C𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 6♡︎

94 4 0
                                    

MY PROMDI GIRLFRIEND

written by: yourprtty_gf


CHAPTER SIX♡

Ashley P.O.V

Kanina pa 'ko sa dito sa bar stall nakaupo tapos eto namang katabi ko dito ayaw mamansin. Hindi man lang magsalita or kausapin ako. Hindi naman ako bad breath para ayaw akong kausapin . Nagtoothbrush naman ako.

I'm feeling lonely how I wish I find a lover that can hold me here pls somebody approah me huhu. Nahihiya akong maki socialize dito sa mga persons kasi naman wala akong kilala tapos feeling ko lahat sila mayaman ako lang yung nawawalang hotdog dito.

Kumbaga ininvite lang nila ako dito para may display na maganda. Halla huy! eto na naman siya, ongame na naman sa larong ganda-gandahan.


Kanina pa 'ko naiinip kaya eto na maglalakas loob na 'kong kauspin itong lalaking katabi ko na gwapo na kanina pa umiinom ng alak kala mo naman broken hearted e.

Huminga muna ako ng apat na beses inhale, exhale, inhale , exhale. Ano ba magandang topic?

"Tyler right? " wala akong maisip na tanong or ano man yan basta mawala lang boredness ko.

" Yes why ? " this time napalingon na siya sakin

" Gaano na kayo katagal magkakilala ng best friend kong si Lisa ? " ayan tayo e wala tayong maisip na tanong kaya yan nalang muna, gusto ko sanang deretsuhin nalang na tanungin kong may gelprend na ba siya kasi ampogi pogi niya tapos gwapo pa na may pagka handsome kaso parang nakakahiya naman ako pa talaga magtatanong non kapal naman ng mukha ko pag ganon dapat magpakipot muna tayo na parang bang si Maria Clara tapos Lexi Lore naman sa gabi HAHAH

Hinihintay ko lang ang sagot niya pero hindi siya umimik. Tinignan niya lang ako at ngumisi tapos binaling niya ulit ang tingin niya sa mga nagsasayawan sa dance floor.

Aray! ang beauty ko inisnob niya lang ako. Bakit kapag nagtatanong ako sa mga kargador ng barat dun samin sinasagot nila ako ng maayos, sobra sobra pa nga mga binibigay nilang sagot saakin e kahit wala ng konek sa tanong ko pero siya, ngumisi lang siya saakin na parang aso.

Maganda naman ako ah! nagpabango pa 'ko ng nakakaakit na pabango pero bakit parang hindi tumalab sa kanya.

Ang mokong na 'to sungit! gwapo nga masungit naman kala mo naman kung sino.

Maya maya lang ay may lumapit sa kanya na groupo ng mga kalalakihan may itsura din ang mga ito, matatangkad at mapuputi kaso wala pa rin papantay sa gwapo, kinis at puti ng balat ni Tyler para itong anghel na sungit na bumaba sa langit.

" Watsup bro ! long time no see " sabi ng isang lalaki tapos nakipag kamay kay Tyler at yinakap siya saglit.

Napatingin naman siya saakin

"Are you with this beautiful lady?" tanong nito sabay tingin saakin

Napatingin din si Tyler saakin sabay baling ng noo and that act is a no. For the third time na deny niya ako. ouch pain sakit siphayo hindi ko na kerri 'to uuwi nako. I feel like I don't belong to the party, on this group.

I get my bag and stood up hindi ko na kaya ang atmosphere dito. Mayaman nga talaga pero matapobre naman. Hindi na 'ko nagpaalam pa kay Lisa at dumiresto nako sa labas.

I feel alone again. Is my behavior or character is boring? that no one would talk to me? hays ako nalang kakausap sa sarili ko.

Now, I'm walking on the dark street again. Madilim dito sa iskinitang dinadaanan ko pauwi at magkakalayo pa ang street light na makikita mo at konti nalang din ang mga kabahayan.

Sana wala akong makasalubong na adik at mga manyakis dito. Usong-uso pa naman ngayon ang rape ngayon at tsaka pagpatay ngayon tapos itatapon nalang yung bangkay mo sa kanal. Ay grabe naman sa kanal! pwede din naman sa damuhan.

At ayokong manyari yun sa'kin jusko ang dami ko pang pangarap sa buhay. Gusto ko pa maging mayaman, magkaroon ng coffer shop na business at makapangasawa ng pogi na mayaman.

"Miss saan ka pupunta?" Nanigas ang buong katawan ko at napahinto dahil sa nakakatakot na boses ng lalaki sa likod ko. Hindi ko namalayan na may nakasunod na pala saakin. May tumawa namang iba pang boses lalaki at sa tansya ko hindi lang iisa kundi may mga kasama ito.

No worries I got my self. Buti nalang nagsanay ako noon ng taekwondo sige subukan nilang lumapit saakin gagawin ko silang kamukha ni Balmond. Dala dala ko rin pala sa bag ko ang pepper spray ko at de-bluetooth na microphone para malakas akong makasigaw ng "SAKLOLO MAY MANYAKIS DITO! ". Oh diba mindset na mindset. Si Ashley 'to boi laging handa!

My Promdi GirlfriendWhere stories live. Discover now