangalan nito kahit kahapon lang ata sinabi.

"Close tayo?"

"Pwede naman akong makipagkaibigan diba? Masama na ba ngayon makipagkaibigan?" tanong naman ng Goal Keep ng Fal U. Paano ako makikipagkaibigan kung hindi ko nga matandaan ang pangalan ng Goalkeep nare. Wala naman akong pakialam kung makipagkaibigan sa mga taga ibang school ang problema lang ay kalaban nila Xavi ang nakikipagkaibigan na ito. Malay ko bang kung sinisiraan ako ng mga nakalaban ko sa debate sa mga kasamahan niya

"I don't mind naman" simpleng sabi ko. Alam naman ng lahat dito sa Areneo na madali akong makipagkaibigan. Siguro dahil na din lagi kong kasama si Xavier kung saan lagi ko din naman nakikita kung paano nakikipag kaibigan at maraming kaibigan kung saan saan. Ayaw din akong lubayan ni Xavier simula palang bata kami ay lagi na kaming magkasama dahil ang nanay ni Xavier ay bestfriend ng Mommy ko. Lagi din kasi akong kasama sa mga gala ng mag kakaibigan nila Xavier

"Saan nga punta mo Akeisha, samahan na kita, wala pa naman akong laro"

"Hinahanap ko kaibigan ko" sabi ko dito at chinat uli si Xavier. Nag reply naman ito na mamaya nalang daw niya ibabalik dahil ginagamit pa niya ang camera. Ilalagay nalang daw muna niya sa kotse niya kapag hindi agad ako nakita.

"Hindi ba kasama mga kateam niya?" tanong naman ng Goalkeep ng Fal U. Wala na akong magagawa dito mukhang hindi ako nito lulubayan kaya hahayaan ko nalang munang sumama ito sakin. Kahit anong lakad ko kasunod ko e

Pinaglaruan ng TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon