Chapter 20: Thank God! A Life Saver.

15 0 0
                                    

Chapter 20: Thank God! A Life Saver.

"Shin!" sabi ko ng makita kong maigi ang mukha niya.

"Tama na yan! Kayo ang hilig niyong sumabutahe?" medyo mahinahong sabi ni Shin nung makalapit siya sa amin ng kaunti pero may kalayuan pa rin.

Lumakad pa siya, aligaga na si Gaile ng kumikilos pa rin si Shin.

"Letche! Wag kang mangialam dito! Kahit gwapo ka, at isa sa mga miyembro ng banda nu Papa Kyne, hindi kita sasantuhin!" sigaw ni Gaile kay Shin.

Hindi siya pinansin ni Shin. Tinanaw niya ako. "Sade, okay ka lang ba diyan?" tanong niya.

"O-okay sana! Kung hindi lang niya ginulo ang pinaka-iingatan ko!" sigaw ko at hinarap ko kay Gaile ag pagsigaw.

"Manahimik ka! Sumasagot ka pa ah!" nanginginig na sa inis si Gaile.

Pasugod na ulit siya sa'kin, agad namang tumakbo si Shin, pero huli na ng mahablot ni Gaile ang buhok ko at ginupitan niya iyon ng walang pag-aalinlangan, nahawakan ni Shin ang gunting at tinapon ito kung saan.

"GIRLS! Tara! Escape na tayo!!" sigaw ni Gaile sa dalawa na agad naman nila ako binitawan.

Nilapitan ako ni Shin at itinayo. Nanlulumo ako sa nakita ko sa sahig... ANG MGA BUHOK KO!!!

Kinapa ko ang natira sa hanggag bjewang kong buhok na ngayo'y hanggang likod ko na lamang.

At ang panghuling kinapa ko ay yung huling nagupitan ni Gaile. Sapat na nag-iwan ng bangs sa noo ko.

"Okay ka lang ba? Sade?" tanong ni Shin na nalimutan kong nandito dahil ,sa kaiisip sa mga buhok ko.

"A-ang buhok ko?!" nasabi ko na lamang.

"Ssshh... It's okay. Hahaba pa naman yan.. Ang mahalaga, ligtas ka na sa mga 'yon.." sabi ni Shin.

Inalalayan niya pa rin ako hanggang sa makalabas sa liblib na lugar na iyon.

Sa labas, nakapark ang isang motorsiklo, motor ni Shin.

"Ihahatid na kita! Saan ka ba nadaan? Ituro mo sa'kin." offer niya sa'kin.

"Wag na. Nakakahiya..." sabi ko.

"Naku! Sakay na, mamaya balikan ka pa ulit ng mga 'yon kargo de konsensya ko pa pag nagkataon.." sabi niya ulit at marahang tinulak ako papuntang backride ng motor . At sumakay na rin siya at pinaandar na ito.

***

Nakauwi naman ako ng maayos. Nagpasalamat ako kay Shin sa ginawa niya. Mayos naman siyang magpatakbo ng motor. 

Sa kwarto.

Tiningnan ko ang kabuuan ng ginawa sa'kin ng Gaile na 'yon. Ragrag yung bags pati yung pagkakagupit ng buhok ko sa likod. Hindi pantay pantay.

Dahi wala na rin akong nagawa at nangyari ang nangyari... Kinuha ko yung gunting ko sa isang drawer atsinimulang ayusin sa style ang buhok ko. Pinantay ko yung bandang laylayan sa likod at yung bangs sa harap.

Tiningnan ko ulit ang kabuuan ko sa salamain at naging okay naman siya... Pero nakakapanibago sa paningin. Sa kabilang banda, nakaramadam ako ng panghihinayang sa mga nagupit kong buhok pag-naalala ko.

Niligpit ko na ang gunting at pinagwawalisan ang mga buhok ko sa sahig. Pagtapos nun ay agad na 'kong tumungo sa kama at nahiga.

Naisip ko si Shin nung mga oras na iyon... Ang gentleman niya to the point na ang kalma niya kahit  may masama ng sitwasyon na nagaganap sa harap niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Got Fearless by MariaMorphiaLoveLettTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon