Kabanata 2 : Ibang Mundo

2 1 0
                                    

Pagka pasok ko sa bahay ay dali dali kong nilock ang gate at ang main door namin mahirap na baka makapasok dito yung multo.

Pero naalala ko, tumatagos pala sila huhuhu.

Kaya dali dali na akong umakyat sa kwarto ko at nilock din ang pinto, nadatnan kong naka patay na lahat ng ilaw dito sa loob ng bahay kaya alam kong mahimbing na  tutulog si mama. sanaol

Binaba ko ang bag ko sa kama sabay napasalampak sa higaan ko.

Anong ang nangyari kanina? Bakit naman ganon?  biglang naglaho si lola .

Naalala ko yung binigay niyang salamin kaya tinignan ko sa loob ng bag ko kung nandito pa. 

Pagtingin ko sa bag ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil nandito pa rin ang salamin at naka balot ito ng pulang panyo. Akala ko natapon ko na sa sobrang takot.

Kinuha ko ito at binuksan ko ito at wow ang ganda ko talaga. shems

Tama naman yung mukha ko sa repleksiyon ng salamin hehe ang ganda lang. Syempre magtaka kana lang kapag iba ang nakita mong repleksiyon mo sa salamin , na kapag mukha na ni Balmond ang nakita mo

Tinignan ko ang likod ng Salamin at may nakasulat doon na Made in China.

Charot!


May nakasulat dito na naka Italic “Jeju Palace” 

Huh? saan namang lupalop ng mundo 'to? ” kinuha ko ang cellphone ko para i search ang Jeju Palace kasi bago ito sa pandinig ko.

Pagka open ko sa chrome  ay “No Internet Connection” ang bumungad. Powtek ubos na pala load ko


Next time talaga , pag  nakaluwag luwag na kami ni mama bibili na 'ko ng WiFi.

Madamot kasi kapitbahay namin sinabi kong magbabayad ako ng half sa binabayaran nilang WiFi pero ayaw nila kesyo daw babagal ang internet nila pag naki konek kami.

Sus dadalawa lang naman kami ni mama, tapos hindi naman ako palagi nandito sa bahay hindi ko din naman magagamit sa umaga kasi may trabaho ako, sa gabi lang talaga pero wala e madamot sila,  edi sa kanila na yang WiFi nila lunukin niyo saksak niyo sa balunbalunan niyo.

Naligo na 'ko at iniwan ang salamin sa taas ng kama ko.


1 century later.

Tapos na din ako maligo hays ang sarap sa feeling mabango na ulit kiffy ko.

Habang pinupunasan ko ang basa kong buhok ng tuwalya ay may biglang kuminang.


“ lah hoy ano yun?  ” napansin ko ang salamin


“Ikaw ba ang kuminang? ” as if naman na sasagot 'to pag kinausap ko


“Ano ba talaga ang meron sayo? your giving me a goosebumps” ay wow english yarn


May bigla namang pumasok sa isip ko

idikit mo lang ito sa likod ng pintuan at sabihin ang katagang "anoigo'' at makikita mo diyan ang hinahanap mo ” naalala kong sinabi ni lola  kanina bago siya maglaho
 

Ang Mahiwagang SalaminWhere stories live. Discover now