Si Mr. Chiong At Si Capt. Marasigan

1 0 0
                                    

Tumungo sina Liam at Maki sa pagawaan ng kotse para ipaayos ang bumper ng kotse nya na bahagyang nayupi. Habang nasa pagawaan ang kotse ay kumain muna silang dalawa sa isang restaurant na naroon sa malapit. Pagkatapos nilang kumain, tumambay muna silang dalawa sa labas ng isang convenience store, kung saan may mga upuan at mesa.

"Akin na ang braso mo.", sabi ni Liam kay Maki.

"Hmm?", tanong ni Maki.

Hinawakan ni Liam ang braso ni Maki at nilinisan nya ang sugat nito. Dala ni Liam ang first aid kit na nasa kanyang kotse. "Okay na yan, wag na nating lagyan ng takip. Baka mahirapang matuyo ang sugat.", sabi ni Liam.

Tumayo ito at dumistansya nang kaunti kay Maki sabay sindi ng sigarilyo.

"Hindi ka ba natatakot?", tanong ni Liam kay Maki.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit ako nawala sa trabaho ko?...", tanong ni Maki.

"Bakit?", tanong naman ni Liam.

"Magmula nang makita ko ang nangyari sa mag-amang iyon... Palagi na akong sinusundan ng mga anino. At mas lalo silang umaaligid sa akin sa tuwing papasok ako ng trabaho. Night shift ako sa aking trabaho, at wala akong choice kung di maglakad papunta sa opisina dahil lumipat ako sa isang condominium na malapit doon. Nang hindi na ako pumapasok ng ilang linggo, hindi na rin ako kinokontak ng opisina namin at nabalitaan ko na lang na tanggal na pala ako sa trabaho. Hindi na rin ako nakakabayad ng renta, maging ng kuryente, tubig, o internet connection kaya pinaalis na ako ng may-ari ng condo... Sa katunayan, isang buwan na akong hindi naglalalabas. Mas lalo na sa gabi, hindi ko alam kung paano ko nalagpasan ang isang buwan nang ganun pero dala ng takot kong baka may mangyari sa akin, wala akong ibang magawa...", kuwento ni Maki.

"Yun ba ang dahilan kung bakit hindi ka nagsalita tungkol sa pagkawala ng bata?... Kaya siguro walang witness bukod sayo...", tanong ni Liam sa kanya.

"Hindi naman... Sa katunayan, wala akong nalamang may bali-balita tungkol sa batang iyon at parang tikom ang awtoridad tungkol sa nangyayari. Gustuhin ko man magsumbong, ang tanong ay kanino? Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin.", sabi ni Maki.

"Maki, tutulungan mo kong lutasin ang misteryong bumabalot sa mga bagay na ito. Ikaw at ang nangyari sayo, yung mga kaso, yung matanda kanina, pakiramdam ko kone-konektado silang lahat...", sabi ni Liam sabay tapon ng upos ng sigarilyo sa basurahan. "Bilang kapalit, doon ka muna sa bahay tumira. Ako nang bahala sa lahat ng kailangan mo. Mahalaga lang sa akin ang misyon na ito dahil ito ang unang mabigat na misyon ko bilang isang pulis.", sabi ni Liam kay Maki.

"S-Sige....", tugon ni Maki. "Pero... Hindi ka ba natatakot?...", tanong ni Maki kay Liam.

"Hindi pa rin ako naniniwala na may mga halimaw at sila ang may kagagawan ng mga misteryong iyon.", tugon ni Liam.

"Kahit na nakita na ng dalawang mga mata mo kung anong kayang gawin nung matanda kanina?", tanong muli ni Maki.

"Iisipin ko na lamang na namamalikmata lang ako.", sabi ni Liam.

Maayos nang muli ang kotse ni Liam kaya naman ay nagpasya na silang umuwi. Nakatira si Liam sa isang townhouse na may dalawang palapag. Itinuro ni Liam ang kanyang kwarto kay Maki at sinabihan syang doon matulog. Mananatili muna pansamantala si Liam sa kanyang opisina sa loob ng bahay.

"Kung nagugutom ka man, o kung ano man ang kailangan mo, tignan mo lang sa bahay kung mayroon. Kung wala, sabihin mo sa akin. Okay ba?", sabi ni Liam.

"Grabe, ilang taon ka na ba?...", tanong ni Maki kay Liam. Manghang-mangha si Maki sa ganda ng bahay ni Liam kahit na medyo may kaliitan ito.

"26 years old palang ako.", sabi ni Liam.

"26 at mayroon ka ng kotse at bahay?", tanong ni Maki sa kanya.

NANINIWALA KA NA BA ?      VOL.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon