I don't know what to do, ni hindi ko magalaw ang katawan ko ngayong nandito siya sa harap ko. Paano niya nalaman na nandito ako? Anong ginagawa niya rito? Hindi ba masaya na siya sa piling ni Helena? Kaya, bakit nandito pa siya?
"Anong gina- ginagawa mo rito?" Nauutal ko na tanong sa kanya.
He looked at me, he smirked.
"Let's go, Krizha--" Akmang hahawakan ako ni Stanley sa kamay ng biglang lumapit sa amin si Xavier. Akala ko ako mismo ang lalapitan niya, ngunit laking gulat ko nang lumapit siya kay Stanley, sabay suntok niya rito. Na dahilan ng pagtalsik ni Stan sa lupa. Agad- agad kong pinigilan si Xavier nang mapansin ko na hihirit pa siya ng isang suntok.
"Stop-- Wag kang mag eskandalo rito, Xavier!" I said.
He looked at me. Agad niya akong hinila palayo kay Stanley.
"Saan tayo pupunta?" I asked.
Pumasok kaming dalawa sa sasakyan niya, pero imbis sagutin ang tanong ko, walang pagdalawang- isip na binilisan niya ang pagmamaneho niya hanggang makarating kami sa isang tahimik na lugar.
Inihinto niya ang sasakyan niya, sabay baba niya rito. At, dahil alam kong kailangan namin mag- usap dalawa, no choice ako kundi ang sumunod sa kanya.
I sighed.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka dapat nandito---"
"Para ano? Para tuluyan ka ng maagaw sa akin nang kung sino?" Putol niya sa sasabihin ko.
I looked at him.
May kung ano akong nababasa sa mga mata niya, mga hindi ko alam kung para saan.
Simula noong araw na mag desisyon akong umalis ng Pilipinas, sigurado na akong ayaw ko na makita pa siya. Pero, ngayong nandito na siya sa harap ko parang ang sarap na lang umiyak nang umiyak.
Hilaw akong natawa dahil sa sinabi niya. Lihim kong hiniling na sana matapos na 'tong pag- iyak ko, dahil sa mga tao sa paligid ko. Ngunit, mukhang kailangan ko ulit umiyak ngayon, sana naman huli na 'to.
Nagtaas ako ng isang kilay. "Really? Maagaw ako? Nagpapatawa ka ba? Kung ganoon hindi nakakatawa Xavier! May gana ka pa na sabihin sa akin yan after I saw you kissing your ex? Really?" Naiiyak na sagot ko sa sinabi niya.
His jaw clenched. "Hinayaan mo sana ako magpaliwanag Krizha, edi, edi sana----"
Umiling- iling ako. "No need for that, anong point? Para saan pa? Hindi rin naman ako gusto ng Tatay mo para sa'yo" sagot ko sa kanya.
The the truth, mahirap tanggapin, pero yon ang totoo. Mahirap pero kailangan tanggapin na baka nga, hindi, hindi talaga para kami ang para sa isa't- isa.
"That's why? Hahayaan mo na lang na ibang tao ang maging Ama ng anak ko? Ganoon ba?!" Sigaw niya na ikinabigla ko.
Nanlaki ang mata ko. Gulat akong tumitig sa kanya.
Paano niya nalaman ang tungkol sa pagbubuntis ko? Sinabi na ni Xander sa kanya?
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Wala akong balak gawin yon, hindi porket gusto nila na ikasal kami ni Stanley, siya na ang magiging tatay ng anak ko. Kaya kong buhayin ang anak ko------"
"That's bullshit, Krizha!" Putol ni Xavier sa sasabihin ko. Sa galit na boses, alam kong galit siya at aamimin ko natatakot ako sa kanya ngayon, ngunit kailan kong lumaban, kailangan ko 'tong labanan para sa magiging anak ko.
"Walang magiging tatay ng anak natin, kundi ako lang Krizha! Ako ang kasama mo noong ginagawa ang batang yan, hindi siya. Kaya walang karapatan ang kung sino man na maging Ama niya maliban sa akin"
Umiling- iling ako. Unti- unting tumutulo ang luha sa dalawang mata ko.
"No, hindi na ako babalik sa lugar na yon, hindi na ako babalik sa'yo Xavier. Yes ikaw ang Ama ng anak ko, pero kahit ganoon, wala na akong balak bumalik sa buhay mo, pakiusap Xavier, tigilan mo na ako, tigilan niyo na ako ng pamilya mo. Nakakapagod na kayo! Ayaw ko na!" Hagulhol ko sa harap niya.
Akmang lalapit siya sa akin, ng dali- dali akong umatras palayo sa kanya.
"Kung totoong nagmamalasakit ka sa anak ko, umalis kana, wag kana bumalik pa, dahil kahit anong gawin mo Xavier, hinding- hindi na ako babalik pa sa'yo, ayaw ko na" dagdag ko pa na dahilan ng pagtahimik niya.
Akala ko aalis na siya, akala ko, ngunit laking gulat ko ng muli siyang nagsalita na siyang ikinagulat ko.
Kitang- kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Seryoso siyang tumitig sa akin. Hilaw siyang natawa habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
"I'm not your slave love, hindi kita Boss para sabihin sa akin ang dapat gawin ko. I'm here because of you, and for our unborn child, yes, you don't want me anymore but, I'm still here, hinding- hindi ako aalis, dahil sinabi mo lang. I will talk to your parents, I will tell them na ako ang Ama ng anak mo, ipapakilala ko ang sarili ko sa kanila pati na rin sa mga totoong magulang mo. Hindi ka nila puwede ikasal sa iba, dahil kung may magpapakasal man sa'yo. Ako 'yon Krizha, ako lang at walang iba" aniya na hindi ko inaasahan.
Yumuko ako.
"Hindi ikaw ang magdedesisyon para diyan Xavier, if you think na papayag ako kung sakaling pumayag ang mga magulang ko. Sorry to say this, hindi pa rin ako magpapakasal sa'yo. At, sigurado ka ba talaga sa gagawin mo? Ano na lang ang sasabihin ng Daddy mo? Paano kung-- We, both know na si Helena ang gusto niya para sa'yo---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng muli niyang putulin yon.
"Hindi siya ang mag dedesisyon para sa buhay ko love. Ikaw ang mahal ko, at kahit pa pagtabuyan mo ako, paulit- ulit, hindi kita iiwan, hindi ako papayag na mapunta ka lang sa ibang tao, you're mine Krizha, akin lang, hindi ka puwede sa iba! Naiintindihan mo ba? So, don't ever think again na lumayo sa akin, dahil kahit saan ka pa pumunta, sinasabi ko sa'yo makikita at makikita kita, hindi ka makakatakas sa akin baby. Hindi ka makakawala sa akin, you're mine, Krizha, mine!
Merry Christmas everyone! Hope happy kayong lahat! :)

BINABASA MO ANG
ALWAYS (KITANGLAD#1)
Romance(Completed) (UNEDITED) (STAND- ALONE) Xavier Arebalo X Krizha Canoy Story Kinakatakutan, gwapo, sikat. Yan kung ilarawan ng mga tao si Xavier Arebalo. Ang panganay na anak ng mga Arebalo. Ang pamilya nila Ang Isa sa pinaka- mayaman na angkan na nan...