Chapter 02

38 5 18
                                    

Larry mits POV

Akala ko ba libre ang pag-aaral? bakit ang daming bayarin? mas malaki pa siguro yung bayarin, kaysa sa grades.

Ngayon ang singilan sa project namin. kaya humingi ako kay Don. na dodouble ako sa pagtitinda sa bakery dahil kailangan ko lang talaga ang pera.

"Larr-" rinig ko agad ang pangalan ko pagpasok ko palang sa classroom.

"Oo, ngayon na. Magbabayad ako, kakarating ko lang, tangina."

Nabubwesit ako tuwing ganito ang trato nila saakin. Hindi naman ako tatakas.

Sa tagal kong nag-aaral dito sa lungsod namin, ni isang kaibigan wala ako. Pero para saakin, mas mabuti na iyon. . .sa kalagayan ko ngayon, maisingit ko pa ba ang oras sa mga kaibigan?, mag tatrabaho na lang ako.

Nasa sulok ako ng upuan, malapit sa bintana. Nakatingin lamang ako sa labas.

"Everyone! Please attention" Our advicer said.

Lilingon na sana ako nang maihulog ko ang ballpen ko na nasa desk. Hindi na ako nakatingin kay Ma'am Ellen, dahil mas inuna ko ang ballpen na nahulog.

"Tangina naman oh, ang layo" mahina kong sabi sa sarili.

Imbis na nakuha na ay mas lumayo pa ito saakin. Bakit ang layo? hindi naman iyon sinipa ng kaklase ko. What the heck?

tumayo nalang ako at pinagmasdan ang ballpen ko na papunta kay Ma'am Ellen. Ang attention ko lang ay nasa ballpen, kaya nagulat nalang ako nang may bumanggit sa pangalan ko.

"Larry mits, what are you doing?" Napaangat ako dahil sa gulat.

Putangina.

"U-uh. . . ballpen ko..po kasi Ma'am. . ." Bakit pa kasi napunta ang ballpen sa harapan.

Tinignan pa ni Ma'am kung asan ang itinuro ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa hiya, aakmang sasabihin kona sana si Ma'am na kukunin ko ang ballpen ay may biglang pumulot nito.

My eyes widely nang may pumulot sa ballpe—The fuck?

"Ano ba to si Larry, panira sa introduce ko"

Ano ba at bakit nakikita ko ang lalaking ito? feeling close? Baka akala niya close kami dahilan lamang nong bumili siya sa bakery nila Don? Papansin ba siya?.

"Sige na Hijo, introduce yourself na" mahinang tumawa si Ma'am sa sinabi ng lalaki.

Ngumiti ang lalaki kay Ma'am Ellen. Hindi bagay ang ugali niya sa ngiti niya. Kong makangiti siya, para siyang Angel. Pero pag hindi isa siyang demonyo na makakasira sa araw mo.

"Hi, I'm Vince Rad Fuza, Seventeen years old. . .yeah tama narinig niyo mga bata, matanda ako sainyo ng isang taon. by the way, you can call me Vince or Rad, basta saan kayo komportable, basta ako. . . komportable ako na tinatawag na pogi, hindi naman siguro iyon mahirap sabihin ang salitang pogi, hindi ba?" So rude.

Everyone laugh, except for me. ano bang nakakatawa sa sinabi niya? nakakairita. Napaka feeling.

"Ma'am, mag momotto po ako" seryosong sabi niya at hinihintay ang sagot ni Ma'am.

"Sige lang Hijo" mahinabnatawa si Ma'am sa kaniya.

Masyado siyang hyper, makapal na ang mukha kahit isa siyang transfer.

"I'm Vince Rad Fuza, Pogi sa Umaga, Gwapo sa Tanghali, at Handsome sa Gabi. . .kung ang gulay ay nagpapakulay ng buhay, si Vince Rad Fuza din ang magpapakulay sa madilim mong buhay"

          

Bakit ba ganyan siya? May sayad ba itong lalaking to?

"Corny," Mahinang sabi ko.

"Tapos na po ako ma'am, saan po ba ako uupo?" Tanong pa niya kay Ma'am at bumaling ang mata niya sa,

"doon nalang Ma'am, kay Larry," turo niya pa sa bakanteng upuan na nasa gilid ko.

Gago? Seryoso ba siya o nananadya?

"Kilala ko naman po si Larry, diba Larlarry?" taas kilay pa niya akong tinignan.

Bakante ang upuan na ito dahil ayaw nila na makatabi ako. Wala akonh pakialam don, mas mabuti walang mangungupya.

"Larry pala ang pangalan mo miss" sabi niya agad bago umupo.

I only ignore what he say. I don't like starting a conversation with a rude and crazy people, like him.

Kausapin ko na lang ang sarili ko kaysa makausap ang taong ito.

Habang nag didiscuss na si Ma'am Ellen at nagsimula ng magsulat sa blackboard.

"Ballpen ko" sabi ko at nilahad ang kamay sa notebook upang matigil siya sa pagsusulat.

"Akala ko nakalimutan mona" ngising sabi saakin.

"Ballpen ko." Napalakas ang boses ko.

"Ibibigay ko lang ito kung pakopyahin mo ako diyan" bulong niyang sabi at tinuro ang blackboard na sinusulatan ni Ma'am.

Hindi ko na siya sinagot at bigla kong kinuha ang ballpen ko na hawak niya.

Matapos ang klase namin, dali dali kong pinasok lahat ang mga gamit ko.
tanging ako nalang ang tao sa classroom, tinapos ko kasi lahat ng assignment ko para hindi na ako gambalahin mamaya. Pupunta ako ng perya mamaya, at temporary na mag babantay ng tindahan. Makakaipon na ako.

"Larry mits Aldõnio"

Nakatalon pa ako dahil sa gulat mula sa likod. Sino naman kasing gago ang tumawag sa full name ko.

"Nanggagago ka talaga no!" Galit kung sabi sa lalaking nakahawak ng papel.

"Chill, binasa ko lang pangalan mo, galit na agad" para talaga siyang demonyo. Nakakainis.

"Then?. . ." tanging sabi ko lang at tinuon na naman ang atensyon ko sa pagpasok ng mga gamit ko sa bag.

"Then. . ." Panggagaya niya pa saakin.

Umiinit dugo ko sa lalaking to'.

"Ginagaya mo ba ako?" hampas ko sa notebook ko sa upuan.

"sabi ko. . .then ito ang papel mo, sa quiz" bigay pa niya sa papel.

Kinuha ko naman ito sa kaniya. Lumawak pa ang ngiti ko nang makita ang score na nakalagay doon sa papel.

Larry mits Aldõnio 20/20

Inangat ko ang tingin sa lalaki, ngunit nagulat nalang ako dahil seryoso na siyang nakatingin.

Tinaas ko ang kilay bago, " salamat ah!" at sinuot ang bag at tumalikod na.

Habang naglalakad ako sa daan, may huminto pa na sasakyan sa tapat ko.

"Hi kid, excuse me" kid? What the fuck?

"I'm not a kid anymore." Pag cocorrect ko sa kaniya.

Parang kaedad ko lang ata itong lalaking ito, matangkad lang talaga.

"I'm sorry, magtatanong sana ako, since you are from that school" tinuro pa niya ang paaralan namin.

Tumango lang ako.

"Did you know, Vince Rad Fuza?" Seryosong tanong niya.

Eh?

"Oo, yung gago na feelingero at feeling close, at isang demonyo? Oo kilala ko" bulaslas kong sabi sa lalaki, kaya naman napanganga ito.

"Huy Larry, anong sinasabi mo?" Hindi na ako nagulat dahil sa isang metro palang amoy kona ang pabango niya na parang pinaghalo lahat ng brand sa pabango.

"Wag kang maniwala diyan insan. . .crush lang talaga ako ng babaeng ito" mayabang na sabi niya at nilingon ako.

Kahit gwapo kang putangina ka, ayoko parin sa mga mayayabang at feelingero no!.

"Ang kapal mo, Fuza!"

Itinulak ko ito kaya naman nauntog ang ulo niya sa sasakyan at para pa itong napahiga.

"Ang aga mona man natulog par, good night, Sweet dream!" Sigaw ko sa kaniya na ngayo'y hindi na maipinta ang mukha.

Walang kasiguraduhan na tatahimik ang araw ko pag nasa paligid ko lagi si Vince Rad.

The Two Of Us Donde viven las historias. Descúbrelo ahora