00

14 1 0
                                    

"I won't heal here."


Her voice was trembling. It was desperate. It was rage. But it was gentle. Like how it used to be. It didn't change, but the way it makes me feel things changed. "I won't heal in a place that keeps me broken every time I try to love it again. I... I took back the words I swore to stay here no matter what."


"Sinanay mo 'ko, dre." My voice was as desperate as her. Umiling lang siya ng umiling. "Tapos aalis ka?"


"You knew damn well from the start that I will. Kaya nga tayo nagkasundo ng matindi, dahil alam mong tayo ang nagkakaintindihan pag dating sa ganto..."


"Pagdating sa ano?"


"Sa pag alis. Pag dating sa pag alis ng walang pasabi, sa pag kawala. Lahat ng nasa paligid natin walang magawa kapag nawala tayo ng biglaan. Kaya bakit ka pa nagugulat? Alam mong aalis ako, dre. Alam mong nanatili lang ako kase kailangan mo pa ko, nanatili ako kase gusto kong bumawi, gusto kong tulungan kayo pero ako naman."


"Ako naman, please."


Natigilan ako. Nanatiling nakahawak ang mga daliri kong desperado sa damit niya, nalukot na iyon ngunit ayaw kong bumitaw. Ang kaninang luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko'y nahulog ng sunod-sunod. Her voice was... hurt.


"We were all suffering from loss, from heartbreak, from things we don't talk about but we were suffering." Dahan-dahan niyang inangat ang kamay hanggang marating ang kamay kong nakakuyom sa damit niya. She placed her hand on top of mine and held it tightly until I was force to let go.


"Bago kita sinanay na nandyan ako, I pushed you a thousand times like anyone else. Sadyang bumigay ako nang mapagtantong baka, kailangan mo lang talaga ako't ako lang, kase naiintindihan kita." Madami siyang sinasabi na nanunuot sa utak ko, ngunit ayaw kong mapakinggan.


"Ayokong mawala ka sa tabi ko, isama mo na lang ako..." Mas humigpit ang hawak ko sa kaniya.


"Lahat kayo, ako ang tinatakbuhan kaya nga nanatili ako. Lahat kayo, pinupuna ang kulang ko, sa paraan na kapag kailangan niyong mapakinggan, kailangan niyo ng karamay andun ako pero... hindi naman sa nagsisisi ako, buong puso ko yung ginagawa eh... ang sa akin lang, hindi ko kayo sinanay para sa huli'y aalis. Ikaw lang naman ang nasanay, at ikaw lang rin naman ang nakaka alam na aalis at aalis ako."


Napayuko ako, ngunit hindi ako bumitaw sa hawak niya. Hinayaan kong mahulog sa lupa ang mga luha ko't mabasa ang lens ng glasses na suot.


"Tiniis kong mapag-isa kahit na dapat ay kasama niyo ko sa lakad, sa gala, sa group chat, sa plano, sa picnic, sa free time, sa klase, sa batibot, sa contest. Tiniis kong makitang magkasama kayong lahat...." pinakinggan ko lang siya dahil wala akong masabi.


Ngunit ang utak ko'y bumabaybay sa panahong nag-iisa siya sa sulok at lahat kami'y nakatumpok. Sa mga panahong biglaan siyang nawawala at babalik na parang wala, na parang hindi niya na missed ang group picture, ang class picture, ang lahat lahat. Paminsan-minsan ay sinusulyapan namin siya, tinitingnan ang kalagayan ngunit wala ni isa ang gustong lumapit dahil... parang gusto niyang mapag-isa, pero hindi siya namin iniwan. Kahit minsan wala siya'y hindi siya nawala sa usapan, na parang kasama namin siya. Isa lang naman ang namatay ngunit parang sumama ang presensya niya duon. At wala kaming magagawa, katulad ng nauna ay wala kaming magagawa.


"Pero hindi rin naman ako nawala, nakatanaw lang ako sa inyo, kapag nagkaproblema ay handa akong tumakbo papalapit, tiniis kong maging ganon ang estado sa buhay niyo. Kase ayaw kong sa huli, hanap-hanapin niyo ko sa bawat pagkakataong nagkasama tayo. Tiniis kong huwag kayong bigyan ng alaala kasama ako para kapag nasa lugar kayong dapat maalala ako, ay wala. Walang ako, dre."


Napatawa ako ng mapakla. Inangat ko ang tingin, kahit nakaharang ang salamin sa mga mata ko'y nakikita ko siya. Ang liwanang ng ilaw ay nagbigay ng karampot na pag-asa sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Mas masakit pa pala 'to. Buhay ka pero pinapatay mo ang sarili mo sa buhay namin. Patay siya ngunit pilit mong binubuhay sa utak mo, sa utak namin. Hindi ko na alam kung ano 'to,"


"Alam mo, hindi mo lang ako maintindihan," ngumiti siya.


"Hindi ko maintindihan ang buhay ko,"


"Tumigil ka na, dre."


"Hindi ko maintindihan ang mundo ko,"


"Stop, please."


"Hindi kita maintindihan,"


"Dahil hindi ako ang buhay mo at ang mundo mo, ako ang hindi mo naintindihan kaya wag mong ipilit na."


"Yun nga, yun nga dre. Alam kong naiintindihan mo ko, bakit pinipilit mong hindi?"


"Nasanay ka lang na nandyan ako. You need to live without me and that'll be easy if you don't use this situation as a basis to your feelings."


"Dre.."


"Hindi mo ako mahal katulad ng iniisip mo, best friend mo lang ako." Huminto ang pag hinga ko't pakiramdam ko kumirot ng matindi ang dibdib ko.


"Mag mahal ka ng hindi naduduwag, at huwag mong ipaglaban ang mali. Mulat, dre, mulat. Hindi ako ang dapat mong ipaglaban." Parang sirang plakang umulit ng umulit iyon sa pandinig ko.


"Masakit, Haya. Sumasakit ang dibdib ko. Do you need to leave?" She smiled but her eyes already was firm to her answer without saying it out loud.


"I won't heal here," she repeated.


And like yesterday, like the day before yesterday, like any other day, she left and no one knew where her wind blows. But it was something different than any other goodbye's she did. Because I feel like she won't come back this time.


"Young hearts loves boldly, some did and it hurts, some didn't and it burns."


I wonder who set my heart on fire that day? It was the girl who is made of hope, dreams and aspiration. At the same time the girl that represents the abyss and wonders.


It was the girl who run away and took my everything with her.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Young Hearts Loves BoldlyWhere stories live. Discover now