Chapter 17

238 30 0
                                    

XVII

"SACH, sorry na." Uwian na pero nakabuntot pa rin sa akin si Eiji.

"Tigilan mo ako, Eiji."

Tumabi siya sa akin. "Sorry na. Babawi ako sayo. Anong gusto mong gawin ko?"

Pumagitna si Hiro sa aming dalawa. "Bilhan mo kami ng pagkain. Kasi alam mo kanina, hindi ako nakakain ng maayos!"

Kinurot ko ang tagiliran ni bakla.

"Anong gusto kong gawin mo? Lubayan mo ako. Alam mo, kanina pa tayo tinitingnan ng ibang estudyante dito sa campus. Napahiya ako kanina, wag mo ng dagdagan ang kahihiyan ko pwedi?"

"Hindi na mauulit yun,"

"Dapat lang." Nagpaalam na si Hiro dahil magkaiba kami ng daan pauwi.

"Wag ka ng mainis, bruha. Ang pangit mo na,"

"Madapa ka sana." Dumila lang si bakla sa akin.

"Beasty!" Bigla nalang sumulpot si Cali galing sa kung saan.

"Kabute ka siguro sa past, ano?

Umakbay siya sa balikat ko. "Oh, ba't nakasimangot ka?"

"Gusto mo, bilhan mo ako ng pagkain?" Sabi niya.

"Ano?"

"Bilhan mo ako ng pagkain para sumaya ka na." Inirapan ko siya.

"Siraulo."

"Biro lang, eto naman e. Wag kang mag-alala ako na magsasaing para sa pamilya natin. Ako na bibili ng ulam, ako na maghuhugas ng pinggan. Relax ka lang." Lihim akong natuwa sa sinabi niya.

"Diba alam mo na pangit ka tapos mas lalo kang pumangit ngayon. Smile ka na dyan,"

Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin. Saka nauna nang naglakad.

"Joke lang! Ito naman, hindi mabiro e. Ayaw mong sumakay? Nakakapagod maglakad papunta sa bahay." Reklamo niya.

"Sumakay ka kung gusto mo."

"Pareng Eiji, anong ginawa mo?" Hindi sumagot si Eiji.

Hinayaan ko lang sila na nakasunod sa likuran ko. Nakakapagod rin pala maglakad pauwi sa bahay lalo na't drain na drain na ang buong kaluluwa ko.

"Sachi, okay ka lang?" Nakasalubong ko si Adi sa gate. Nakaharang siya sa gate.

Hindi ako sumagot.

Sigurado ako na pupunta na naman siya sa kanila ni Sic.

"Gusto mo ng milktea? Ililibre kita." Sabi niya pa.

"Ayoko. Gusto kong magpahinga," Sagot ko pero nakaharang pa rin siya sa harap ko.

"Ayaw mo ng milktea? Anong gusto mo?" Napansin kong may sinisenyas siya sa kamay niya.

"Umalis ka na dyan. Gusto ko ng pumasok,"

"Libre mo, Adi-boy?" Um-oo si Adi. "Sachiko, once in a lifetime lang 'to mangyayari. Tara na," Hinila ako ni Cali.

"Ayoko nga. Kayo nalang,"

"Punta nalang kaya tayo sa boulevard. Mahangin dun,"

"Ayoko." Tanggi ko sa kanilang dalawa. "Papasukin mo nga ako Adi. Wag kang humarang dyan,"

"Isama ko kaya ang isang yan. Yo, Sic!" Nagulat ako nang may tinawag si Adi sa kabilang bahay.

"Ayoko nga, Adison. Papasukin mo na ako,"

"Shh, umayos ka. Ipapakilala kita sa kaibigan ko."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Seryoso ka ba? Wag ngayon."

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon