8

722 9 0
                                    


ELAINE

Nakarating na kami sa bahay pero nandito lang kami sa tapat ng gate hindi na raw siya papasok sa loob. Hindi ko na siya pinilit.

"Kumain ka muna bago ka matulog. Stop thinking ok?"

Tumango ako at nagulat ako ng hagkan niya ako sa noo, kahit hindi sa inaasahan ko ay may kakaiba akong kilig na naramdaman nawala lahat ng inis ko kanina dahil sa pagyakap niya sa akin. Ngayon naman hinagkan niya ako sa noo kahit pa nage-expect ako ng higit pa.

Nauna na siyang lumabas at pinabuksan ako ng pinto, paglabas ko tiningnan niya niya akong mabuti.

"Stop crying ok?"

Tumango lang ako at nakita ako guard binuksan nila ang gate, nagpaalam na ako sa kaniya. Pumasok na ako sa loob papunta sa pinto, bago ako pumasok sa loob ay tiningnan ko pa si Ryke nandoon pa rin siya siguro hinihintay niya akong makapasok.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Yaya Esme na pababa ng hagdan, napabilis ang pagbaba niya nang makita ako.

"Nako ikaw hindi ka man lang nag-chat sa akin na hindi ka agad makakauwi. Akala ko napaano ka na,"

"May pinuntahan lang ako," sagot ko dahil nasanay kasi si Yaya Esme na nagsasabi ako kapag hindi ako nakakauwi agad.

"Ganun ba, teka nga bakit ganyan mukha mo? Umiyak ka ba?"

"Ha? Hindi, napuwing ako kinusot ko kasi kaya namula." Pagsisinungaling ko at nagmamadali na akong umakyat.

"Kumain ka muna bago ka matulog, parating na rin si mommy at daddy mo."

Pahabol pa ni Yaya pero hindi na ako nag-abala pa na lingunin siya nagmamadali na akong nagtungo sa kuwarto ko.

Pagdating sa silid ko mabilis na nagtungo ako sa kama ko at pabagsak akong nahiga. Napatitig ako sa kisame at naalala bigla ang cellphone ko, mabilis kinuha ko yun sa bag ko at tiningnan. Na-excite ako ng makita ko na may message sa akin si, Ryke.

"Sleep well, I will call you tomorrow."

Napangiti ako sa nabasa ko at nag-heart react ako sa message niya. Nag-reply ako agad sa kaniya.

"Where are you now?"

Napangiti ako matapos kong i-sent ang message ko sa kaniya at nakita ko na nag-seen siya agad.

"Sa biyahe pa, kumain ka na ba?"

Mabilis na nag-type ako sa tanong niya.

"Hindi pa, wala akong ganang kumain."

Sagot ko dahil wala naman talaga akong ganang kunain dahil ang gusto ko lang 'ay matulog na. Pero mukhang hindi ako agad makakatulog nito.

"Ok, but you need to eat. Kapag nagutom ka kumain ka,"

"Yes po."

Sagot ko na napangiti nag-react siya ng tawa kaya natawa rin ako at hindi ko alam pero siguro pareho kaming natatawa.

"Sige na, matutulog na ako ingat ka nga po sa biyahe."

Sabi ko na hindi maalis ang ngiti sa labi ko.

"Yes po."

Sagot niya rin at natawa ako dahil ginaya niya ang sagot ko nag-haha react rin ako sa kaniya.

Matapos ay nag-offline na siya hinayaan ko na at binitawan ko na ang phone ko, pinikit ko ang mata ko na may ngiti pa rin sa labi ko.

---------

Maaga akong nagising at magaan ang pakiramdam ko habang nasa harapan ako ng salamin. Nakangiting sinusuklay ko ang buhok ko ng tumunog ang phone bigla ang phone ko laking tuwa ko dahil si Ryke, nag-video call siya.

Unang Tumibok Kay NinongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon